PASIPOL-SIPON NA pumasok sa kanyang opisina ang mga kaibigan, nasa couch si Zamrex nang pumasok ang mga ito.
"How's our bebe Zammy?" panunukso kaagad ni Black nang makaupo ito sa tabi nya at saka siya inakbayan.
"Still handsome." sagot niya.
Natawa ang mga kaibigan sa kanya.
"Then, how's the preperation for your wedding?" tanong ni Sky na nakapandekuwatrong pambabae at saka nito pinaglalaruan ang laruan niyang iron man.
Napangiti si Zamrex. He can't wait for their wedding. He can't wait to see Celestia, walking down the aisle and say I do. He was excited. Kung puwede lang na pakasalan niya kaagad si Celestia, ginawa niya na. But his mother would probably freak out. Baka itakwil siya ng wala sa oras.
"My mom and dad did all the preperations. Pinabayaan nalang namin ni Celestia na sila ang maghanda." he answered and then smiled at the thought of Celestia.
"I wanted her to experience the most grand wedding in her life. I will make sure that I will mary her every year over and over again." masayang aniya.
"You are very happy." Ani Drayson.
Tumango siya.
"I am very happy and contented. Celestia and Zico completed me."
Napakunot ang noo niya sa mga kaibigan kung bakit nasa opisina niya ang mga ito.
"Bakit pala kayo nandito. Alam kong hindi pangangamusta ang sadya niyo."
"Well... Martin Clemente was nowhere to be found." ani Black na walang emosyon ang mukha. "I'm sorry..."
"What?!" sigaw niya.
Napakuyom ang mga kamao niya sa galit. Hindi niya masisisi ang kaibigan. Black was helping him.
"I did search him but... I can't trace him. Para nalang itong nawala na parang bula." ani Black.
"I promise my baby that I will give her justice..." nanghihinang aniya.
"I'm sorry, Zammy." paumanhim ulit ni Black.
Umiling siya saka ito tinapik sa balikat.
"It's not your fault." aniya saka natulala na lamang.
"How's Mr. Damien Alejandro and Celestia?" tanong ni Drayson.
Tinitigan niya ito ng masama.
"What the?! Anong gusto mong tawagin ko sa kanya? Babe?" pinanlakihan siya ng mata ni Drayson.
"It's mrs. Harris."
Napairap ang kaibigan.
"So ano nga? Kamusta ang mag-ama?" tanong ulit nito.
"Still not in good terms. Nagmamatigas ang asawa ko." well, malapit ng maging Mrs. niya si Celestia.
Tumango-tango ang tatlo.
"Mr. Damien Alejandro. I looked up to him but in the field of business. I looked up to Mr. Hurricane Mallari." ani Sky.
"Share mo lang?" Drayson Jeminez sarcastically asked Sky.
Natawa naman si Black.
Tinapunan ng unan ni Sky si Drayson na kaagad namang nasalo nito.
"Speaking of Damien Alejandro and Hurricane Mallari. I heard that the both of them were best of friends."ani Drayson.
" Share mo lang din?" si Sky na ngumisi.
Gusto niyang matawa ngunit pinipigilan niya ang sarili. Zamrex was still thinking of what happened a week ago.