--7-- Halimaw Hater
"Ano ba. Wag mo akong pangunahan!" mahina kong sabi sa kanya.
"EH BAKI--mmmm" tinakpan ko bigla yung bibig nya.
"Ssshhh. Sabing wag maingay"
"Alisin mo nga yang kamay mo sakin. Kadiri"
Bakla ata ito. Mandiri daw ba.
"Pssh. Bakit kasi bawal sumigaw?"
Nakamot ko ang ulo ko sa inis. Kahit kailan ata hindi na magiisip tong lalaki na to.
Sino ba namang tanga ang magtatanong pa kung bakit bawal sumigaw sa library?
"Hoy nerd tinatanong kita kaya sumagot ka"
"Library nga ito eh. Ikaw naman namili nito eh"
Ilang days na rin na library yung ginagamit naming study place.
Ewan ko kung bakit pero simula nung nagalit sya nung sobra nung last time sa bahay nila hindi na nya ako pinapunta dun.
[Flash back]
"WAAAAAAAAHHH" sa sobrang lakas ng tunog napasigaw ako at napahawak ako dun sa malapit sa akin.
"Mama. mama. mama" sobrang bigla ko naiyak ako. Napasigaw pa ako ng mama.
Napapanaginipan ko kasi si mama tapos nagising ako.
Niyuyugyog ko lang yung nahawakan ko hanggang sa hawakan nya ng mahigpit ang braso ko.
Dahil sa sakit napatigil ako sa pagyugyog pero umiiyak pa rin ako.
Sobrang galit ang mukha nya.
Ewan ko kung bakit. Dahil ba hinawakan ko siya?
"What the hell! Anong karapatan no para yakapin ako at umiyak sa harap ko!?" di ako sumagot sa kanya.
"Alam mo umuwi ka na. UWI!"
[END]
Grabe yun. Gabi pa naman. Buti na lang nung pinakiusapan ko si Uno pumayag na sunduin ako. Di ko naman kasi alam yung lugar
Pero nasabihan pa rin nya ako ng tanga.
Ang nakakapagtaka lang talaga ay kung paano nya nalaman yung ligar na yun eh parang iba yun kasi lugar ng mayayaman yun.