Chapter 14

14 2 2
                                    

Chapter 14: One


Raffie Zander's Point of View

"How about you, Mr. Baltazar? What's the name of Archduke Francis Ferdinand's wife that was assassinated using a gun in 1914?" Masungit na tanong ni Ms. Manansala kay pareng Zareo Culios. 

Hindi ko nga rin alam kung ba't ito na naman topic namin, eh. Ang tagal-tagal na nito. Nung grade 7 pa yata kami.

Habahahahahahahahaha, loko! 'Yan, titig pa kay Amelia.

Katatapos lang tanungin at pagalitan ni Ms. Manansala si Morry, 'yong kaklase naming lalaki na palagi ring tulala.

"Mister Zareo Culios Baltazar!" Halos napamaang ang lahat nang naninindak na tawagin ni Miss Manansala ang utol ni Athena my loves. Napasipol-sipol naman ako nang mahina.

"A-Ah? Miss! Y-Yes po, Miss—" natutulirong sabi ni Pareng Zarcus at saka nilingon ang guro namin. "—M-Miss Reyes! Ikaw ho pala," sabi niya at saka ngumiti-ngiti. 

Woo! Buti na lang talaga at malayo ang pwesto ko sa kanya. Baka madamay pa ang kagwapuhan ko.

Lalo siyang sinamaan ng tingin ni Miss Manansala. "I am not glad with your actions, Mister Baltazar! Now, answer my question or you'll leave my class!" 

Woo, anak ng tinapa. Tagalog naman 'tong History namin pero hindi ko talaga malaman kung bakit nag-e-English 'tong si Miss Manansala.

"P-Po?" gulat na sabi ni Pareng Zarc na nanlalaki pa ang mga mata.

"Anong 'po'-'po'?! POnyeta ka, lumabas ka na nga sa klase ko!" 

Napasulyap ako kay Bro-Vie Cole at nakita kong wala na naman siyang ekspresyon sa mukha pero halatang nababagot na rin siya. 

Kaya naman, bilang gwapong bayaw ni Zarcus, inagaw ko ang atensyon ni Miss Manansala mula sa kanya.

I cleared my throat. "Miss Manansala, can we just go back to our discussion? You are wasting our time." seryoso kong sabi sa kanya, iyong tipong medyo kakabahan si Ma'am at baka mapatalsik siya sa university namin.

Agad namang nagbago ang ekspresyon niya pero sumeryoso rin naman siya agad.

Tinignan ko si Pareng Zarcus at saka tinanguan. Nag-sign of the cross siya at pumikit-pikit pa na para bang sa ganoong paraan niya ako pinasasalamatan. Amporki, kahit na napagalitan na, puro kalokohan pa din 'tong bayaw ko na 'to.

"Alright, going back! Anyone who wants to answer my question?" nabalik ang tingin ko kay Miss nang magsalita siya.

Nagtaas ng kamay ang kakambal kong gwapo.

"Yes, Mr. Ramos?!" malakas at ma-awtoridad pa rin ang boses ni Miss Manansala.

"Sophie," tipid na sagot ng kakambal ko.

"Excellent! Napakaikli na lang, wala pang makakuha?!" Anak ng tinapang malala talaga, napaka-drama nito ni Miss. No offense ah, pero masyado naman niya kasing ginegeneralize. 

Miss, baka naman kasi may nauna nang gustong sumagot ano, kaya nagpaubaya na kami. Dahil baka tama ang sagot niya. Masyadong judgmental 'tong si Miss Manansala, tsh. 

"Next! Saan sila namatay, paano, at sino ang pumatay sa kanila?! Sino rin ang mga namatay?!" sigaw na naman niya.

Putcha, isa na lang talaga, iiyak siya at babalik sa square one. Sinasabi ko lang talaga.

Nagtaas na 'ko ng kamay noong mukhang walang balak sumagot.

"Yes, another Mr. Ramos?!" Isa pa... mga .50 pa.

Mah Obscured IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon