--5-- The Mother and Son
"Hoy panget na nerd!"
Hinarap ko yung tumawag. Si Kathlea palapit sa akin.
"Buti alam mo kung sino ka. By the w---"
"Kathlea"
*SLAP*
Bigla lang kasi sya nanampal.
"How dare you call me that?! Hindi tayo close!"
Ano ba yan parang name lang ginagawa nang big deal!
"Eh ano--?"
"Call me Kylie. Matatawag mo lang akong Kathlea kapag close na tayo" tapos tinaasan nya ako ng kilay.
"yun ay kung maging close pa tayo" naglakad na sya palayo. Babalik na sana ako sa pagbabasa pero hinarap nya uli ako.
"Bago ko pala makalimutan,"
"wag mong lalandiin ang Xiel KO sa review nyo kundi makakatikim ka" tuluyan na syang umalis.
Ako naman. NGA NGA @_@
Ano daw sabi nya?
LANDIIN?
Parang ang panget na nerd naman na tulad ko ay may karapatang lumandi.
Saka of all people bakit yung masungit na boyfriend nya pa?
Nagulat ako kasi biglang may sumigaw sa speaker kaya rinig ng lahat.
"YUNG PANGET NA MAHIRAP NA BITCH NA NERD! WAG MO NGA AKONG PAGINTAYIN AT PUMUNTA KA NA SA FRONT GATE!"
Lahat ng dumadaan na estudyante tinitingnan ako.
Hiyang hiya na ang kapangitan ko kaya hinakot ko na lahat ng gamit ko.
Kilala ko yung mga panlalait na yun kaya nagmadali na ako sa pagpunta sa gate.
Kakamadali ko may nabangga ako. Tinulungan naman nya ako pulutin mga gamit ko.
"Sorry nagmamad-- Jesse?"
"Ui. Ikaw pala. Musta na? ^_^"
"Ah-eh. Ano. Ayos naman"
AWKWARD! Di ba nga di nya ako pinapansin.
"Tipid naman sumagot nito"