"MA, GUSTO NYO PO BANG IHATID ko na kayo sa pinagtatrabahuan nyo?" Suhestyon ng anak nyang si Darius Zico.
Darius Zico is a fourteen year old teenager. Sobrang tangkad nito, napakabait ngunit seryoso. Sa edad na katorse sobrang tangkad nito. Mature ng mag-isip at sobrang protective nito sa kanya.
Hawig nito ang lalaking kinasusuklaman nya. Zico knew her hatred towards Zico's father. Martin. Kinuwento nya rito ang pinagdaanan nya sa kamay ng mga Clemente. Kung gaano nya kinasusuklaman ang mga Clemente, pero hindi nya ikinuwento sa kanyang anak na bunga ito sa panggagahasa. Hindi nya maisip kung ano ang iisipin nito na bunga ito sa panggagahasa sa kanya ng ama nito. Zico was very mad to the Clemente's. Masmalala pa ata ang galit nito kesa sa kanya.
Umiling sya sa pag-alok nito na ihahatid sya nito sa kanyang pinagtatrabahuan.
"Mali-late ka sa school." Aniya rito habang nilalagyan ng pagkain ang baonan nito.
Kung gaano nya kinasusuklaman ang ama ni Zico, kabaliktaran nun ang nararamdaman nya sa kanyang anak. Zico was her happiness,her world, her life and and her everything. Celestia can't imagine her life without Zico.
"Malapit lang naman ang school ko sa pinagtatrabahuan mo. I can walk from your workplace to school Ma. " pamimilit nito.
Nginitian nya ito at binigay ang baonan nito na kaagad nitong inilagay sa bag.
"No need nak. Mapapagod kapa. " pangtanggi nya.
Nagsalubong ang maitim at nasa korte nitong makakapal na kilay.
"I can manage." Seryosong anito.
Napabuntong hininga nalang si Celestia. Her son was hardheaded, most of the time.
"Fine!" Pagsuko nya. "Bibigyan nalang kita ng pamasahe patungo sa school mo." Aniya
Umiling ito at nangunot ang noo na tinitigan sya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi nya.
"I have extra money left Ma. " anito.
She sighed. Hindi nya talaga mapipilit ang anak nya. Sa tuwing bibigyan nya ito ng pocket money, palagi nitong tinatanggihan. Parati nitong sinasabi na may extra money pa ito. Alam nyang nagtu-tutor ang anak nya. At the age of twelve nalaman nyang nagtututor ang anak nya sa mga kaklase nito na hirap intindihin ang klase. And now, some college students were paying his son for their research. Alam nyang matalino ang anak nya pero ang gumawa ng research paper ng mga college students?
Like who's fourteen year old teen knew how to do a research?
Nilapitan sya nito at niyakap.
Napangiti nalang sya, para syang teenager sa tuwing maglalapit sila ng kanyang anak. Five feet and two inches lang ang height nya. Masyadong maliit kapag nagtatabi sila ng kanyang anak na nasa Five feet and eleven inches ang height. Sobrang tangkad para sa edad na nito.
" Paano kung mashort ka sa pera? Wala kapa namang cellphone. Hmm?"malambing na tanong nya sa kanyang anak.
"I will go to your workplace then. Malapit lang naman. " Anito at saka sya hinalikan sa noo."Tara na Ma." Pag aya nito at ito na mismo ang nagpasuot sa kanya ng shoulder bag .
Umalis sila at pumara ng tricycle at nagpahatid sa pagtatrabahuan nya. HARRIS Corp.
Nasa harap na sila ng kanyang anak sa kanyang pagtatrabahuan at nakatingala sa napakatayog na gusali ng Harris Corp.
"Pumasok kana Ma." Ani ng kanyang anak na hinalikan sya sa noo.
Tumango sya at nginitian ang anak.