Chapter 1 - Childhood memories.

106 2 0
                                    

Gumising sa akin and sigaw ng nanay ko.

“Anak! Gumising ka na! Log on your skype account! Your dad wants to see you!” Habang ginagalaw ang katawan ko para lang magising ako.

“Yes mom, I'll be there. Just give me a minute.” Nagmadali akong bumaba at binuksan ang aking computer at naglog on na sa skype. Nakita ko ang pangalan ng tatay ko na, "Christian Dion Gaul". Tapos, inistart ko na ang video call. Inayos ko muna ang buhok ko sandali and Poof! Ayun na ang daddy ko. Bumulaga sa akin ang buhok niyang nakataas! Parang galing lang sa fashion show.

“Anak, I miss you!” Sabay halik sa camera.

“I miss you too dad! Nasaan ka ba? Bakit ganyan ang buhok mo?” Tanong ko sabay suklay sa buhok ko.

“Nasa Dior Fashion Show ako!” Ngumiti siya sa camera.

“Model ka?!” Panggulat na tanong ko. Kakaibang tatay to! Nagmomodel pa?!

“Hindi! Sobra ka naman! Host lang ako.” Tapos biglang nawala mukha niya, likod na lang ang nakita ko. Ano kaya ginagawa non! Parang may kukuhanin eh.

Bumungad sa akin ang mukha ni mickey mouse na stuff toy sabay sabi na.. “Anak, here's my gift. Ipapadala ko yan. Yey or Nyey?” 

“Yey! Fan ako ni mickey mouse! Susunod papa, mamasyal naman tayo sa Disneyland!” Sabay ngiti sa kanya dahil sa saya.

Yumuko siya at di na lang nagsalita. Parang nagiisip ng sasabihin? Ano ba yan! Nauubusan ng isasagot sa tanong? Ano to, beauty pageant?!

“Papa, bakit di ka makasagot?” Tapos may tumapik sa likod ko. Napalingon ako sa likod at nakita ko si mommy, nasa likod ko pala! Matagal na pala siyang nagmamasid sa pinagagawa namin ni daddy sabay sabi ng. “Kumain ka muna. Sabihin mo sa daddy mo, bukas na lang kamo.” 

Ayun nagpaalam na ako sa daddy ko tapos kumain.

Habang kumakain, tinanong ko sa nanay ko ang nagiisang bagay na naguguluhan ako..

“Mom! Bakit magkahiwalay kayo ni daddy?” Habang kumakain ng pansit.

“For him to be able to give everything to you!” Parang mapapaiyak yata ang nanay ko. Tumayo siya at tumalikod sa akin. Hindi na ba mahal ni daddy si mommy? Hiwalay na ba sila? O dahil lang ba talaga sa namimiss nila ang isa't isa kaya sila ganyan? Di ko talaga ito matandaan!

Pagkatapos kumain, lumabas muna ako sa bahay at pumunta sa beach. Malapit kasi sa beach sa New Caledonia ang bahay namin.

Umupo ako at nagsisigaw ng:

Bakit kasi ganito ang magulang ko!? Bakit parang pareho silang nasasaktan! Bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo!

Kumuha ako ng buhangin tapos hinagis yon, not knowing na may natamaan pala. Edi ayun, nagalit siya sa akin. 

“Bakit mo ako hinagisan ng buhangin!” Sumigaw sa akin ng SOBRANG lakas! Parang speaker sa isang concert ground. 

“Sorry na, Ano ba ang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya at tinanggal ko ang buhangin sa katawan niya.

“Ako si Alexander. Ikaw? Sino ka?” Sabay tanggal ng natitirang buhangin sa damit niya.

“Ako si Katherine, pwede mo din akong tawaging Kay. I live near this beach.” Sabay turo sa ruta papunta sa bahay namin.

I SLAPPED A GUY AND I LIKED IT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon