Chapter Fifteen

9.1K 474 80
                                    

Galaxy


It's been three days after my Concert pero 'til now hindi pa ako nagpapakita kay Calli. Hindi naman iyong tipo na hindi talaga nagpapakita. Naging busy kasi ako after the concert kahit na ang balak ko sana ay magpahinga pagkatapos nun. Ang kaso tinawagan ako ng director ng movie na ipapalabas namin. May idadagdag daw na scene kaya dalawang araw akong wala. Ngayon naman ay kababalik ko lang.

Dumeretso pa nga ako dito sa bahay ni Tala dahil makikitulog ako sa kaniya mamaya pero aalis muna ako bago bumalik dito at kanina ko pa nga siya kinakausap kaso ang tahimik naman niya.

"Tala! Hey I am talking to you!" Tumingin lang ito sa akin pero hindi ako sinagot. Napakamot na lang ako sa batok. "Tita Ella wants you to become a professor sa Black Lily University. Next pasukan ka naman magtuturo e. You have two months to say yes."

"Black Lily? What on earth that the University called as Black Lily?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Me. May masama ba sa name? Ang cute nga e." Singhal ko sa kaniya na ikinailing niya lang. I smirked. "Malay mo nandun na yung lovelife mo." Natawa ako, mahina kasi itong manok ko e. Ayaw sa lovelife.

"I'm not interested, Galaxy." Hindi man lang pinag isipan grabe yan. Humihindi agad e.

"C'mon Tala! This is a good opportunity for you. To become a professor in our University. After all we want to have a great professor!" I beamed at her. Excited pa man din ako para sa kaniya.

"You knew that I am not a Professor, Galaxy." She answered me monotoned kaya napairap na lang ako. Daming palusot!

"But you're a genius. And I know It's a thrill for you! Sabi rin sa akin ni Mike that you are feeling bored right now." She sighed. Syempre, kasi totoo naman talaga yung sinabi ko e.

"C'mon, Tala. Just accept it."

"Pag iisipan ko muna Galaxy." Ngumiti siya sa akin na minsan lang niya ginagawa. Fan kasi siya ng masusungit na nilalang kaya ganiyan kaseryoso.

Nagpaalam na rin ako sa kaniya dahil pupunta ako sa eskwelahan nila Third. Gusto ko makita iyong babaeng miss na miss ko na.

Sana lang at pumayag si Tala sa alok ko para magkaroon naman ng buhay 'yon. Lagi na lang siyang bored sa buhay. Nasabi ko na rin pala sa kaniya na nahanap ko na si Calli. Bago ang concert ay nabanggit ko na. Kaya rin siya nabored sa pagiging private investigator niya sa akin dahil may pinagawa ako sa kaniyang hindi niya nagawa. Gusto daw ng bagong gagawin pero pag iisipan pa rin ang alok ko.

Ang komplikado talaga niya! Paano ko ba naging kaibigan yun?

Pagpasok ko pa lang ng gate ng school ay kinakabahan na ako. Nagtext kasi ako kay Third kanina at nagtanong. Mabuti na lang at breaktime ngayon ni Calli at nag s-stay siya mag isa sa office niya. Pwede ko siyang landiin doon.

Paglabas pa lang ng sasakyan ay mga estudyanteng titig na titig na agad ang bumungad sa akin.

Ang iba ay nagsisigawan at nagbubulungan lang. Gad! Buti na lang di pwede sila lumapit sa akin.

Dumeretso ako sa office ni Calli at kumatok. Kinakabahan ako mga fans.

"Come in." Hala! Anong sasabihin? What if she's mad at me? Will she kill me for lying? Wait, hindi pa ata ako ready e. Ilang minuto din akong nakatayo sa harap ng office niya ng bumukas ito.

"Galaxy?" Napaangat ang tingin ko. "I said to come in, didn't I?" Napahawak ako sa batok. Kinakabahan ako mga sir!

Pumasok ako sa office niya at ako na rin ang nag sara.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon