The Evil Queen
Chapter 2---
School
"Twinnie! You're here lang pala!" Sino pa ba? Edi si Stef. Siya lang naman ang Conyo na baliw sa story na'to. Tss
Andito kasi ako sa rooftop. Nagpapahangin dahil nakaka-imbyerna ang ambiance ng classroom namin.
Tsk. Nandun kasi kanina si Harry sa classroom namin, basketball varsity player sa school na'to. Actually, Gwapo siya kaya no wonder if marami rin ang nagkakandarapa sa kanya. Kinikilig kanina ang mga kaklase ko ng bigyan nya ako ng bulaklak at ilang beses ko na rin siya binasted. One time, I punch his face in front of my classmates pero wala siyang kadala-dala. Ganoon siya ka pursigido. Although I like his guts dahil hindi siya sumusuko saakin kahit parang aso ko siyang pinagtatabuyan minsan, Go parin siya ng Go. Pero hindi ko siya trip, masiyado siyang Mahangin at Playboy. Tss. Imbis na kiligin ako sa effort niya, Nabwibwisit lang ako. Tss.
I look at her.
"Oh? Problema mo?"
" You ha! You have kasalanan pa sakin yesterday!" She pouted.
"Kasalan? Ako? Tss. Tigilan mo ako sa kaartehan mo ngayon,Stef. Ang aga pa para diyan." Badtrip kong sabi
"Twinnie naman! You sipa Eric lang naman po kahapon! He's so kawawa kaya."
"So are you telling me that what happen yesterday was my fault? Binuhusan niya ako ng Red wine for pete's sake,Steffy Chao! He deserved it." Tama naman ako diba? Kainis.
"Oh. Your highblood na naman. He didn't mean it and I'm not saying naman that it's your fault. It's just that yung ginawa mo yesterday is not maganda. So better apologize to him, Ms. Aquino"
Tiningnan ko siya ng masama " Im not going to apologize to anyone, Steffy Mirathea Tan Chao. Tigilan mo ako at malapit na akong mainis sayo."
"Just suggesting lang naman, Twinnie. Hihi" Nag pa cute na smile pa ang bruha.
"Tsk. Hindi kapa ba papasok?" Tumingin ulit ako sa baba.
Kita kasi dito ang view ng buong school.
"Oh yeah. Buti you make me paalala. I looked for you kasi para sabay tayo pumasok sa room. I heard Harry was there earlier"
"Yeah."
"What's your ayaw ba kay Harry? He's nice naman diba? He's gwapo. Rich & Popular. Very pursigido courting you, And omg! he has Abs din kaya" Steffy giggle na parang kinikilig pa.
I just rolled my eyes at hindi siya pinanansin.
" Yow girls! Andito lang pala kayo. Whaddup?"
Si Caddy yun. Andito na pala sila kasama niya si George at Jadd hindi ko man lang namalayan.
"What are you guys doing here? Kung manggugulo lang din naman kayo, Leave. I want to be alone."
"Wow Queen! Emo ang peg mo ngayon? Hahahahaha" George
"Leave."
"Emo ka nga queen? Hahaha Broken-hearted ka siguro, ano? Naku, nakakita ka na ba ng katapat mo? Hahahaha" Caddy
"Oo nga, Queen! May love life ka pala tapos hindi kami updated? Hahahaha tapos broken ka na ngayon kaya ka mag papaka-emo dito sa rooftop? Parang telenobela lang ah! Hahaha" George
" Aalis ba kayo o sisipain ko kayo pababa?!" I glared at them
"Queen, It's our school so I have the right to do what I want. So, we're staying because our queen is here" Caddy said while smiling.