Chapter 6 - My friends..

30 0 0
                                    

kinabukasan....

Nagising ako dahil sa luha na pumatak...

Pagdilat ng mata ko, namumugto mata ni Porsche.. Nasa may pintuan lang siya at mabagal na lumalapit sa akin....

Si Cherry naman ay nasa kanan ko. Yung luha niya yung pumatak kanina. Simple lang naman yung suot ni cherry, naka tshirt at pants lang...

Yinakap ako ng mahigpit ni Porsche. "Bes, ayos ka na ba?" 

"Oo, pero ang higpit ng yakap mo. Di ako makahinga.." Nakakasuffocate ang yakap niya sa sobrang higpit (mukhang exagg pero totoo)

Tinanggal niya ang pagkakayakap at tumaas ang kilay. "Bes, magpagaling ka.."

Sumingit naman si Faith na nakasleeveless at shorts, "Oo nga, para makasali ka na sa grupo namin!"

May isa namang boses na sumingit.. "Anong grupo?"

Pagtingin ko sa pintuan, si Blue! May dalang buko pie para merienda namin! Nilagay niya to sa table malapit sa akin at nginitian ako..

"Gusto mo nang kumain?" Tanong niya..

Pinasa ko naman ang tanong kela Hera. "Gusto niyo na bang kumain?"

Matakaw si Cherry pero hindi tumataba! Siya ang unang sumagot. "OO, peg ko yung pagkain na yan!" 

"Hoy Cher, napakatakaw mo talaga! Kakakain mo lang kanina ng espasol! Inubos mo yung binili ko para kay Katherine!" Pambara ni Hera.

"Masama bang kumain?"

"OO, lalo na pag di sayo."

Nagsimula na naman ang away nila! Parang aso't pusa kasi sila pero kapag naaway naman ang isa ng hindi nila kagrupo, grabe magtanggol yung mga kaibigan niya.. Lalo naman si Hera!

"wag na nga kayong magaway!" Sinabi ni Porsche habang papunta sa table upang islice ang buko pie.

Pagkapunta ni Porsche sa table, inislice niya ang buko pie. At hulaan niyo kung sino ang unang kumain?!

Si Cherry na gutumin! Naunahan pa ako... Pero ayos lang, atleast masaya ngayon.

Lahat sila ay kumakain sa may table, ako lang ang nasa kama..

Lumapit si Blue at sinabing, "Nga nga.." habang nilalapit ang kutsara na may piraso ng buko pie sa bibig ko.

"Sige na nga.. A-aaa" Sinubo ko ang buko pie at masarap pala! Akala ko hindi masarap, di pa kasi ako kumakain noon.

Habang lahat ng kaibigan ko ay nasa may table, Si Faith ay nanonood at hindi kumakain..

"Faith, bakit ayaw mong kumain?"tanong ni lily.

"Diet ako, mataba na daw ako sabi ni Aaron." Nanlaki mata ko, mataba na siya sa lagay na yon?! gaano ba kataas standards ni Aaron?!

Pinilit kong tumayo pero sumakit lang ang likod ko.. Inalalayan ako ni Blue.

"Dahan dahan lang," mahinahon na sabi niya.

"Pupunta muna ako sa cr." 

"Samahan kita.." Namula ako noong narinig ko sa kanya yon.

"Wag... Kaya ko na to." Pinilit kong lumakad ng mabilis kahit hindi kaya ng katawan ko,

pagdating ko sa cr, sinarado ko ang pinto at tinignan ang likuran ko..

Napakadaming peklat! Saka yung iba, third degree burn.. Parang may galit pa ako kay Blue na di ko alam kung bakit, hindi naman siya yung may kasalanan noon..

Pinahiran ko ng painkiller ang sugat ko at sa una masakit.. Napakagat ako ng labi para maiwasan ang pagsalita...

Pagkasuot ko ng damit, lumabas ako ng cr at nagtatawanan silang lahat.

"Bakit kayo tumatawa?"

"Napakatakaw kasi ni Cherry!" Sagot ni Hera.

"Mamaya matatae na yan." Nakangiting singit ni Porsche.

"Humihilab na nga tiyan ko." Sabay himas sa tiyan.. Lalo pa silang tumawa at nakiride ako.

Umupo ako sa sofa at tinabihan ako ni Blue..

"Kamusta sugat mo?" Okay, nagtatanong siya.. Ayokong sabihing masakit pa rin kaya magsisinungaling ako..

"Okay na, pagaling na to." 

Lumapit siya at hinawakan ang damit ko sa likod,

noong titignan na niya, pinush ko siya.

"O bakit? Titignan ko lang naman yung sugat mo kung magaling na.."

"Wag mo na tignan.. Wala ka bang tiwala sa sagot ko kanina?"

"Meron naman pero namumutla ka kasi.." Okay, nagaalala siya.. =__= ano ba irereact ko...

Nagpoker face na ako..

"Ayos lang ako, natural lang to."

"Sige, Sabi mo yan.. May tiwala naman ako sayo." sinabi noong papatayo siya.

Going back to my friends,

Si Faith ay lapitin ng lalaki dahil sexy siya,

maganda pero may pagkanaughty at sweet sa lalake..

Si Porsche naman ay isang cheerleader at president ng student council..

Lagi ngang busy yan, siya pa nagaayos ng school paper! Iba talaga pag matalino!

Si Lily naman ay top 1 sa klase at nerd.. May salamin siya pero pag tinanggal, mapapamura ka sa sobrang ganda.. Mga nerd ang nagkakagusto sa kanya pero napapagtawanan siya ng mga other popular students mula sa ibang grupo.

Pero ayos lang, pinagtatanggol naman siya nila Hera.. Ilang years na silang magkakaibigan, 4 to 5 years na! Ang tagal no? Sana naman hindi mawala yon.

Si Hera naman ay kontra bida sa buhay ni Cherry pero mapagtanggol yan! may pagkawarfreak, fierce pero inside, madaming weak... Madaming problema kasi siya.. Next time, sasabihin ko na..

Lahat sila totoo,

Lahat sila mapagmalasakit,

Kaya nga pinili ko yan

na maging kaibigan..

Pero parang may kulang? Nagrerecruit nga sila ng bagong member.. Ibang katangian naman! Pero hindi ko masasabi kung ano gagawin nila dahil wala pa silang plano kung anong pagsubok yung papadanasin nila sa magauaudition..

Ngayon, nakikita ko yung ngiti nila, parang walang problema.. Ang babaw ng tawa..

Nagdadamayan pag may problema,

ganyan ang tunay na barkada,

kahit na kikay,

nerd,

kontrabida,

palatawa,

laging gutom,

Nagkakasundo parin kami...

At ayokong maglaho to, I won't choose a guy over them kung pinapili ako sa dalawa.

I SLAPPED A GUY AND I LIKED IT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon