--1-- It Started with a Can

180 4 13
                                    

Fourth year high school na ako pero nilipat pa ako dito.

Binalik to be exact.

Nandito na naman ako sa school na to. Puro masasamang pangyayari lang naaalala ko dito nung first year ako dito.

Bakit?

Kasi ako lang naman ang kaisa-isang NERD sa school na puno ng magaganda at gwapo. Another thing mas angat sila sa buhay. Sobrang layo sa kinakatayuan ko. Kaya lang naman ako nakapasok dito dahil sa ninang ko na talagang gustong gusto akong pagaralin.

Mahal ma mahal ako ni ninang kasi bestfriend sya ng mga magulang ko na namatay na. Pinangako niya na aalagaan ako pero hiwalay ako ng tinitirahan. Dun ako sa lola ko ngayon. Ayaw ko namang kasi makasagabal sa pamilya niya. Nakisama na nga ako sa America hanggang ditto ba naman sa Pilipinas.

Oh di ba? Ang drama ng buhay ko. Pang-MMK na, At sa mga nasabi ko hindi talaga ako bagay dito. Isa akong outcast.

Of all school pa kasi eh. Why here na naman?

Di ba bagay English sa panget kong muka? Kaso ilang taon din ako nagstay sa America. Like I can't help it di ba?

Pero siguro nga may binabagayang muka yun. Kaya tagalog na lang gagamitin ko.

Teka, saglit. Bakit may lumilipad na lata papunta sa akin?

*TOK*

"Aray!!!!!!"

Wahhh!! Ang sakit. Bakit may nagliliparang lata dito? At lata pa ng sprite.

"Oi pre grabe ka naman. Wag kang magbabato ng basura dito may natatamaan ka tuloy. For sure maganda to" narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Sino kaya to?

Saka sigurado daw sya na maganda ako? Eh? Baka di naman ako. May iba pa bang natamaan? Parang wala naman.

"Pano mo nasabi?" sabi nung lalaking parang mataray.

"Wala pa akong nababalitaan na panget na nagaaral dito"

Oo nga pala. Nakayuko pa din ako. Hinahapo ko pa din kasi yung natamaan ng lata.

Ouch much talaga. :-[

Biglang may humawak sa balikat ko kaya napaangat ako ng ulo.

|€_€| ganyan muka nya

"Xiel! Bumalik na siya"

"Sino?"

"Yung panget na nerd"

Return of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon