Chapter Twenty Nine

19 0 0
                                    

Elle's POV

Alas otso na nang umaga ako nagising, at dumiretso agad ako sa banyo na nasa loob mismo nang kwarto na tinutuluyan namin ni belle, pagkatapos ko mag freshen up, lumabas na ako nang silid, iniwan ko si belle na masarap pa ang tulog, dumaan ako sa kwarto ni pia para sana kausapin sya pero tulog pa sya, kaya bumaba na ako para tumulong sana sa gawaing bahay pero ang naabutan ko sa kusina yung kapatid nyang si mark na ganadong kumakain ng agahan kasama ang dalawang kasambahay nila na naka tayo sa magkabilang gilid nya..

"morning ate elle, halika na sabayan mo ako, mga tulog pa sila pagod siguro sa byahe.."
"sige lang magkakape na lang muna ako" nagulat pa ako nang biglang ipagtitimpla ako nung kasama nila, kaya ang ginawa ko lumapit agad ako at inagaw ko yung cup na hawak nya, nagulat pa yata sya sa ginawa ko..
"Anong nangyari ate elle?" mahinang tanong ni mark sa akin pero alam kong narinig nang dalawang kasambahay nila kaya napatingin din sila sa akin..
"hayssss mas maganda sigurong yung ate mo ang magsabi sayo dahil wala ako sa lugar para sagutin yang tanong mo.." sagot ko sa tanong nya..
"anong sasabihin ni pia kay mark??" Halos mapaso ako sa hawak kong tasa nang kape nang biglang sumulpot yung daddy nila sa kitchen..
"ahh tito --" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sumingit si mark sa usapan..
"tinatanong ko kung bakit biglaan yung desisyon ni ate na magtrabaho na lang dito sa pinas"..
"good for her, mas maganda na dito sya para malapit siya sakaling kailangan nya tayo" masaya namang sabi ng daddy nila..
"but dad, hindi na bata si ate, mas maganda sigurong hayaan na natin sya na gawin kung anong gusto nya at magpapasaya sa kanya.." - mark..
"I trust your sister mark, pero gusto kong nandito sya, hindi na ako bumabata, I want her to stay here dahil kailangan nyang pag aralan ang pagpasok sa pulitika at pagpapatakbo nang mga negosyo natin" mahabang sabi ni tito, nakikinig lang naman ako dahil wala naman akong masabi...
"morning guys! may problema ba??" - Pia
"nothing serious, join us for breakfast ate" - mark..
"Oh okey, morning elle.." - pia
"morning too" maikling sagot ko naman sa kanya..
"so? Anong plano natin today?".. tanong ni pia..
"Pano yung trabaho mo sa monday?".. - mark
"Ang lapit nang Santiago baka pwedeng dito na ako sa bahay uuwi nang hapon.." - pia
"It's up to you anak, kung anong gusto mo na sayo ang desisyon, and besides hindi ako pwedeng makealam dyan.." mahinahong sabi ni tito kay pia habang nakangiti..
"Thanks dad, pwede ba kaming mag enjoy muna bago ako magsimula sa trabaho ko sa lunes?" - pia
"yes ofcourse.." - sagot ni tito...
"ahm pano pala kami? Naka leave kami nang 1 week.." naalala ko kaya tinanong ko si pia..
"anak, pwede ka naman bumili nang sarili mong bahay kung saan ka magtatrabaho, para hindi kana mahirapan sa pag byahe baka kasi makalimutan mong usad pagong ka kumilos" natutuwang sabi ni tito kay pia..
"Hmmm, pwede ba kaming lumuwas ngayon para tumingin nang bahay?, para may matuluyan din sila elle habang nasa trabaho ako.." - pia
"Nice idea ate, pwede akong sumama?" - mark
"Ate pakigising naman yung mga kaibigan ko, para maaga kaming makaalis" utos ni pia sa kasambahay nila, agad namang umalis ito upang gisingin ang mga kaibigan naming nahawa sa pagiging tulog mantika ni pia..
"kayo na ang bahala dito, kailangan ko nang pumasok" paalam ng daddy ni pia sa amin, tumayo naman agad si pia at humalik sa pisngi ng tatay nya, at bago pa makalabas nang kitchen si tito sakto namang dating ni ate Zyrie galing sa night duty..
"Good morning guys!!!, morning dad, alis kana?"
"yeah, may meeting kami ngayon, aalis sila pia ngayon ikaw na ang bahala dito at sa kapatid mong bunso, at ikaw na ang bahala sa dinner mamaya.."
"Dinner? Andito ba ulit ang barkada?? Wait san sila pupunta?" - Zyrie
"maghahanap nang matitirhang bahay ni ate pia" - mark..
"Eyyy! Count me in!" -Zyrie
"okey bahala na kayo, mauna na ako sa inyo" sa wakas ay paalam ni tito..
"elle, kumusta?".. tanong ni ate Zyrie sa akin..
"okey naman ate ikaw?"
"Masaya.. "
"Good morning ate Zyrie" bati ni belle na kakapasok lang sa kitchen kasama nang mga boys..
"hey belle, gumaganda ka lalo.."
"ate naman ee wag mo akong biruin.."
"totoo kaya, halina kayo kumain na tayo at may lakad tayo ngayon.., kumusta ang mga pogi??"
"Asan yung pogi ate?" Biro naman ni ronald..
"haysss kumain kana! Wala kang pinagbago, cris ano kumusta? Rommel,Isagani at Domar? Anong plano nyo?"
"Maging masaya ate" -Cris
'"tama yan, kain na tayo.." -zyrie

Pagkatapos naming mag agahan umakyat na ulit kami sa taas para maligo at magbihis, nasa kwarto kami ni belle nang biglang pumasok si ronald dahil tumatawag daw si sir jam sa kanya..

"E di sagutin mo na kung gusto mo, wag mo na kaming idamay dyan dahil nandito tayo para magbakasyon hindi para mag isip nang problema" -belle
"grabe ka naman kay sir, sige hindi ko na sasagutin para matapos na.." bigkas ni ronald bago sya lumabas nang silid namin ni belle..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Thought It was Forever (Memory Lane)Where stories live. Discover now