V

4 0 0
                                    

"Janina..." Mahinang tawag ko sakanya na kasalukuyang natutulog pa ngayon. Hindi ko alam kung bakit puyat 'tong kaibigan ko na 'to samantalang sabay naman kami natulog kagabi.

Alas kwarto na ng madaling-araw ngayon at kailangan na naming kumilos para masimulan ang aming trabaho. Kanina pa ako tawag nang tawag at kalabit nang kalabit sakanya pero hindi naman ito gumigising kaya napagdesisyunan ko nang maligo at isuot ang aming uniporme. Color pale pink ito na abot hanggang tuhod at may kapares na puting apron simple lang ito at hindi katulad ng mga nakikita ko madalas sa mga movies at animé. Nang matapos akong mag-ayos ay natutulog parin si Janina kaya napailing nalang ako bago lumabas ng kwarto. Paniguradong si Tita Joan ang gigising sakanya mamaya pero malamang ay may kasamang kurot na iyon.

"Oh, ang aga mo ata magising ineng," bati sa'kin ng mayordoma ng mga Silvestre na si Nanay Tess "nakatulog ba kayo ng maayos?"

"Opo. Hanggang ngayon nga po ay tulog parin si Janina, masyado atang natuwa sa malambot at mabangong kama." Parehas kaming natawa sa huli kong sinabi.

"Oh sya sige, tutal naman ay narito ka na tulungan mo na ako dito sa paghahanda ng almusal." Tumango ako sa inutos niya at agad na tumulong sa paghahanda ng mga rekado.

Habang naghihiwa ako ng sibuyas at bawang ay naalala ko nanaman ang sinabi ni Filype kahapon kaya napailing ako ng ilang beses. Baka naman mali ang pagkakarinig ko at hindi talaga para sakin ang sinabi niya? Baka naman nagthank you si Janina or si Froylan pero di ko narinig tapos para sakanila pala 'yun? Well mas may sense nga kung kay Froylan niya 'yun sinabi dahil baka pera or something expensive ang tinutukoy niyang pambabayad sakanya? Arrrrgggh... Bakit ko ba inis-stress ang sarili ko dahil lang sa sinabi niya? Hmpf!

Nang matapos akong maghiwa ng mga ingredients ay ibinigay ko iyun kay Nanay Tess para sa niluluto niyang heavy breakfast. Mahilig daw kasi talagang kumain ang mga Silvestre at mahilig sila sa rice meal kaya nga raw kahit halos lumaki na sa America ang magkakapatid sa kabila ng pagiging mahal ng bigas sa bansang 'yun ay palagi parin silang nagkakanin. Naiisip ko palang na hindi ako magkakanin sa hapunan at tanghalian ay talagang napakahirap na sila pa kaya na mahilig kumain ng heavy and rice meal.

Nagpupunas ako ng lamesa nang maamoy ko ang linulutong mga ulam ni Nanay Tess ay agad akong nagutom. Masarap siguro ang ganitong buhay, 'yung nakakain mo lahat ng gusto mo at parang laging may pista tuwing nasa hapagkainan. Kaya gustong-gusto ko talaga makatapos ng pag-aaral para mas maging maginhawa naman ang buhay namin. Hindi man kami ganoon kakapos sa buhay ay may mga araw parin na talagang naghihirap kami lalo na tuwing mahina ang byahe ni Papay. Hindi ko man mabigyan ng ganitong karangyang buhay ang pamilya ko na katulad sa mga Silvestre, alam ko na pag nakatapos ako at nagkaroon ng maayos at magandang trabaho ay mabibigyan ko naman ng mas maayos na buhay ang pamilya ko.

"Hija." Napalingon ako ng tawagin ako ni Nanay Tess kaya napahinto ako sa pagpupunas ng lamesa na kanina pa naman makintab pero di ko alam kung bakit panay punas parin ako.

"Ano po 'yun, Nay? May iuutos po ba kayo?"  Tanong ko sakanya.

"Halika ka rito, tikman mo nga itong niluto ko," sabi niya habang kinukumpas ang mga kamay para lumapit ako sakanya na agad ko naman sinunod.

Nang malanghap ko ng malapitan ang Caldereta'ng may keso ni Nanay Tess ay parang gusto ko na kumuha ng pinggan at magsandok ng kanin. Napatawa ako sa isip ko dahil baka bigla akong hampasin ng sandok ni Nanay Tess kapag ginawa ko 'yun. Agad na kumuha ng kutsara si Nanay Tess at sinandukan ako ng isang hiwa sa platito, at agad akong inutusang tikman na masaya ko namang sinunod. You don't need to tell me twice, Nanay Tess. I will lantak-lantak this mouth watering food in front of me hehehehhe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside BeautyWhere stories live. Discover now