Chapter 21

0 0 0
                                    

Chapter 21: The Bridge


I am wearing a royal blue mera shirt partnered with mah white flare pants. I already told Skai na I'm leaving na in five minutes so she better be ready when I arrive sa mansion ng mga Salvador.

I put on a light makeup and grabbed mah Gentle Monster before I left mah room. 

Pinatunog ko ang aming Jaguar F-Type at nakangising pumasok. "Thanks, Ate Maida!" pasasalamat ko dahil binuksan niya ang gate. 

Bumusina ako ng dalawang beses bago pinaharurot ang pretty car papunta sa Saviors.

"Good morning, Mistress!" Skai greeted as soon as she opened the door.

Binaba ko nang kaunti ang aking shades. "Morning. Are mah parents there?"

"Waley. Chat mo na lang," aniya habang umuupo.

"Oh. No thanks. Ipahahatid ko na lang ang bati through mah guardian angels." I placed mah shades on the top of mah head. 

"Sigeh, kung saan ka happy. Tara na,"

Agad kong pinaandar ang Jaguar nang maikabit ni Skai ang kanyang seat belt.

"Hello po, nandito na po kami sa labas. Pabukas na lang ng gate," sabi ni Skai sa cellphone niya.

Bumukas nga ang gate kaya agad akong pumasok para maiparada ang sasakyan. I put on mah Gentle Monster again before leaving the car. It's scorching outside!

"Good morning, Miss Ramos! Nandoon po si Romel," bati sa akin ng isa sa mga staff ng PFood. Though, we're not in PFood.

Tumango ang magandang ako. "Okay, got it. Thanks!" sumunod sa akin si Skai patungo sa apartment. 

I personally hired two PFood staffs para bantayan ang hangal na almost-kidnapper ko. Since that day, hindi na yata siya nakakakuha ng natural vitamin D. He's locked in here. 

Maswerte nga siya dahil kahit papaano, twice a day siya kumakain. Kaysa naman wala, 'di ba? At nakakainis isipin na parang responsibilidad ko pa siya ngayon dahil he's under mah control. 

See?! Pinapalamon pa siya ng muntik niyang kidnapin. How lucky!

Naabutan ko si Mang Romel outside the hangal's room. 

Napapairap na lang ang magandang ako tuwing maaalala kong nirentahan ko pa ang buong apartment na 'to para sa kanya. Buti na lang din at puro bakanteng lote ang katabi nito. Skai did a great job looking for this place.

"Miss Ramos! Miss Skai!" bati niya nang makita kami. 

"Hello po!" 

"Good morning, Mang Romel,"

Tumabi siya, tinanggal ang padlock, at binuksan ang pinto. 

That hangal kidnapper was sitting on his bed with his hands tied on the window fence. Napalingon siya sa amin at agad na nanlaki ang mga mata. He can't speak rin dahil may busal ang kanyang bibig.

"Kumain na po ba siya?" tanong ko kay Mang Romel.

"Ngayong araw po, hindi pa. Wala pa po kaming natatanggap na signal mula sa kasama ninyo." sagot niya, pertaining to Skai. 

I nodded. "Okay. Thank you, Mang Romel. Kami na po ang bahala," tumango rin siya at sinarado ang pintuan.

Lumapit si Skai sa lalaki at tinanggal ang nasa bibig nito.

"Aren't you gonna say anything? Come on, just confess and I'll spare your boring life. No cap," tamad kong sabi nang lumipas ang five minutes at walang nangyari kundi ang titigan niya kami.

Mah Obscured IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon