Chapter Eighteen

8.6K 380 79
                                    

Galaxy


"Hi, baby!" I visited Trina in her workshop. Malaki ang ngiti niya at pati ang mga kasama niyang nandito. Nakakainis na talaga siya, swear!

"Ano yung pinagkakalat mo, Trina?" Her smiled widen because of what she heard. Seems like tuwang tuwa pa dahil sa pinagkalat niya.

"Why? Hindi ba't you're my girlfriend?" Lumapit siya and even hug her hands palibot sa may batok ko na mas ikinainis ko. Rinig ko din ang bulungan ng mga kasama niya dito na sinasabing bagay daw kami. Ayokong masira ang meron ako dahil sa babaeng ito. Mabait at cute naman ako kaso I hate it when they want me to get mad.

Bàka dahil sa kaniya ay magalit pa sa akin si Calli.

Malakas ko itong tinulak na halos ikatumba niya at pagsinghap ng mga kasama namin dito.

"Hindi kita girlfriend Trina." Maanghang kong sagot dito na ikinawala ng ngiti niya. "Narinig niyo ang sinabi ko?" Lumingon ako sa mga kasama namin. "Hindi ko girlfriend si Trina Navidad! Ang totoo nga niyan e may Fiance na ako and she's not Trina fucking Navidad!" I shouted.

"Hanggang Kailan mo ipipilit yang sarili mo sa akin Trina? Palibhasa kasi ako na lang hindi mo nadadala sa kama mo kaya desperado ka!" Ngumiti ako. "Di ba totoo naman?" I smiled sweetly.

"W-what? B-babe n-no! Tsaka gusto talaga kita! At kung sino man yang sinasabi mong fiance mo ay magbabayad siya!" I stared at her deadly. Napaatras siya pero mukhang hindi magpapatinag. "You are mine Galaxy Meyer. You are mine."

I can't believe this!

"Why are you so desperate ba? I am not yours and never be yours Trina! Tama na pagpilit sa sarili mo!" Tumawa siya ng malakas na parang nahihibang na. I never saw her like this.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya at nagawa na niyang ipagkakalat ang isang bagay na hindi totoo.

Ano bang pumapasok sa isipan niya?

"Aw babe. You are so cute! You know what? Pakakasalan pa kita, okay?" I don't care kung may nanonood sa amin at kung may nagvi-video man. Mas maganda nga yan para kumalat na hindi talaga 'yan totoo. I am not even scared na baka masira ang career ko dahil sa ugaling pinapakita ko sa kanila. I know that the end of the day, sila lang din ang hahabol sa akin.

Susugudin ko sana ito when someone grabbed my hand. "Baby, no." They all gasped and I looked Calli standing in front of me, beautifully.

"Baby, siya kasi e!" Tinuro ko si Trina na masama na ang tingin ng yumakap ako sa bewang nang fiance ko.

"Halika na, let's go home." Hinila ako nito palabas ng workshop but before that, I heard Trina saying something.

"Ingatan mo siya Galaxy, baka malingat ka. Hindi mo na siya makita pa."

We hurriedly enter Calli's car.

"Ano bang ginagawa mo Sept?" Naiinis na tanong nito. I pouted.

"E siya naman nag umpisa e! Kinalat niya that she's my girlfriend daw e that's not true naman!" I defend.

"But then, you can asked her nicely. Wag laging pairalin ang galit." I sighed in defeat. Ayokong makipag argue sa kaniya about that kasi totoo naman.

"I can help it sometimes. Lalo na at matagal na akong nagtitimpi sa kaniya." I silently sighed. "Kapag talaga may ginawa siya sayo, I'll find that Alexandria girl and I will let her to kill that Trina!" Naiinis kong bulalas. Totoo naman e! Kanina kasi she looks so baliw na. Para siyang tinatakasan ng sarili niya.

May issues ba yung Trina na 'yon?

"Don't do that September!"

"How did you know pala na I am here?" Bigla bigla na lang kasi siyang sumusulpot ng walang pasabi e. "Di ba may class ka?"

"Early dismissal. Bago ako makaalis I saw some students nanonood ng live video mo about sa nangyayari sa loob ng workshop na 'yon."

Kaya pala. So iyong may hawak ng cellphone sa loob kanina ay naka live pala. Akala ko ay video lang. Buti na lang at live pala dahil pwede nilang manupulahin 'yong video.

"I so hate that girl, baby." Reklamo ko pa sa kaniya.

She just smiled at me sweetly that makes my heart melt. Gahd! She's beautiful.

"Calm down, baby."

Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan niya at umalis na sa lugar na iyon.

"Call me that again?"

"Ayoko" Napalabi naman ako agad dahil back to sungit na naman siya! After she called me baby? Susungitan na naman ako? "Sa bahay tayo ni Hyd." Napailing naman ako sa narinig. Bahay? Mukha bang bahay yun? Ang laki laki ng bahay ni Hydra e. Buti na lang minsan lang ako makitulog doon. May tinutuluyan naman akong bahay pero hindi lagi kasi mas madalas akong nakikitulog kila Hyd at minsan kila Tala.

"Baba na."

Sinalubong kami ni Hyd at Third na galing ata sa kusina.

"Hey, man!" Bati ko kay Third dahil ngayon ko lang ito nakita ulit dito. Even Lila is busy sa hindi ko alam na dahilan.

"Hi ate Gal! You're not with Ate Lian? I saw her yesterday." Ako naman ang nagtaka dahil that girl is malaki ang utang sa akin! Hindi pa rin siya nagpapakita hanggang ngayon. I saw her last post in IG na nandoon siya sa Concert ko pero never nagpakita sa akin! Ano na naman bang issues ng babaeng iyon ngayon?

Sasagot na sana ako ng batiin kami nila ate Summer.

"I saw the Live video! Oh my gosh! The Trina Navidad is in love with you! And oh, kayong dalawa, Jirin! Kailangan niyong magpaliwanag na dalawa!" Mahabang litanya ni Summer habang si Sherez ay naiiling na nakatingin lang sa amin.

"Uh—she's September? 'Yong sinasabi kong fiance ko?" Eksaheradang suminghap si Summer habang may pagtataka lang sa mukha ni Third at Sherez.

"Ate Gal, siya yung pinahanap mo kay ate Tala?" Takang tanong ni Third ng hindi na ito makatiis. Tumango ako.

"How come? And how did you know that Galaxy is the September you are looking for?" Sherez asked. Oo nga no? I forgot to asked her about that.

"I was with the client and left the Coffee shop that time." Umupo kami sa couch. "I heard Mike called Galaxy as September"

"Before Concert ko 'yon di ba?" Tumango siya. "Ibig sabihin before you saw the bracelet alam mo na!?" Tumawa siya.

"Yeah. Nakalimutan mo na ba? Sinabi ko na nga sayo." Napasimangot naman ako. Nakalimutan ko lang naman e.

"Oh freaking hell. So it means, officially na kayo na talaga?" Pagsigaw na tanong ni Summer kaya sabay kaming tumango ni Calli.

"OH MY FREAKING HELL!"

"Exagerrated ka masyado Summer." Natatawang binatukan ni Sherez si Summer na umaaray na ngayon.

"Pero anong gagawin mo kay Trina? Para kasing hindi dapat binabalewala yung simpleng pagbabanta niya sa Live na napanood namin." Seryosong tanong nito na ikinatahimik ko.

"Oo nga ate. Parang nababaliw na si Ate Trina sa itsura niya kanina!" Si third.

"Paano mo naman naging ate iyon Third?" Natawa ako sa itsura ni Hydra na nagcrossed arms pa.

"Nandun nga siya nung birthday mo e."

"What? I didn't see her there." Takang saad ko.

"Sa totoo lang sang ayon ako sa sinabi ni Sherez e." Seryoso narin ngayon si Summer habang nakatingin sa amin.

I need to protect Calli for sure.

Her First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon