Prologue

1.3K 33 3
                                    

"Paano nyo nagawa sa akin 'to? Paano nyo nagawang sirain ang  pamilya ko?! I'm not crazy! " umiiyak na sigaw ni Celestia.

Sa edad na katorse. Mahirap ang pinagdaanan nya at ng kanyang pamilya. Bakit ba sinisira ng mga Clemente ang simple at tahimik na buhay nila?

Matalim na tinapunan nya ng tingin ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nila. Si Martin Clemente.

"Bakit nyo ginagawa to sa amin?!" Sigaw nya habang pilit na kumakawala sa mga kamay na nakahawak sa braso nya.

Sinira ng mga Clemente ang pangkabuhayan nila. Ang maliit nilang palayan ay ginipit ng mga ito. Ang ama nyang pinagbintangan sa kasalanan na hindi naman nito ginawa ay pinakulong. Ang ina nyang namatay dahil sa atake sa puso dahil hindi nito kinaya ang problemang idinulot ng Clemente sa kanila.

Pilit syang pinasasakay sa puting van ng mga lalaking nakaunipormeng pangnurse. Halatang binayaran ang mga ito.

"Gago ka Martin! Gago ka! Hayop! Gago! Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Ipapakulong kita sa ginawa mo sa akin. Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa amin! " Sigaw nya sa sobrang galit at hinanakit pero isang halakhak ang iginawad ng ina ni Martin.

Martin's Mom stop from laughing and glared at her.

"Huwag na huwag nyong palalayain ang baliw na babaeng 'yan. " Ani ng ina ni Martin saka sya nilapitan at binulungan. "Nilandi mo ang anak ko para makaahon ka sa kahirapan na hinding-hindi mangyayari. Alam mong  nasa putikan ka, nasa langit ang anak ko. Kung ano man ang meron sa inyo ni Martin, ginamit kalang niya. "

Hindi nya alam kung anong pinagsasabi ni Martin sa ina nito, hindi nya akalain na sa likod ng inosente at maamo nitong mukha, isa pala itong gago!

Alam nya sa kanyang sarili na hindi nya kailanman nilandi si Martin. Si Martin ang lapit ng lapit sa kanya kaya naging magkaibigan sila. Pero hindi nya alam na  mayroon pala itong binabalak sa kanya.

Sobrang sakit ng puso nya na para bang umiiyak ito. Para bang mayroon itong mga mata na kayang umiyak ng balde-balde.

Sa huling pagkakataon, tinapunan nya ng masamang tingin ang pamilyang Clemente. Na para bang sa uri ng titig nya, makakapaghiganti sya.

She promised to herself that she will get the justice that she and her family deserve.

Martin used her. Martin hurt her. Martin lied to her and Martin ruined her!  Si Martin ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila o may iba pang dahilan.

Tulala at umiiyak na pinagmamasdan ni Celestia ang paligid nya. Paano nagawa ng mga Clemente na ipasok sya sa isang Mental Health Organization?

Hindi sya baliw!

"Hija, kumain kana. Makakasama sayo at sa magiging anak mo kapag hindi ka kumain." Ani ng ginang na umaasikaso sa kanya.

Mag-aapat na buwan na sya sa institusyon na ito. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat na araw-araw na naalala nya.

Celestia is pregnant with Martin's child. Ang kagaguhan na ginawa nito sa kanya ay nagbunga. Yes, Martin raped her. Hindi sya pinaniwalaan sa kanyang pagsusumbong sa pulis dahil makapangyarihan ang pamilya ni Martin. Ang tanging nankwala lang sa kanya ay ang kanyang ina na wala na at kanyang ama na ipinakulong ng mga Clemente.

"Hindi po talaga ako baliw. Pwersahan po nila akong pinasok rito." Umiiyak na aniya sa ginang na tinignan sya na may lungkot at awa sa mga mata.

" I know. " ani ng  doktorang babae na nasa mid-thirties.

Sinulyapan nya ito. Napakaganda nito at sobrang amo ng mukha. Para itong anghel na nagkatawan ng tao.

"I will find a way to get you out of here. Hindi ko hahayaan na manganganak ka sa lugar na ito. " anito at hinaplos ang pisngi nya.

Nabuhayan ng loob si Celestia sa sinabi ng doktora.

Infront of her was her savior. Dr. Zenaida Ortega Harris is a godsent to her.







frincipessa

Lusting Over Celestia[COMPLETED][UNEDITED🖋️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon