--3-- Friends? Fortune? Beauty?
"Alzea, mawawala ako ng 2 weeks para sa field work eh"
"Ang tagal naman po nun"
"Oo nga eh. Pwede bang makahingi ng favor?"
"Opo naman po"
"Pwedeng dito ka muna ng 2 weeks? Mahirap kasing iwan magisa si Uno"
"S-sure po"
Paktay tayo dyan. Si Uno yung anak ni ninang na may pagkamaldita. Take note! Malditang lalaki pero term ko lang yun. Straight sya.
Mas matanda lang ako ng 2 years. Kahit kailan ata wala akong magandang memory kasama sya.
Ano na gagawin ko? Maiinis na naman sakin si Uno. Bakit?
Mamaya mo malalaman.
"Ilalagay ko na lang sa account mo yung panggastos nyo at sayo lahat ng allowance. Ikaw na bahala yung kay Uno"
"Okay po"
Dadaanan ko muna yung mga gamit ko sa bahay para makapagpaalam na din ako kay lola.
//
Wow. Ang dami atang tao dito sa SM. Siguro kasi sale?
Nga pala pagkababa ko ng mga gamit ko sa bahay nina ninang, nagpunta agad ako dito. Kailangan ko na ng gamit sa school.
Buti na lang walang masyadong laman tong national. Hindi pa ako nagsusucsses sa mga mahabang pilahan. Inipin kasi ako.
Una kong bibilihin ay notebook. Ang gusto ko yung spiral na makapal ang bawat page.
Paghablot ko nung magandang notebook eh may kumuha din nun.
Pagtingin ko si Japanese guy. Este Jesse pala.
"Uy andito ka?"
"I have to buy things right"
Ang taray naman niya ngayon. Sabagay bakit naman siya magiging mabait sa akin. Wag assuming. Saka oo nga naman. Hindi lang ako amg may karapatang mamili ng gamit.
"Since you're here alredy, help me maybe?"
I nodded. Helpful ako ngayon. Saka sya na lang natatanging kaibigan ko.
Kaibigan?
Pweh.. @_@
Assuming na naman ako.