KABANATA II - SBY

5 0 0
                                    

"Ang tagal naman ni Trace! Nasaan na ba ang lalaking 'yon?" naiinip na tanong ni Kaylee.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kasalukuyang hinihintay si Trace na kahit kailan talaga, napakabagal!

"Wait a second. I'll try to call him," suhesyon ko saka kaagad na tinawagan si Trace. Nakailang tawag pa ako sa kaniya bago niya ito nasagot.

"Cassidy, sorry! May tinapos lang, ngayon na kasi ipapasa 'yon. Wait for me there, I'm on my way," tugon niya mula sa kabilang linya. Inirapan ko na lang ito kahit hindi niya nakikita at pinatay kaagad ang tawag.

"May tinatapos lang daw, papunta na rito," walang ganang pagsasabi ko kay Kaylee na tinanguan lamang nito.

"Sorry, sorry!" Trace apologized as soon as he arrived. Tumabi kaagad ito kay Kaylee at tumingin dito. Kayle pretended to be busy with her phone. Alam niyang nand'yan si Trace pero hindi niya ito pinapansin, nagtatampo.

"Tampuhin naman ng baby Kaylee! What do you want? It's my treat!" nakangiti pang sabi ni Trace habang nakatingin kay Kaylee ngunit hindi pa rin siya pinapansin nito. "Hey! Dali na, libre ko na nga, eh! Sorry na, please?" paglalambing ni Trace.

Bumuntong hininga naman si Kaylee at ibinaba ang kaniyang cellphone pero tumingin lang ito sa mga estudyanteng nakapila para makabili ng pagkain nila. Trace whispered something to Kaylee which made her eyes sparkled in just a snap.

I knew it!

"Sige, sige! Mamaya, ah? Oh, libre mo na ako!" masayang sabi ni Kaylee na nakatingin na ngayon kay Trace.

"Sure! Ano ba'ng gusto mo?" tanong ni Trace nang nakangiti. Parang tanga 'tong mga 'to!

"Sama na lang ako sa 'yong bumili!" magiliw na sagot ni Kaylee at tumayo kaagad silang dalawa. Ngunit bago pa man ito makapaglakad, hinawakan ko ang bottled water at padabog na inilapag iyon sa table namin. Tumingin naman sila sa akin, ganoon na rin ang ibang estudyante.

"Parang wala ako rito, ah! Ano ako, display lang? Kumbaga, third wheel? Bakit si Kaylee lang ang tinatanong mo, Trace?! Do you want to lose a friend? Friendship over!" pagbibiro ko pero hindi ko ito ipinapahalata sa kanilang dalawa ni Kaylee, kunwari lang ay naiinis ako sa kanilang dalawa.

"Hala, sorry! Akala ko kasi ay dalawa lang kami ni Kaylee rito," aniya at nagtawanan pa silang dalawa. Kinuha ko ang bottled water at ibinato kay Trace pero kaagad niya rin itong nasalo.

"F*ck you both!" asik ko nang walang lumalabas na boses sa bibig ko. Baka mamaya kasi ay may Professor sa likod ko at marinig niya ang pagmumura ko, malagot pa ako.

"Joke lang! Tell me what you want, I'll buy it for you. It's my treat for today," natatawang pang-alo niya at kinindatan pa ako. Eww!

"'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Tinatanong pa ba 'yan? I want burger steak!" sagot ko nang nakangiti.

"Got yah!" sabi pa niya at inakbayan si Kaylee bago umalis.

"Kyaaah! Nand'yan na sina Logan!" rinig kong impit na tili ng isang babaeng na nasa kabilang table.

"Oh my gosh! Bakit ba ang gwapo nila?!" kinikilig na puri ng kasama niya, siguro ay kaibigan niya.

Tinignan ko naman ang grupo nina Logan. Kasama niya na naman ang pinakamamahal niyang girlfriend na si Stella. Kasama rin niya ang dalawang kaibigan na si Rush at Raegan. 

Kaibigan ko rin si Rush at Raegan pero hindi si Logan dahil hindi naman masyadong nakikipag-usap o nakikipag-close si Logan sa iba't-ibang babae. Tanging si Stella lang ang binibigyan niya ng pansin.

"Bes! Mukhang sa tapat natin sila uupo!" kinikilig na sabi ng isa pang babae na nasa kabilang table.

"Gosh! Sana nga! Aaack!" Hinampas-hampas niya ang kaibigan sa braso habang pinagmamasdan nila ang grupo ni Logan na naghahanap ng mauupuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stained by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon