Chapter 2

62 6 48
                                    

Chapter 2: Confession


Raffie Zander's Point of View

Hi! I'm Raffie Zander Ramos. Kung i-dedescribe ko ang sarili ko, 'yun ay ang... gwapo ako.

Napakaaga pa para maka-receive ng text galing kay Trovie, ang kakambal kong gwapo rin pero 'di hamak na mas gwapo naman ako.


From: Bro-Vie Cole
bruh, nag-away kanina si Ana at Nicole. good thing naawat ko.

Agad naman akong nagreply.

To: Bro-Vie Cole
Ana? yung bago ni Drei?

From: Bro-Vie Cole
yeah. by the way, might go home late tonight. date. wish me luck

To: Bro-Vie Cole
Okay. Wishing you luck, bro.

From: Bro-Vie Cole
What luck? Baka naman bad luck yan, bro.

To: Bro-Vie Cole
HABAHAHAHAHA, GOOD LUCK, TROV.


Ano kaya'ng nangyari? Kakausapin ko na lang mamaya si Nicole.

Trovie sometimes calls me 'kuya', kapag na-trip-an niya. They believe na ako raw ang pinakamatanda dahil ako ang unang niluwa. Or niluwal, I don't know what you call that thing. Hindi ba dapat siya 'yun? Since mas matagal siyang nagstay sa tiyan ni Mom.

Nandito ako ngayon sa cafeteria, nonchalant na nakamasid sa table nila Nicole.

Damn, bakit ba baliw na baliw ako sa babaeng ito? Ano'ng ginawa mo sa akin, Athena Marie Baltazar?

Araw-araw akong nakamasid kina Athena. O 'di ba, nakita ko na si crush, nabantayan ko pa kapatid ko.

Nung nangyari kanina ang gulo ay wala pa ako sa loob ng school no'n. I was waiting for Athena (pero 'di niya alam). Eh late pa naman 'yun lagi.

Ginayuma mo ba ako, Athena Marie?

Hindi ko talaga alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa babaeng 'yon. Dati noong mga bata pa kami, nung pinakilala siya sa amin ni mommy, agad akong nagandahan sa kanya. Isa siyang magandang nilalang na nakita ng mga mata ko. Hinayaan ko lang iyon hanggang sa unti-unti kong namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. And damn, 'ayun na nga. Nahulog na ako nang tuluyan sa kanya.

[A/N: Corny amp. Eww. Hahahahaha]

Ano ba 'tong author na 'to.

Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? She's kind, gorgeous, intelligent, cool, funny, matangos ang ilong, maputi, kaso nga lang minsan may pagka-weird siya. Pero kahit gano'n pa man, I still like her. No, I love her.

Hindi ko na siya gusto. Mahal ko na siya.

[A/N: Corny.]

Epal ka author.

Hindi kami magkaklase ni Trovie, dahil... wala lang, trip lang namin. Nakakasawa din kasi makita ang isa't isa, 'no. 'Pag nakikita ko siya, para akong nakaharap sa salamin. Mas gwapo nga lang ako kaysa sa reflection. Hehehe.

Nabalitaan ko na lang na lumipat ng room si Trovie pagkatapos nung lunch. Ewan ko ba roon, kung kami, protective kay Nicole, siya naman, nasobrahan. Lahat, pag dating kay Nicole, nasosobrahan si Trovie. Ang lakas ng amats. Siguro dahil mahal na mahal niya talaga si Nicole, the Ramos princess. O baka dahil trip lang talaga niya maging big bro. Feeling kuya 'yon, e. 'Di naman siya ki-nu-kuya nung isa. 'Pag trip lang din.

Mah Obscured IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon