Prologue

19.3K 673 434
                                    


"Gusto mo?" Isang batang babae ang nasa harapan ko ngayon at may inaabot na isang lollipop. Isang milk chocolate lollipop. Tinitigan ko lang iyon kaya binawi niya pero binalatan niya lang ito at inilahad na naman sa akin.

"Masarap naman yan e. Sige na try mo." Pilit pa nito sa akin. Hindi naman ako mahilig sa matamis pero ng makita ko kasi yung mukha niya e nakasimangot na ito ngayon. Nakapout pa nga siya e. Kaya kinuha ko na lang iyon at sinubo. Hm, hindi naman pala masama.

Umupo ito sa tabi ko at ngumiti sa akin. Eight years old na ako at baka kaedad ko lang siya. Meron siyang kulay abo na mga mata, ang ganda ganda!

"Bakit ka umiiyak?" Napaiwas ako ng tingin dito ng magtanong na siya. Nandito kami ngayon sa may cliff medyo malayo sa bahay namin. Akala ko ako lang ang nandito kaya malakas ang loob ko na umiyak dito. Kaso andito naman pala siya.

"Ang Daddy kasi." Naramdaman ko naman na maiiyak ako ulit. Ngitian ako ulit niya. Yung ngiting sinasabi na ayos lang umiyak? Ganun.

"Ayaw ko kasi sumama sa Canada, pero pinipilit niya ako." Malungkot na sabi ko sa kaniya.

"Bakit naman ayaw mo?" Lumapit pa ito sa akin at niyakap ang mga braso niya sa leeg ko habang nakaupo siya gilid ko. Amoy wildflowers siya tsaka amoy red berry! Ang bango naman niya.

"Kailangan ko daw kasi doon mag aral at dahil doon din yung business nila ni Mommy. Ayaw ko sumama kasi maiiwan ko yung mga friends ko tapos hindi na ako makakapunta dito tuwing gusto ko." Lagi kasi ako nagpupunta dito pag tinatakasan ko yung mga body guard ni Daddy. Tinatakbuhan ko sila at tsaka tinataguan.

"Pero diba sila ang parents mo? Alam nang magulang ang makakabuti sa mga anak nila." Ganun ba yun? Paano kung hindi makakabuti sa akin 'yun?

"Paano kung hindi ako masaya dun kasi wala ang mga kaibigan ko dun? 'Di ba hindi mabuti sa akin 'yun?"

Tumawa ito na parang aliw aliw naman sa akin. Tinitigan ko yung lollipop na hawak ko. Malapit na siyang maubos. Bakit parang gusto ko pa?

"Ayaw mo ba magkaroon ng iba pang friends? Ayaw mo bang makasama ang parents mo?" Tanong ulit nito sa akin.

"Gusto ko." Ngumiti ito ulit sa akin at biglang hinalikan ang pisngi ko.

"Ganito na lang. Sumama ka sa kanila sa Canada at pagbalik mo dito. Hanapin mo ako." Napangiti ako sa sinabi niya at siya namang pagpisil ng mga pisngi ko.

"O sige, pangako hahanapin kita pag balik ko dito." Pero hindi ko pa alam ang pangalan niya e.

"Pero paano kita mahahanap? Hindi ko alam ang pangalan mo e." Napahaba naman ang nguso ko sa kaniya. Ang ganda ganda naman niya. Yung mga abo niyang mata ang ganda ganda tignan at halata na masaya siya ngayon.

Mahaba nga yung buhok niya e. Itim na itim tapos sobrang puti pa niya. Tapos sa tuwing nagsasalita siya, sobrang soft, ang ganda pa pakinggan ng tawa niya at mas gumaganda pa siya pag ngumingiti siya.

"Ako si Calli." Ngumiti ito ulit sa akin. Calli? Ang ganda naman ng pangalan niya. "Ikaw anong pangalan mo?"

"Ako si September."

"Mamaya aalis na kami." Malungkot ako ngayon dahil mamaya pupunta na kami ng Canada. "Dapat pag balik ko, mahanap kita ha?" Lalo akong sumimangot ng tumawa ito ngayon.

Malungkot rin ang mga abo niyang mata kahit pa nakangiti siya ngayon.

"September, dapat babalik ka ha?" Sabi niya.

May naisip naman ako bago tuluyan na magpaalam sa kaniya kaya ngumiti na ako ng tuluyan.

"Calli? Pakakasalan kita pag nahanap kita. Kaya dapat pag alis ko, Girlfriend kita ha?" Ngumiti pa ako ng malawak sa kaniya ng tumawa pa ito ng mas malaki.

Ilang araw din kaming nagkikita ni Calli dito sa cliff na ito. Paborito namin ang lugar na ito tsaka nalaman ko na mas matanda pala siya sa akin ng tatlong taon dahil sabi niya eleven years old na daw siya.

"O sige. Payag ako. Basta hindi mo ako ipagpapalit ha?" Sabi niya kaya tumango ako sa kaniya.

Tinanggal ko yung kwintas ko at sinuot ko sa kaniya.

"Alagaan mo yan ha? Bigay sa akin ng lola ko 'yang singsing na pendat niyan. Sabi niya ibigay ko daw yan sa pakakasalan ko. Kaya binibigay ko sayo."

"Ang ganda nito September." Hinalikan niya ang pisngi ko kaya nginitian ko siya. Ang ganda ng ngiti niya e.

"May ibibigay din ako sayo." Tinanggal niya yung bracelet niya tapos nilagay sa kamay ko. "Ingatan mo din yan ha? Bigay din kasi ng lola ko yan. Kaya ko ibibigay sayo kasi importante ka sa buhay ko."

"Salamat sa lahat Calli." Hinawakan niya ang mga kamay ko at niyakap siya. "Sobrang mamimiss kita." Dun na ako tuluyang naiyak dahil bukas hindi ko na siya makikita pa. Sobrang mamimiss ko siya.

"Pangako, hindi kita makakalimutan. Mag iingat ka September."

Bago pa man tuluyang umalis sa lugar na yun at iwan siyang mag isa, naramdaman ko yung matamis at malambot niyang labi na nakadikit sa mga labi ko.

Sabi niya sa akin, gusto niya na maging First kiss niya dahil girlfriend ko na ito at pakakasalan ko siya pagnahap ko siya.

Pangako Calli, hahanapin kita.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon