Chapter Twelve

8.3K 453 103
                                    

Jirin


If I can punch right now? Baka kanina ko pa nasapak ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakakairita kasi ang mga ngiti at tingin nito sa akin kanina pa. Mahigit isang oras na akong nagtitimpi sa kahanginan nitong lalaking ito. Kung hindi ko lang siya kliyente baka higit pa sa sapak ang nagawa ko sa kaniya.

"Miss Ruiz, what if, we can date? C'mon, tell me it's a great idea!" Kanina sinasabi niyang gusto niya ako. O kaya naman pwede na akong maging ina ng magiging anak niya. That's why nawawalan na ako ng pasensya. Puro kahambugan lang ang naririnig ko mula sa kaniya imbes na trabaho dapat.

"We are here to talk about work, Mr. Marco." At ilang ulit ko na rin pinaalala sa kaniya 'yan. Dapat ngayon ay nagsa-suggest na ito ng design ng bahay na gusto nito. Should I quit accepting contracts and just focus on teaching? Madalas kasi akong makasalamuha ng kliyente na makikipag meet pero makikipaglandian pala ito sa akin. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagpunta pa rito.

"C'mon, you're beautiful and I am handsome. We're compatible, right?" Nangasim ang mukha ko nang kumindat pa ito sa akin. Kadiri.

Si Mr. Marco, matangkad ito at sobrang puti na parang gatas. But his looks? Mukhang adik dahil may piercing pa yung ilong niya. Nakakaturn off sa gaya kong babae na makakakita ng isang lalaki na may hikaw sa ilong o sa dila. That's ew, for sure.

"Mr. Marco, I am engaged." Mariin kong sagot dito. Tila wala naman itong pakialam na tumango na mas ikinainis ko. Sinasagad na niya masyado ang pasensya ko. Gusto ko na talagang makaalis sa harapan ng lalaking ito dahil pag ako ay hindi nakapag pigil baka mahila ko lang ang hikaw nito sa ilong at wala akong magiging pakialam kung dumugo man 'yon. Nakakastress siyang nilalang!

"Kung ang asawa ay naaagaw. Ikaw pa kaya? Na engaged palang? Kaya kitang agawin." That's it!

"Let's call it a day, Mr. And mind you, I don't wanna work with you again." Dinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko ng tumayo na ako at lumabas na.

Naiinis akong umalis sa lugar kung saan kami nagkita. Naisipan ko kasi na sa isang coffee shop para sana mas comfortable ang paligid kesa sa isang restaurant at baka kung ano pa ang isipin nito. Mukha pa man siyang mayabang at mukhang hindi rin gagawa ng tama.

Kaso dahil may sira ata ang ulo ng lalaking 'yon ay di ko na kinaya ang kahanginan niyang dala dala.

Dumeretso ako ng parking lot at pumasok sa sasakyan ko. I was about to go when I saw Galaxy getting off of her big bike. Napailing pa ako ng mapansing wala itong suot na helmet. Ang tigas ng ulo talaga ng dalagang ito. Sino ang matino na hindi magsusuot ng helmet? Syempre si Galaxy lang. She wears jeans at simpleng kulay puting t-shirt lang na may nakasulat na "mind your own business" may ikaka–weird pa ba ang babaeng 'to?

Hindi ko na sana ito papansinin ulit ngunit natigilan ako. Natigilan ako at napalingon ulit sa kinaroroonan niya.

"September!"  W-wait, what!? Why is he calling Galaxy a September? That's not her name, right?

Tumatawa na ngayon si Galaxy na lumapit sa isang matikas na lalaki. Matangkad ito at maputi. Pinalo pa ni Galaxy ang braso nung lalaki na parang natutuwa. I shouldn't be here. Baka pagkamalan lang akong tsismosa lalo na 'pag nakita ako nang babaeng 'yan. Feelingera din kasi siya minsan.

"Stop calling me that HAHA!" Niyakap naman siya nung lalaki na may ngiti sa mga labi. Who is he? Boyfriend niya? And ano naman sa akin?

"What? It's your name so I can call you that!" September? Si Galaxy? September ang pangalan? What does that mean? Malakas ang tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako that's for sure. Namamawis na rin ako dahil sa mga naririnig. Shit! Sana mali 'yong hinala ko di ba?

Akala ko ba Galaxy ang pangalan niya?

"Isang tao lang pwedeng tumawag sa akin ng pangalan kong yan Mike. Si Calli lang."

Parang sumabog ang puso ko dahil sa narinig. Sa kaniya na mismo nanggaling ang mga salitang sana hindi na lang niya sinabi. Dahil bakit niya tinago ang isang bagay sa akin na nung gabing 'yon ay pwede rin niyang sabihin? Anong dahilan? Kailangan ba niyang itago iyon? Pwede niyang sabihin agad e. She can tell me about it!

I open up to her about September, about the promises that she made. Tapos, siya pala yun? Kaya pala.

Kaya pala, she looks so happy that night. She became weirder and her eyes held hope and happiness. Kaya pala may love dun. She became more clingy and sweet simula ng gabing yun.

But she lied, right? I asked her kung paano niya nalaman ang lugar na yun pero iba ang sagot niya.

What the fuck are you playing at Galaxy!

Tuluyan silang nawala sa paningin ko ng deretso silang pumasok sa coffee shop kung saan ako galing kanina. I remembered the handkerchief she left. May nakaburda roon pero hindi ko pinansin.

Kinuha ko yun sa bag ko at tinignan.

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha na matagal ng hindi naglandas sa mga pisngi ko. My heart is pounding so hard.

My name and hers are perfectly engraved in her handkerchief. Calli and September.

Pero yung bracelet, I never saw her wearing that. Nawala ba niya? Masasapak ko siya kung sakali. I don't care if she's September. That bracelet is important to me. Whatever her reason is.

Para mas makasiguro ako, I texted Summer. Dahil sa dakilang Fan siya ni Galaxy. Imbes na kay Hydra ako magtanong. Baka makahalata dahil kung sakali man ay maisip nito agad kung bakit dahil nabanggit ko nga yung pangalan nung sinasabi ko na fiance ko. I mean, narinig din ni Summer pero kasi she's not fond remembering names na hindi niya laging nakikita.

"Can you tell me what's Galaxy's full name?" I send my bubble to Summer.

I waited for minutes before I heard it bing. Opening it, napailing na lang ako. Damn, girl. Galaxy Meyer, how dare you for not telling me the truth!

"September Galaxy Shin Meyer."

Umuwi ako sa Condo ng mainit ang ulo. Nakakainis at nakakainit ng ulo. Masaya akong malaman na nandito na pala siya. Pero bakit hindi man lang siya nagsabi? Anong problema? Bakit kailangan niyang itago? May iba na ba siya? Oh, damn you Galaxy!

Malabo namang may iba na siya dahil wala namang nabanggit si Hydra sa amin na may girlfriend siya o boyfriend hindi ba? Pero sino nga ba yung kasama niyang lalaki kanina?

Ghad! I had a lot of things to do right now and my mind consume this Galaxy Meyer! Should I let her explain? Should I act that I don't know yet about her? What should I do? But I need to hear her explanation first so I don't overthink those things.

Ugh! Kasi naman e.

What a weird way to know the truth September.

A/N: What a typical way about knowing the truth, ayt?

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon