Chapter Twenty Seven

9 0 0
                                    

Jam's POV

Hinintay ko munang makatulog si pia bago ako umuwi, pagdating ko sa bahay tinawagan ko si lola kahit pa gabi na..

"oh anak kumusta? tumawag kana naman ba para sabihing hindi ka makakauwi dito?"
"la, bumalik na sya"
"sino si pia ba?"
"oo la, bumalik na sya, at nakausap ko na rin sya"
"aba mabuti kung ganyan anak, kumusta daw sya? mamasyal ba kayo dito?"
"ok naman sya la, oo la aayain ko sya dyan sa atin.."
"o siya sige anak, magpahinga kana mag iingat kayo dyan''

Pagkatapos namin mag usap ni lola pinuntahan ko si mama sa sala na nonood.

"ma si papa?"
"diba may seminar?"
"ah oo nga pala, ma may sasabihin sana ako sayo"
"sabihin mo na anak"
"ma, si pia kilala mo pa ba sya? bumalik na kasi sya dito sa pilipinas, ma liligawan ko sya"
"anak marami namang iba dyan"
"ma hindi naman matuturuan ang puso"
"anong mabibigay nya sayo, maliban sa uubusin nya lang ang ipon mo"
"ma hindi mo kilala si pia''
"kilala ko lang sya sa pangalan at nakasama ko rin sya dito sa bahay ng isang gabi noong pumunta kayo dito, at sa nakikita ko hindi sya makabubuti para sayo, kaya maghanap ka ng iba! doon ka sa babaeng may pinag aralan, for sure hindi nakapag tapos ng pag aaral ang babaeng yan kaya nangibang bansa para maghanap buhay tama?''
"ma, pwede bang ako ang masunod pagdating sa sarili ko?'' hindi ko na hinintay na magsalita pa si mama iniwan ko na sya at pumasok na ako sa kwarto ko para mag impake ng gamit ko, tinawagan ko na rin si papa para sabihin na uuwi ako kila lola, hindi ko na nakwento sa kanya na nakauwi na si pia, isa si papa sa mga nagbibigay sakin ng advice na kung talagang seryoso ako kay pia hihintayin ko sya, in short isa sya sa nagtutulak na ligawan ko si pia, pagkatapos kong mag impake, lumabas na ako ng bahay dala yung isang malaking maleta ko, hindi na ako nagpaalam kay mama na kasalukuyan ng natutulog sa kwarto nila, lumuwas ako agad sa probinsya nila lola, pasado alas tres na ng madaling araw ako nakarating sa bahay, gising na rin naman si lola dahil aalis sya para puntahan yung mga branch ng meat shop nya, naabutan ko syang nagkakape sa kusina..

"anong nangyari?"
"si mama"
"ewan ko ba dyan mama mo, napaka kontrabida nya sa totoo lang, dito kana kasi tumira sa bahay anak, wag ka na rin magboarding ang lapit lang ng bahay natin sa school kung saan ka nagtuturo eh"
"gusto ko lang mag solo la."
"si pia?"
"aayusin ko muna yung bahay na nakuha ko la bago ko sya ayain dito"
"pwede naman kayo dito anak, pwede kayong mag stay dito habang andito pa ako sa pilipinas, saka na kayo magsolo pag nakabalik na ako sa hawaii"
"pano si lolo?"
"eh di dito na lang kasi kayo"
"pag iisipan ko la,"
"magpahinga kana, aalis na ako mamaya"
"sige po, maaga akong pupunta ng subdivision mamaya para tignan yung bahay na kukunin ko"
"sige anak.."

Umakyat na ako agad sa kwarto ko, pagkahiga ko sa kama ko, naalala ko na naman yung sinabi ni mama kay pia -_- pumikit na lang ako hanggang sa makatulog ako..

Pia's POV

Paggising ko kinabukasan wala na si jam sa tabi ko, at mukha ng pinsan kong si ryan ang nabungaran kong nakatingin sakin habang nakaupo sya sa gilid ng kama ko..

"what are you doing here?"
"hmmm, tumawag si elle sakin tinatanong nya kung hanggang kailan ka dito sa pilipinas"
"I will stay here for 1 year, depende pa sa sasabihin nila daddy, why?"
"dala mo ba lahat ng school credentials mo?"
"oo bakit?"
"may hiring kasing school sa santiago, ikaw ang naisip ni elle,"
"Pinaka ayoko ang magturo, alam mo yan"
"Senior High School"
"kahit na"
"must try, para hindi kana bumalik sa pagmomodelo''
"ayoko!"
"tsk! hard headed"
"lumabas kana nga"
"okey, pwede kana mag apply bukas sasamahan kita kung gusto mo"
"ako na kaya ko, kumusta si theo?''
''ok naman sya, wag kana daw muna pumunta doon para makapagpahinga ka daw, andoon kasi si MJ''
''ah ok, sige aayusin ko lang yung mga requirements ko''
''good for you, sige tulog muna ako''

I Thought It was Forever (Memory Lane)Where stories live. Discover now