Chapter 16

8 2 2
                                    

Chapter 16: Breathe


"Oh my gee, anak!" 

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Mommy Shamille na biglang sumugod dito sa clinic. 

"How are you? May masakit pa ba sa 'yo? Kumain ka na ba? Nasaan 'yong kambal? Ano ang sabi ng mga teachers mo? D'yos ko, Szauvie Nicole!" aligagang tanong niya sa akin at niyakap ako. 

Natulala ako kay Mom dahil sa dami ng ibinungad niyang tanong sa akin. I tried to calm her naman.

Aaminin ng magandang ako, natutuwa ako kasi nandito sina Mom. Mostly kasi, marami silang ginagawa but they still find time naman para makipag-bonding sa amin. Pero 'yung mga ganitong eksena kasi, super dalang. 

Ang sarap lang sa maganda kong heart kasi nandito sila, na para bang pinaparating nila na whatever happens, they are always here for us. Aww. 

"I am still gorgeous pa naman po, Mommy. 'Yung forehead ko po, medyo masakit kapag masyado kong kinukunot and yes po, I already ate, dinalhan po ako ng food ni kuya Cedric and Trovie. Si kuya Raffie po, nasa class yata. 'Yung trophy, hindi ko po alam, baka nakikipaglandian, and ang teachers ko naman po, hindi ko alam ang sinabi dahil buong hapon akong nandito sa clinic," mahaba kong sagot sa lahat ng answers ni mother rainbow.

Sunod namang dumating si Daddy Randle kaya muli akong natuwa. 

"Hi, Dad!" nakangiti kong bati at saka winave ang malambot at maganda kong kamay.

Sinsero niya akong nginitian at saka lumapit. "Hello, Pretty Nicole," I giggled when he called me by mah 'I am here' greeting tuwing darating ako sa mansion. 

Dad ruffled mah hair and hugged me too. It feels so good na nandito ang parents ko.

Pero bakit parang may kulang pa rin?

Napairap ako sa naisip ko. Wow, ano 'to, linyahang pang mga broken-hearted or pang mga drama? Ew. Whatever.

"I'll just go to the security room," paalam din agad ni Dad after niya akong kumustahin.

I said okay. He nodded naman with a smile and also kissed mom's forehead before finally leaving.

"Here, Szauvie Nicole, I brought your favorite snacks," nakangiting sabi ni mom habang nilalabas ang mga pagkaing paborito ko sa isang paper bag. 

I smiled. "Mommy naman, para naman akong may sakit. Grabe ha, you're sweet like honey po talaga," natatawa kong sabi sa kanya.

She elegantly laughed. "You should eat these," 

Sinilip ko ang mga dala niya. Oh mah goodness! Nakakatakam. 

"Oh wait, I don't want to iwan you here but I want to personally call your brothers kasi," she added while pouting.

"Okay Mom, go ahead po. I'll just eat these," I answered while preparing the snacks. 

"Alright. I will come back naman, Szauvie." she assured me. "And may in-ask ako para bantayan ka,"

I nodded. "Okay," Then she left.

Bakit kaya need pang pabantayan ako? I mean like, I am Szauvie Nicole Ramos and I am fine naman and nakaya ko naman ng walang nagbabantay sa akin. 

But anyway, bahala na. Baka natakot sila mom na may sumugod na namang piranha sa akin. 

Oh goodness! Buti na lang at hindi siya nangangagat. 

"Haloo," I almost jumped nang may biglang mag-hello.

Nanlaki ang magaganda kong eyes nang makita kung sino ang pumasok. OMG! 

Mah Obscured IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon