Chapter Four

9.7K 441 39
                                    

Galaxy


Shit!

Nakakahiya naman, oo! Bakit kasi malakas ang loob ko na  bumaba kahit alam kong parang tanga at katawa-tawa ang itsura ko!?

Pagharap ko pa man din ng salamin ay halos magsisigaw ako sa hiya. Nakakainis talaga! Bakit kasi nandito sila ngayon? Lagi ba silang nandito?

Ngayon ko na nga lang naisip na matulog dito sa mansion ay sakto rin na nandito pa sila. Sana kasi hindi na lang ako nag  cancel ng lakad ngayon e. At sana sinabi sa akin ni Hyd na may mga bisita pala siya.

Walang nagawang dumeretso ako sa shower at naligo.

Damn, Jirin. What the hell are you doing here ba kasi? I never intended to see you with this kind of my freaking state! Nasanay pa man din akong bumaba o lumabas kahit pagkagising na pagkagising ko pa lang. Wala rin naman dapat akong pakialam kung sino mang makakakita sa akin, pero bakit nga kasi nandito siya? Tsaka wala din pala akong pakialam. Ano ba 'tong iniisip ko?

Aalis na lang ako ng makaiwas sa kahihiyan. Ayokong humarap sa kanila at baka kung ano pang kahihiyan ang maidagdag na magawa ko.


"Kumusta? Nahanap mo na ba?" Kaharap ko ngayon ang private investigator namin ngayon. She's Tala Liandro, a friend and private investigator of mine.

"Sorry Gal, hindi talaga e. For the nth time Gal, hindi mo ba talaga alam ang buong pangalan?" Nawawalan na ako ng lakas na hanapin pa siya. Ang tagal na tagal ko nang hinahanap pero hanggang ngayon wala pa rin. Gusto ko sana pag uwi ko dito sa Pilipinas ay alam ko na kung saan ko siya pupuntahan.

Ang tanga ko rin naman kasi na hindi inalam iyong buong pangalan niya ano? I mentally sighed.

"Wala na ba talagang pag asa, Tala?" Napailing naman ito. Ang tagal na rin kasi. Siguro nung tumuntong akong 18 ay pinapahanap ko na siya. 23 na ako ngayon so maybe nasa 26 na siya dahil naalala ko na mas bata ako sa kaniya ng tatlong taon.

Tala is really great at doing this kind of work. Alam ko rin na maliit lang na porsyento na pwede naming makita ang pinapahanap ko. Dahil sa totoo lang ay pangalan lang ang alam ko sa kaniya.

Nakakainis. I really miss her, gusto ko na siyang makita.

"Anong plano mo ngayon?"

"Tuloy mo lang please? Magbabayad naman ako e." She chuckled.

"I know. Don't worry ginagawan ko naman ng paraan." Nginitian ko siya. At least kahit papano ay hinahanap ko siya.

"Let's enjoy this night Gal. Tara sa lugar ni Mike."

Sumama ako kay Tala sa The Real. Ang lugar ng pinsan niyang si Mike. Hindi ko alam kung paano siya nag comes up sa pangalan ng Bar niya.

I know Mike too dahil ilang Bar din ang pag mamay-ari niya. He's a friend. My gay friend, pero daig pa ang lalaki sa galaw niya.

"Hey, guys! Woah, Galaxy! Naligaw ka ata dito?"  Natatawa akong yumakap kay Mike pagkakitang pagkakita nito sa amin. Maskuladong maskulado ang katawan nito. Minsan nga inaasar ko 'to kung lalaki ba talaga ang hanap nito dahil minsan mas nakakatakot pa siya sa tunay na lalaki e.

"I just came here to enjoy, Mike. Tsaka next week kasi may taping ako sa Palawan e." Yeah, kasama nga pala ako sa isang movie na ipapalabas sa susunod na limang buwan. I'm actually the protagonist sa movie.

I'm not just a singer kasi, I'm a dancer and actress too.

Medyo hassle kasi maraming nagsasayang ng oras para magkaroon ng contract sa akin. Kawawa na actually 'yong Manager ko pero mukhang keri naman niya at masaya pa sa ginagawa niya.

Nanghingi lang talaga ako ng day off ngayon araw at bukas para makapagpahinga dahil magiging busy ako this next days and weeks lalo na at malapit na rin ang concert ko next month which is two weeks from now.

"Oo nga pala, malapit na rin ang concert mo next month Gal. Manonood kami, sayang ang kita mo pag wala ang presensya ko dun." Natatawa talaga ako dito. He's funny kasi e. Kabaliktaran ni Tala na laging seryoso at komplikado.

"So, what do you want guys?" He asked.

"The usual na lang Mike." Si Tala na ang sumagot dito.

Halo halong amoy na ang nandito that's make me uncomfortable. Ayoko rin kasi ng pabango ng mga lalaki e. Buti na lang si Mike ay pangbabae ang pabango niya. Sabi niya kasi, babae daw siya. Nangingiwi na lang ako dahil sa laki ng katawan niya tapos sasabihin niyang babae pala siya. Naknangtinapa talaga, oo. Ang weird ng mga tao.

"Hi." A girl wearing a black dress press her body to me. Maayos ko itong tinulak palayo sa akin. Tumawa naman ito. "You're Galaxy, right?" I am aware with people who have the guts to come near me because of my name.

Marami kasing ganung tao sa Canada na nilapitan ako para maging sikat din at ginagamit ang pangalan ko. Meron pa ngang nakasuhan sila Dad dahil may gumawa ng kwento at nag edit ng picture ko kasama ang isang babae na hinalikan ko raw! Kaya pinahanap ko ito at kinasuhan. I hate those kind of people.

"Uh, yeah." Pekeng ngiti ang ginawad ko sa kaniya. Mukha din hindi ata napansin na naaalibadbaran ako sa amoy nito dahil, she smells cigarettes! What the fuck? Tsaka halatang ayaw kong kausapin ito, pero hindi talaga nakakahalata.

Malandi pa itong ngumiti sa akin. "Mind dating me, sweetheart?" Doon na ako tuluyang napangiwi at lumingon kay Tala na umiiling dahil sa kalandian ng babaeng katabi ko.

"She's my date, Missy. Don't come near us." Natawa naman ako. Halata kasing nananakot lang ang boses ni Tala pero natakot talaga yung babae at nagmamadali pang umaalis.

Tala is a cold-hearted woman kasi, iniisip ko nga kung sinong makakapaglambot dito. She's aloof and secretive din kasi. She's maybe cold but I'm not scared at her. Matagal ko nang kilala si Tala na maski ang likaw ng bituka niya ay alam ko na rin. I can tell that Tala can kill. Pero mabait siya, promise! Hindi ko siya magiging kaibigan kung hindi. Kaya nga rin hindi ako natatakot sa kaniya e. Mas mukhang natatakot pa nga ako kay Jirin e.

Thinking about those cold dark gray eyes makes me shiver. Her poker face and seriousness in her voice. I shiver kahit na minsan ay inaasar ko siya. Mas gumaganda kasi siya pag mas lalo pang naiinis lalo na pag nakikita kong namumula yung mga tainga niya.

Naalala ko nga 'yong kaninang umaga na sinarahan at dinabugan ako gamit ang pintuan ng classroom nila.

Akalain mo yun? May tao palang hindi ako kilala at walang pakialam kong ako su Galaxy Meyer? Sinusungitan pa ako at iniirapan.

Ngayon lang ako nakameet ng ganung tao na imbes maasar ako ay parang natatawa pa ako.

Ang totoo niyan, she's interesting.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon