Chapter Seventeen

6 0 0
                                    

Theo's POV

Napilitan kaming umuwi dahil sa nangyari, kilala ko rin kasi si carlo na anak ng presidente ng unibersidad kung saan nag aaral si pia at ryan, basagulero kaya laging nasa guidance office, maraming barkada pero masasama ang ugali, nadawit na rin sya dati sa paggamit ng pinagbabawal na gamot, pero dahil nga anak ng presidente ng unibersidad nalilinis agad yung pangalan nya, nag aya na akong umuwi kasi nagbabanta na sya, na hindi daw kami makakauwi ng maayos, pagkatapos namin ayusin lahat ng gamit namin, nagpaalam na kami sa may ari ng resort na hindi na kami mag stay dito nang overnight, isa rin sya sa nakasaksi ng ganap kanina kaya pinayagan nya kami at sinabi ring mag ingat kami sa pag-uwi, dahil tatlong sasakyan ang gamit namin, yung mga boys nahati sa dalawang grupo, yung kalahati sumakay sa pick up na dala ko, tapos kay ryan yung isang grupo, at lahat ng babae sumakay sa sasakyan ni sir jam na nasa gitna namin ni ryan, napagdesisyunan din namin na hindi kami dadaan sa centro, kaya ang nangyari dumaan kami sa bundok ng Casat, paglabas ng lugar na yun Solano na ang bubungad samin, baka kasi pag dumaan kami ng centro ng Bayombong baka may nakaabang na pala samin dyan mahirap na, nasa byahe kami ng maisipan kong tawagan si mama para ipaalam na uuwi kami sa bahay kasama ang mga kaibigan namin, nakausap at nasabi ko na rin sa mga kasama ko na wag silang magbanggit ng kahit na ano about sa nangyari kanina sakali man na andoon na kami sa bahay mamaya...

"anak bakit?''
"ma, may kasama kaming uuwi dyan sa bahay, kasama ko na si ryan at si pia, ma okey lang ba na ikaw muna bahala sa mga gagamitin nila?, yung kwarto sana ma kung okey lang na ayusin mo, or kahit kami na lang mamaya''
''ako na anak, at tsaka malinis naman yung mga bakanteng kwarto, kakapalit ko lang din kahapon ng mga punda at bedsheet,marami ba kayo?''
"baka magamit yung dalawang kwarto ma, kasama namin mga boardmate ni pia, at yung boardmate kong teacher dati"
"pagkain?baka nagugutom na kayo"
"kami na mamaya ma,"
"sige mag iingat kayo''
''okey ma, thank you''

pagkatapos namin mag usap ni mama tinawagan ko rin si pia para kumustahin sya..

"ok ka lang?"
"hindi"
"yung usapan, dapat hindi malaman nila papa"
''alam ko''
"relax, matulog ka muna, malayo pa tayo"
"tulog ang mga kasama ko, hindi ako pwedeng matulog baka antukin tong driver ko"
Narinig ko namang nagsalita si sir..
"concern ka sa lagay na yan??"
"focus pwede??"
Bago ko pa marinig na mag bangayan sila nagpaalam na ako para makapag concentrate ako sa pagmamaneho..

I Thought It was Forever (Memory Lane)Where stories live. Discover now