--8-- HUWAAT?

73 2 0
                                    

--8-- HUWAAT?

Lessshheeeeyy!

Anong drama ng sungit na to sa harap ko?

"Oy bakit?"

"Tss. Hindi 'Oy' pangalan ko"

Problema nito ngayon? Bawal nga daw sabihin yung pangalan nya diba tapos ngayon ayaw nyang tawagin ko syang ‘oy’.

"Uhm... Xi--"

"I told you not to call me by my name" see!?

"Kainis naman! Anong itatawag ko sayo?!" Nababanas talaga ako sa kanya. Di ko tuloy namalayan na nasigawan ko sya. Ano bang problema nya?! Akala ko ayaw nya ng pinapansin sya.

Panira ng moment namin ni Jesse.

"Alis na nga tayo" at nagsimula na akong lumakad palayo. Noong una di ko pa nararamdaman na sumunod si Jesse pero nung medyo nakalayo na ako lumakad na din sya.

Di ko na sya nilingon kasi nakakabanas yung mukha ng masungit na yun.

Halata namang ayaw na ayaw nya sa akin tapos susulpot sa tapat ko para pagalitan ako. Seriously!

Di ko namalayang nakarating na pala ako sa garden ng school.

Ang peaceful pala dito kapag wala na yung mga students. Nakakawala ng stress.

"Ang ganda no Jesse?" masayang sabi ko pa nung lumingon ako kaso napalitan din ng inis yung nararamdaman ko.

[Xiel's POV]

Sinundan ko yung panget na nerd kasi may kasalanan sya sa akin. Sabi ko kay Hapon na manatili na lang sya sa kinalulugaran nya.

"BAKIT KA NANDITO?" lakas talaga ng loob ng nerd na to. Akala ko pa naman na ang mga nerd tahimik lang sa tabi. Tch. Mali ako ng akala.

"Sabi mo alis na tayo!"

"HOY KALA MO BA IKAW YUN?!" 

Anak ng pota!

"Hoy ka rin! Sabi ko sayo na wag mo akong sisigawan di ba?!" tss. Sa lahat ng ayaw ko ay yung nasisigawan ako. Ano sila mas mataas sa akin? Sa pagkakaalam lang niya bawal tapakan ang pagkatao ko dahil kulang pa ang pinagpatong-patong na hagdan para maabot nila ang tuktok ko.

"Huh. Ikaw nga pala si Mr. Restrictions" 

Ano bang meron sa kanya at sinasagot sagot nya ako ngayon? Hindi naman siya ganito noong una. Parang takot pa nga palagi sa akin eh.

“Hoy nerd tumigil ka sa ganyang pakikipagsap sa akin ha!” sigaw ko sa kanya. Kabanas kasi eh.

“Ano ba kasi pinunta mo doon?” ano nga ba yun? Ah!

“Kasi hindi mo pa nga tapos yung trabaho mo na pagtuturo sa akin umalis ka agad. At sa lahat pa ng taong pagiiwanan mo sa akin ay dun pa sa babaeng linta nay un” pagkasabi ko nun, nawala ang kunot sa noo nya at napalitan ang mukha nya ng pagtataka.

“Siguro may away kayong dalawa pero hindi naman ata tama na sabihan mo ng ganyan ang girlfriend mo”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Return of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon