Pia's POV
Pagdating namin sa bahay, humalik lang ako sa pisngi ni tita at tito, at pagkatapos pumasok na ako agad sa silid ko, para maligo badtrip na badtrip ako sa jam na yan, akala mo naman kung sino, naghahanap ako ng damit ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, lumapit ako para buksan sana pero naunahan ako ni tita...
"lumabas kana muna dyan, at samahan mo yung mga bisita nyo"
"opo sige po"
"may problema kaba?" laging ganyan si tita sakin, pero eversince hindi ko na try mag open sa kanya, nahihiya kasi ako..
"wala naman po" nag uusap kami ng biglang pumasok si theo at ryan sabay bagsak ng katawan nila sa kama ko, at hinila pa nila ako kaya tatlo kaming bumagsak, niyakap nila ako pareho, sanay na ako sa ganito, kaya parang wala lang sakin..."lumabas na kayo! nakakahiya sa mga bisita nyo"
"ma, baka naman pwedeng..." hindi natuloy ni ryan yung sasabihin nya kasi biglang nagsalita si tita..
",tigilan nyo ako, tapos na ako mag shower kayo na lang..
"ma, kami na lang magpahinga na po kayo'' sabi ko para manahimik na yung dalawa dito..
"sige na labas na dyan" bago lumabas si tita hinila ni theo yung kamay nya at niyakap nya si tita..
"thank you ma," nakiyakap naman si ryan, at syempre nainggit ako kaya sumali na rin ako, nasa ganon kaming posisyon nang biglang pumasok si tito at sherwin na hinahanap pala kami, nakiyakap din sila kaya ang itsura namin masayang pamilya, hindi nila ako tinuring na iba sa kanila, parang ako na rin daw kasi ang anak nilang babae,..
"labas na," sabi ni tita, bago humiwalay samin at lumabas na, sumunod naman si tito at sherwin..habang yung dalawang tipaklong naiwan dito para asarin ako.."lalabas ka o papasukin ko si sir jam dito" nang aasar na sabi ni theo sa akin..
"ha?? bakit? huyy" gulat namang tanong ni ryan wala pa lang alam ang isang to...
"nevermind" wika ni theo sabay tayo sa kama....
"dont tell me na boyfriend mo si sir jam?" dudang tanong ni ryan sa akin..
"naaah, kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo ryan" lumabas na ako at iniwan ko na sila, mga walang magawa sa buhay!" nakasunod naman sila sakin, si theo tumatawa lang while ryan is asking me, kung totoo daw ba?? bahala kayo diyan..
Pagdating sa sala nakaupo lang sila at nanonood sa tv, si sherwin naman kumuha ng tubig sa ref, dahil nauuhaw daw sila, haysss buti na lang mabait si sherwin..."tara sa likod ng bahay" aya ni theo sa kanila..
"pwedeng makigamit muna ng cr?" -jam
"tara sir samahan kita." mabilis na sabi ni theo sabay tingin sakin at nakangisi pa, may binabalak pa yatang masama., tinignan ko silang dalawa, sisigaw na sana ako nung nakita kong papasok sila sa kwarto ko kaso natutulog na pala sila tita baka pagalitan ako, wala akong nagawa...
Hinayaan ko na lang sila at inaya yung mga kaibigan ko na pumunta kami sa kubo..JAM'S Points of View
Hindi ko alam kung nananadya ba si theo or what, andami nilang cr pero sa kwarto pa ni pia talaga..
"sir ikaw na lang pumasok antayin kita sa sala,"
"baka pagalitan ako ng pinsan mo dito"
"hindi yan sir" sabay labas ng pintuan, pagpasok ko sa kwarto nya, parang hindi matatawag na kwarto ang isang to, pagpasok ko kanina bumungad na sakin yung malaking picture ni pia na nakasuot ng bridal gown, lumapit ako para tignan kung ano yung nakasulat, nagulat pa ako nang makita kong kuha pala yung litratong yun ng isa sa mga sikat na photographer ng probinsya, bakit may ganito syang kuha, naging model kaya sya or ano ba? ewan bahala na nga dyan, pumasok na ako sa banyo ng kwarto nya para maligo, inabot din naman ako ng 20 minutes, paglabas ko nakabihis na ako, nagulat pa ako kasi nadatnan ko si pia na nakaupo sa kama, nailang pa ako sa tingin nya sakin, ...
"bakit hindi ka nalang sa kwarto ni theo naligo?"
"eh dito nya ako dinala eh"
"pwede naman mag reklamo"
"wala ako sa bahay para magreklamo"
"ewan, bahala ka dyan" akmang lalabas na sya sa pinto nang magsalita ako...
"bakit ba sobrang affected ka sa presensya ko ha?"
"baliw! nakakabadtrip ka kasi,''
''hmm talaga lang ha??'' nauna na akong lumabas sa kanya, iniwan ko syang masama ang tingin sakin e_ePaglabas ko nakita ko si theo na naghahanda ng mga plato, at mga gagamitin namin sa pagkain, tumulong na rin ako para mabilis, naghahanda kaming mga lalaki sa kubo nila, nang dumating si pia at inaya yung mga babae na mag freshen up muna, pag alis nila lumapit agad sakin si theo at tinanong ako...
"ano sabi sir?"
"nagalit lang naman sakin"
"asarin lalo para lalong mainis,"
"haha bahala ka dyan" iniwan ko sya at pumasok ako sa loob para kumuha ng baso...Pia's POV
Inaya ko yung mga girls para makapag ayos sila ng sarili nila, si belle at elle hinayaan ko na sanay na sila eh e_e pagpasok sa kwarto ko, deretso higa si belle at elle sa kama, samantalang yung tatlo nakatayo..
"bahala na kayo, dyan maghanap kayo sa damitan ko ng pwede nyong isuot may aayusin lang ako'' pagkatapos kong sabihin yun sa kanila, pumasok ako sa isang kwarto para tignan kung maayos ang tutulugan ng mga girls mamaya, at ganon din ang ginawa ko sa tulugan ng mga lalaki, nang makita kong maayos na lahat lumabas na ako at dumiretso sa labas ng bahay nakita ko naman na ready na yung pagkain, yung kakain na lang ang kulang, lumapit ako para tignan kung anong ulam na naka ready, and as usual mga pagkain lang naman na hindi ko makain, kaya ang ginawa ko pumasok ako sa kusina para tumingin sa ref ng pwede kong kainin, at dahil puro sariwa lahat, bumagsak ako sa de lata, well not bad I love sardines so much lalo yung maanghang, kumuha rin ako ng bawang,sibuyas, at siling labuyo, ginisa ko lang yun no, san ka pa.. inabot pa ng ilang minuto bago lumabas yung mga kaibigan kong babae, hiyang hiya ako sa kanila nagbukas pa sila ng mga damit ko na naka plastik pa, same outfit ang mga ate nyo..
"may natira pang isa doon, yung ang suutin mo mamaya para same tayong lahat.." nakangiting sabi ni belle.m
"okey sabi mo ee", kain na tayo, nakatingin sila sakin nang makita nila kung ano ang ulam ko..
"anong tingin yan? eh kung gusto nyo na ako mamatay, sige pakainin nyo ako ng ganyan.."
"may sinabi ba tayo.?" wika naman ni the..
"ewan kumain na lang kayo"
Pagkatapos kumain, mga lalaki na rin ang nag insist na mag ayos sa mga ginamit namin...Pumasok na kami sa loob ng bahay, gusto pa daw nila manood sa netflix kaya hinayaan ko na lang silang mag stay sa sala, para makapag half bath na rin ako, inabot din ako ng kalahating oras sa loob ng banyo, pagkatapos nagbihis na ako, sinuot ko yung sinabi ni belle para daw pare-parehas kami, pagbalik ko sa sala andoon silang lahat nakapag freshen up na rin yung mga boys, mga lalaki talaga ligong uwak ang ginagawa nila Q_Q tinanong ko sa kanila kung nasaan si theo at ryan, naliligo na daw sila, nagpaalam naman ako para puntahan sila..
Pagpasok ko sa silid ni theo, andoon silang tatlo na nagtatawanan.."sherwin matulog kana, madaling araw na"
"sige ate, mga koys tulog na ako.."
"goodnight" sabay-sabay naming bigkas, kaya nagtawanan kami paglabas ni sherwin pinaupo nila ako para pag usapan yung nangyari, kung hindi pa kumatok si belle baka andoon parin kami na nag uusap usap..."girl, matutulog na kami"
"asikasuhin mo na sila pia" -theo
"okey.." paglabas namin, sinabi ko kay belle na tawagin na yung mga boys, naalala ko si sir jam san kaya matutulog yun.. hayyss bahala sya sa buhay nya...Pinapasok ko na rin yung mga lalaki sa magiging kwarto nila...
"hanep, pwede bang dito na kami tumira" biro ni rommel, nagtawanan naman kaming lahat..
"ewan ko sa inyo, pag nilalamig kayo pwede nyong hinaan yung aircon, pag may kailangan kayo, katukin nyo ako sa kwarto ko" sabi ko sa kanila, nang maayos na sila iniwan ko na sila, alam kong pagod din sila.
Tinawag ko na rin yung mga girls para makapag pahinga na rin sila, si belle at elle kasama ko sa kwarto, hindi kasi sila kasya, mas maluwang kasi yung bed sa kwarto ng mga boys kaysa sa kwarto ng mga babae...Papasok na sana kami nang bigla kong maalala si sir jam, kaya pinauna kona yung dalawa sa loob at pinuntahan ko sya sa sala, nanonood parin sya..
"san ka matutulog sir?"
"kahit dito na lang sa sofa"
"naaah, di kinalbo na ako ng pinsan ko pag ginawa ko yun sa kaibigan nya"
"bahala ka,"
Iniwan ko sya doon para puntahan si theo sa kwarto nya, naabutan ko syang nagpapalit ng bedsheet at punda ng mga unan.."dito na si sir sa kwarto ko, makikitulog muna ako sayo,"
"doon po natulog si belle at elle"
"kay ryan or kay win",
"better" sabi ko sabay alis, bumalik ako sa sala para sabihin kay sir jam na matutulog sya sa kwarto ni theo, hindi ko na hinintay na magsalita sya, iniwan ko na sya agad at pumunta na ako sa kwarto ko, naabutan kong nanood si belle at elle sa smart tv sa loob ng room ko, wala bang pagod sa katawan ang dalawang ito.. hinayaan ko na lang sila at umupo ako sa sofa na nasa loob ng room ko, at nag open ako ng facebook, walang bago at puro friend request lang ang nandoon, nang magsawa ako, humiga na ako sa kama ko, hinayaan ko na lang yung dalawa, hindi ko na namalayan yung mga sumunod na nangyari dahil hinila na ako ng antok...------
To be continued...
YOU ARE READING
I Thought It was Forever (Memory Lane)
RomanceManiniwala ka pa kaya sa Pag-ibig kung puro sakit at luha lang ang binigay sayo nito?