Chapter 17

13 2 2
                                    

Chapter 17: Motive


Szauvie Nicole's Point of View

"Okay, RU-Stus! Pwede na kayong lumarga, tapos na ang ating pageant!" napailing-iling na lang ako matapos kaming bigyan ng go-signal ni Cape na pwede na kaming umuwi dahil tapos na ang practice. Athena laughed at his wording.

Cape, short for Carlos Pedro Ambrocio, is our Student Council Vice President and is one of the MCs for the upcoming Moving-Up ceremony. 

Ganoon talaga ang tawag sa kanya ng mga RU-Stu. 

And RU-Stu naman ang tawag sa students ng Ramos University. Cool nga eh, parang RU-StuPid?

"Athena my loves, tara sa Maxi Mall," napalingon ako kay kuya Raffie nang ayain niya ang maganda ko rin namang best friend.

"Athena my loves your face, ayoko nga, bahala ka sa life mo, Zander." 

Hindi ko mapigilang hindi matawa. Since then, ganito na silang dalawa. Palaging LQ, mah goodness! They are so cute talaga!

I'm at the parking lot right now, papunta sa dala kong high-class car. Still a family car, though. The one na can be utilized by anyone in our fam since I don't have mine yet.

I have money, yes, pero hindi ko priority ang sasakyan. May magagamit pa naman ako so bakit ako bibili? At kahit naman bumili ako, hindi ako papayagan nila Mom. Bawal pa. Duh!

Anyway, kung nacucurious kayo, wala na ang pasa sa forehead ko. 

It has been a month. Wala namang kakaibang nangyari sa life ko after no'n. 

At ang piranha? Hindi pina-expel. Ang funny talaga ni Trovie Cole, 'no? Kung ano-ano pang sinabi niya nung Chapter 1 pero ano'ng nangyari? Hindi naman na-expel. 

Malay ko rin kung why! Basta, may warning na si Piranha-witch. At, na-suspend nga rin pala siya for a week. 

Simula no'n, wala naman na nangyaring bongga sa life ko. Nanahimik ang piranha pero tuwing nagkakasalubong kami, there are times na masama ang tingin niya sa 'kin, like I care! 

Eh di samaan niya ako ng tingin hanggang sa mabulag siya. Hindi naman niya ikinagaganda ang ginagawa niya. 

At wala akong paki. 

Hello, baka si Szauvie Nicole Ramos 'to.

Bubuksan ko na sana ang driver's nang biglang may magsalitang bida-bida.

"'Wag kang kikilos," malamig na sabi niya at tinakpan ang bibig ko. 

Mah goodness! Ang baboy naman nito masyado.

I made a 'seriously?' face, making it turn out like ang boring-boring ng ginagawa niya sa buhay at napaka idiotic, although hindi niya nakikita ang facial expressions ng napakaganda kong mukha. 

I was facing the window, which is also a good advantage na rin kasi nakikita ko ang reflection ng katangahan niya. 

I tried to speak. "Hellwjcxznfdajo, crean va ang handsh mo? Vaka mavirus fa ako, shashakshakan talaga kituh ng ishang daang vakuna ng flu, pneumonia, at denggeh. Ayush-ayushin mo hang mga deshisyon mo sha life, what the fuck."  

I saw on his facial expression that he was confused as hell. 

"Ano? Ang dami mong satsat, sabi ko 'wag kang kikilos, eh!" sigaw niya sa magandang ako. Nasaan ba ang mga security guards? Like? Hathena?

"Tanga ka buh? Do I look like I am kumikilosh? So bobo. You're so annoying." 

Buti naman at paunti-unting lumuluwag ang pagkakahawak ng marumi niyang kamay sa malinis, makinis, at maganda kong mukha kaya medyo maayos na rin pakinggan ang sinabi ko sa huli. Uh, sa huli nga lang.

Mah Obscured IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon