"Kaylee, tapos na ba ang klase mo? Where are you?" tanong ko rito habang nag-aayos ng mga gamit sa locker ko. Tinawagan ko siya kaagad pagkatapos ng klase namin. Kaylee is one of my best friends.
"Class dismiss!" I heard her Professor's loud voice over the line. "Narinig mo naman siguro 'yon, 'di ba?" tukoy niya sa sinabi ng professor, hudyat na tapos na ang klase nila.
"Alright! See you at the main building then," I said. Sakto naman na tapos ko nang ayusin ang mga gamit ko.
"Okay, see you there! Tawagan mo na rin si Trace, baka tapos na rin ang klase niya," aniya pa.
"Sure, bye!" huling sabi ko bago binaba ang tawag. I called Trace right away while walking in the hallway towards the main building.
"Oh, Cassidy! Fifteen minutes na lang at matatapos na rin ang klase ko. Si Kaylee ba tapos na ang klase?" Mahina lang ang pagsasalita nito, nagtatago sa Professor dahil baka marinig siya at kunin ang cellphone niya. Hindi sila pwedeng lumabas sa subject na 'yon dahil strict ang professor nila, iyon ang sabi niya.
"Oo, tapos na. Punta ka na lang sa main building after your class. Doon na lang tayo magkita," sabi ko pa at nakita ko na si Kaylee na nakaupo sa may waiting area.
"Got you! See you, bye!" paalam niya.
"Mr. Santiago! Ano ang binubulong mo d'yan?" rinig ko pang sabi ng Professor niya bago niya patayin ang linya. Natawa na lamang ako at tuluyang pumunta sa kinaroroonan ni Kaylee.
"Hoy!" panggugulat ko sa kaniya dahil nakaupo na ako sa tabi niya pero hindi niya pa rin ako napapansin. In short, tulala!
"Shit!" pagkagitla niya at napahawak pa sa dibdib nito. "Ano ba?! Bakit ka nanggugulat? Sampalin ko buhay mo, eh!" singhal niya saka umirap.
"Tulala ka kasi, girl. What are you thinking?" natatawa pang tanong ko. 'Yong mukha niya kasi ay halos pagpawisan na.
"Wala, ano! Nakatulala lang, may iniisip na kaagad? 'Di ba pwedeng kahit wala, pwedeng tumulala?" may bahid ng pagkainis sa pananalitang tanong nito.
"Oh, is that so? Pwede pala 'yon? Sorry naman," sarkastikong sagot ko sa kaniya.
"Oo, girl. Kaya huwag kang mag-isip nang kung ano-ano riyan. Sampalin ko talaga buhay mo!" giit niya pa at inirapan akong muli saka tumingin sa mga estudyanteng naglalakad.
Napailing na lang ako at pinipigilang hindi matawa. Favorite linyahan 'yon ng gaga. Ewan ko ba kung saan niya nakuha 'yong mga exotic na linya na 'yon.
Makalipas ang kalahating minuto, dumating na rin sa wakas si Trace — kaibigan namin ni Kaylee.
"Ayos ng fifteen minutes natin, ah!" sarkastikong bungad ko saka kunwaring tumingin sa orasan ko. Tumayo kaagad si Kaylee, kanina pa 'yan naiinip kakahintay.
"Bakit ang tagal mo?" naiinis na tanong sa kaniya ni Kaylee, maikli lang kasi ang pasensya ng babaeng ito, eh. Tumayo naman ako at naglakad na kami palabas ng school.
"'Yong mga fans ko kasi hinarang ako. Grabe, pawis ko, oh!" pagpapaliwanag ni Trace at pinunasan ang pawis niya gamit ang kamay at ipinahid sa pisngi ni Kaylee, dahilan upang matawa ako nang husto. Tumitingin na tuloy 'yong ibang estudyante sa amin.
"Trace, eww! Nakakadiri ka! Kaya ako nagkaka-tigyawat nang dahil sa'yo, eh!" galit na asik nito at kaagad niyang pinunasan ng panyo ang pisngi niya at pinagpapalo si Trace sa braso habang tawa lang kami nang tawa.
"Sorry na!" natatawa pa ring pang-aasar ni Trace habang inaawat niya ang mga kamay ni Kaylee na todo pa rin ang hampas sa kaniya.
"Hey, that's enough! Pinagtitinginan na kayo!" awat ko at kaagad namang tumigil si Kaylee sa kakahampas kay Trace.
BINABASA MO ANG
Stained by You
Novela JuvenilNasubukan niyo na rin bang magmahal sa taong malabong maging inyo? Lalaking walang ibang ginawa kundi balikan ang nakaraan niya? Lalaking tanging iisa lamang ang nasa kaniyang puso? Lalaking nakakulong mula sa nakaraan niya? Sa sobrang pagtanaw niya...