♚ Chapter 6 - Acting Skills

305 2 1
                                    

dedicated sa cousin ko, Kepsxa Midsy,
dahil siya ang nag push saakin na magsulat nang sarili kong Story. Hahaha Hi sis! :*

The Evil Queen
Chapter 6

------

"She's Queen Kysler Aquino ma,

at Siya ang dahilan kung bakit ako nandito."

O_o

Tiningnan ako ng mama ni Shithead na blanko ang ekspresyon. "Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ang anak ko?" Tanong ng mommy ni Shithead.

"Yes ma. She's the reason why I'm here." Ngumisi pa ang mokong! Holo ang gago talaga ng mokong na'to. May balak pa atang ilalaglag ako sa mom niya.

Puwes! Hindi ako papayag!

Sumama ang tingin sa akin ng mama niya.

Holo ano ba yan, mukhang nakakatakot ang mom niya. Maka-tiger look, wagas eh.

Wait-- Bakit ba ako kinakabahan dito? I'm the Queen at dapat wala akong katakutan.

Nagkataon lang talaga na may kailangan ako sa mokong na 'to. Tss Humanda ka saakin. Akala niya ha! Hmp!

I looked at his mom.

'Eto na. Ipapalabas ko na ang pinakatago-tagong acting skills ko. Kaya ko 'to! Para ito sa future ko. Aja!

"Yes po, inaamin ko po na I'm the reason why Ethan is here. Total po nandito lang na rin po kayo ay ipapakilala ko na po ang sarili ko sa inyo. I am Queen Kysler Aquino and I am your son's girlfriend." I said seriously.

Tumungo ako.

"I am really sorry for what I have done. Yes I am the reason why Ethan was hospitalized. Binato ko po siya ng bola kaya po siya nahimatay at isinugod dito sa ospital. But I only did that po kasi.. kasi.. huhuhu" Sabi ko at um-acting na pa ako na umiiyak.

Naks! Total napasubok na ang acting skills ko, dapat ibigay ko na ang best ko. Pang famas ito. Huwag ka!

Nakita ko na nag bago ang ekspresyon ng mommy niya. Kung kanina ay parang galit ito, Napalitan ito ng pagsusumamo.

Bumaling siya kay Ethan. "Hijo, What is she talking about? Care to explain?!"

"I-I don't know, ma. H-Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak mom." Sabi ni Ethan na obvious na obvious na nagugulahan saakin.

Just wait and see, Ethan the Shithead monster! Makikita mo ngayon kung ano ako kagaling na artista.

"Go on hija. Continue your story. What pushed you to do what you did?" Tumayo ang mama niya papunta sakin at hinagod pa ang likod ko.

Mas pinag-igihan ko pa ang arte ko. "Kaya ko lang naman po nagawa yun kasi.. Kasi po.. Huhuhu! Kasi po nakita ko po si Ethan na may kasamang ibang babae. Tapos po nagki-kiss pa sila. Ethan is cheating on me. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at hindi ko po siya kayang makita sa piling ng ibang babae. Atsaka sabi po saakin ni Ethan Mahal niya din po ako.. Pero.. Pero mukhang hindi naman po totoo.. Huhuhu!" Todo parin ako sa pag-iyak.

Hinahagod parin ng mama ni Ethan ang likod ko. "Tahan na hija.. Tahan na." Tumingin siya kay Ethan. "Eric! Totoo ba ang sinabi niya? Hindi kita pinalaki para maging babaero! Manang-mana ka talaga sa Ama mo! Ganyang-ganyan din siya noong hindi niya pa ako nagiging nobya at napangasawa! Sinasabi ko sayo Eric! Minsan ka nalang makakakita ng babaeng mamahalin ka ng totoo at iiyakan ka sa panahon ngayon! Alam mo naman na may girlfriend ka tapos lumalandi kapa!" Tumingin saakin saglit ang mama niya at bumaling ulit sakanya. "Ang ganda-ganda ng girlfriend mo tapos pagtataksilan mo lang?! Kung saakin ginawa ng papa mo yan. 'Ku! Hindi lang yan ang aabutin niya saakin!"

The Evil Queen (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon