Pia's POV
Pagdating ko sa solano, nagtext ako kay jam na may bibilhin lang ako saglit, sinabi ko rin kung saan ako nagpark ng sasakyan para mahanap nya ako agad, bibili kasi ako ng mga prutas para kay theo kaya pumunta ako sa mga fruits stand, pagkatapos kong bumili bumalik na agad ako sa sasakyan, naabutan ko si jam na nakaupo sa hood ng sasakyan nya habang hinihintay ako, paglapit ko sa mismong sasakyan na dala ko, lumapit sya sakin at lumuhod sya sa harap ko, bigla akong kinabahan -_- pero agad ding nawala yung kaba ko dahil tinali nya lang pala yung lace ng shoes ko dahil naalis..
"always be careful, pano pag nadapa ka?, and wear your shoes properly''
''thank you, san tayo? libre mo ba?'' sabay tawa, nginitian nya lang ako..
"san mo ba gusto?"
"akala ko ba kasi sa Mrs Bakers tayo?" tanong ko..
"hmmm, okey dito o sa isang branch?"
"dito na lang para maglakad na lang tayo"
"ok let's go'' habang naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami mag uusap, biglang tumawag si mama.."hey ma! i miss you how are you?"
"I'm fine anak, asan ka?''
"I'm here in solano''
''who's with you?''
''I'm with someone ma,''
''ohh I'm sorry did I disturb you?''
''no ma, it's okey''
''I will call you later, mag ingat kayo i miss you too anak.''
''thank you ma, ikaw rin''Pagkatapos naming mag usap, tumingin ako sa kasama ko na busy rin sa cellphone nya,naglakad pa kami ng ilang minuto bago nakarating sa Mrs Bakers, pagpasok namin agad naman kaming inasikaso ng waiter..
"carbonara pasta and garlic bread, ikaw sir?, "
"I told you stop calling me sir pag tayo lang ang magkasama"
"aahmm , okey anong gusto mo?"
"kung anong order mo"
"okey, 2 carbonara and garlic bread"
"ma'am baka po gusto nyong i-avail yung couple desserts namin''
"ano ba yun?" tanong ko..
"and 1 couple desserts please" -jam
"okey sir, thank you"
"ano naman yung pa couple desserts na yan ha jam?"
"gusto ko lang, anyway kumusta ang malaysia?"
"okey naman, masaya at tahimik ang buhay''
''congrats pala, kahit wala ka dito sa pilipinas, kasali ka parin sa listahan ng deans lister, iba talaga pag matalino''
''hindi naman, grabe ka naman sakin''
''kailan balik mo?, babalik ka pa ba doon?''
''oo, gusto kong mag aral doon, at para may kasama na rin si mama''
''desisyon mo yan, gawin mo kung alam mong magpapasaya sayo''
''oo naman salamat, ikaw kumusta ka?''
"ok naman, lilipat na ako sa Deped ngayong pasukan, malabo kasing magkaroon ako ng items sa university, lalo at on going pa lang ang Masteral ko"
"good for you, at mas malaki ang sahod sa Deped kaya tama ang desisyon mo"Masaya kaming nagkukwentuhan ng dumating na ang order naming pagkain,inabot rin kami ng ilang oras sa loob ng Mrs Bakers dahil sa kwentuhan, kung hindi pa nagtext yung mga boys baka hindi pa kami umalis doon..
"anong plano mo?" tanong ko sa kanya..
"uuwi ako ng probinsya nila lola"
"mag iingat ka, pag may time ka pwede kang sumama samin sa Isabela, kasama ang barkada"
"oo sir sumama kana samin" -ronald
"nakakahiya naman sa inyo, kayo na lang muna sa susunod na lang ako sasama"
"minsan lang mag aya si pia sir, baka hindi na maulit" -cris
"uyy umayos kayo, busy yang tao, wag pilitin kung ayaw," singit ko..
"kung gusto nyo sumama na lang kayo sa probinsya namin,'' -jam
''pwede rin naman, tapos after namin sa inyo deretso na kami sa amin''
"deal na yan" -jam
"oo" sabay-sabay naming bigkas sa kanya
Hindi na sya sumabay samin, dahil pupunta pa daw sya sa boarding para kunin yung mga gamit nya, tawagan na lang daw namin sya kung kailan kami luluwas sa probinsya nila, pag-alis nya , umalis na rin kami papunta sa hospital kung saan naka confine si theo, pagpasok namin andoon silang lahat maliban kay sherwin dahil sumama daw para maglaro ng football kasama ang team nila, sinabi ko na rin yung plano namin at pumayag naman sila tita, except kay theo na naka simangot -_-"babawi ako pag okey kana"
"ayan kana naman"
"seryoso, kaya dapat magpagaling kana dahil isasama kita pagbalik ko, you can stay there for 1 week"
"seryoso ba yan?"
"kailan ba ako nagbiro?"
"it's a deal then?''
"oo"
"count me in'' -ryan
"kahit hindi mo sabihin"
"I can't wait na tuloy'' ryan
''haha,ewan''Nagpaalam na rin kami sa kanila, para umuwi na sa bahay, inabot ko na rin kay tita yung mga prutas na binili ko, sumama na rin si ryan dahil kukuha sya ng gamit nila..
Pagdating sa bahay kanya kanyang activities na sila maliban samin nila belle dahil magluluto kami ng dadalhin ni ryan sa hospital, nagbaked din ako ng cookies dahil nag request si tito, pinakbet at adobong baboy naman ang niluto namin na ulam nila, pagkatapos namin magluto, inayos na rin namin lahat ng dadalhin ni ryan, nag stay pa sya ng ilang minuto dito sa bahay bago sya umalis, pag alis nya inayos ko naman yung mga dadalhin kong gamit kasama na yung mga bigay ni mama sa mga kapatid ko, yung pasalubong nila tita, nilagay ko na lang sa isang maleta at saka ko pinasok sa kwarto nila, pagkatapos kong ayusin lahat, tinawagan ko si jam na pwede kaming lumuwas bukas ng umaga or after lunch, umoo naman sya agad, sinabi nya rin na sa centro na kami magkita-kita, pagkatapos namin mag-usap sinabi ko sa kanila na mag-ayos sila at lalabas kami, plano ko kasing pumunta sa resto bar ni kevin kasama ang barkada, hindi nila alam na doon kami pupunta ngayon, naligo lang ako saglit ganon din ang ginawa nila, binigyan ko rin sila ng t-shirt from malaysia at sinabi kong yun ang isuot nila para naman pare-parehas kami, tinernuhan ko na lang ng skinny jeans yung t-shirt ko at nag suot na lang din ako ng puting vans shoes, ginawa ko ring messy bun yung buhok ko tsaka ako nag pabango, paglabas ko nagulat pa ako kasi nakatingin silang lahat sa direksyon ko, dala ko rin yung pasalubong ko kay kevin para walang masabi, si kuya cris na rin ang nagmaneho dahil marunong naman sya, pagdating namin sa mismong lugar nagtinginan pa silang lahat sabay sigawan haysss mga takas talaga sa mental.."kailan ka dumating?" -kevin
"apat na araw na ako dito, o para sayo pala''
'' nag abala ka pa, pero syempre kukunin ko, sayang din to''
"walang pinagbago kevs?"
"wala talaga hahaha, kumusta pala si theo? galing sya dito nung naaksidente sya, pero hindi sya lasing, kasi hindi naman sya uminom, naka motor lang sya noon, nagulat na lang ako noon, tumawag yung kapatid ko naaksidente daw sya sa mismong balete drive, pumunta ako agad doon pero hindi ko na naabutan dahil kinuha na sya ng ambulansya para dalhin sa hospital ang nagawa ko na lang para sa kanya ng oras na yan ipagdasal sya at syempre ako na rin ang umasikaso sa motor nya, buti nga hindi sya napano kasi halos durog yung motor nya, nasabit lang yung binti nya sa bakal noon pero marami ding nawalang dugo sa kanya, kaya siguro umuwi ka dahil sa kanya"
"kevs, thank you ha, buti na lang nandyan ka para sa kanya, kahit naman hindi nya sabihin uuwi parin ako, mahal ko yung gagong yun,"
"maliit na bagay, oo alam ko naman yan, oh pano san kayo? VIP? treat ko na yung room alak na lang ang bayaran nyo"
''baka malugi ka nyan? hindi kami iinom, kakain lang''
''hindi naman, mag VIP na kayo para sarili nyo yung room, may videoke na rin doon,''
"sige na nga, thank you ulit kevs.''
''oo na, sige na tawagin mo na sila''
Pagkahatid ni kevin samin, tinanong ko na sila kung gusto nilang uminom, pero hindi daw, videoke lang daw sapat na sa kanila, kaya hinayaan ko na lang sila, hinayaan ko na rin silang mamili ng gusto nilang kainin, inabot din ng ilang minuto bago nila hinatid yung order namin, nagbigay din si kevin ng libreng desserts namin, haysss sarap magkaroon ng kaibigan •﹏• pagkatapos namin kumain, nagkantahan pa sila, alas onse na rin ng gabi nang magpaalam kami kay kevin, hinayaan ko na rin yung mga boys na magbayad sa kinain namin dahil mapilit sila, ayaw din naman tanggapin ni kevin yung bayad namin, pero dahil matalino ako, iniwan ko na lang din sa VIP room na hindi nya napapansin, tamang pagkalugi yata ang hanap ng kevin na ito...
Bago kami umuwi, sinabi kong dumaan muna kami sa 7/11 para bumili ng Ice Cream para may panghimagas sila mamaya, alam ko kasing manonood na naman sila, pagdating sa bahay nagpaalam na ako sa kanila para magpahinga, sinabi naman ni belle at elle na matutulog silang lahat sa sala kaya hinayaan ko na lang sila, pagpasok ko sa room ko, tinignan ko muna yung phone ko baka kasi may tawag sila tita or si mama, pero pagbukas ko message ni jam ang tumambad sakin.."sinabi ni kevin sakin na nandyan daw kayo sa resto bar nya?, ingat kayo, lalo kana, lampa ka pa naman O_o, good night''
Hindi ko na sya nireplayan, nag half bath na ako agad at pagkatapos ko magbihis, deretsong kama na ako agad tinamad na rin kasi ako sa skin routine ko, dahil sa antok na talaga ako, nakatulog na ako agad...
---------
To be continued...
YOU ARE READING
I Thought It was Forever (Memory Lane)
Roman d'amourManiniwala ka pa kaya sa Pag-ibig kung puro sakit at luha lang ang binigay sayo nito?