Notes:
This story is only work of my imagination and every events on this story is unreal and fictitious. This story is made just to fill in my imagination, It is not made to offend anyone.
I'm not a professional writer so, expect LOTS of grammatical errors and typographical errors on this story.
Enjoy reading!
PLAGIARISM IS A CRIME.
------------------
Morena skin tone, wide rounded eyes, pouty lips and not so pointed nose---that's me, a typical Filipina. How many times did I wish to become someone who can confidently show herself to the world, but just like what other people say 'you can't get everything that you want'. So here I am now, forcing myself to accept what I only have and who I truly am--as if I have a choice right? But still, my insecurities always hits me.
I'm not a princess with a castle like mansion, tanging maliit na bahay lang meron kami. I'm not a beauty but a beast. Oo beast, kasi ako ata ang isinumpa at hindi ang prince charming ko! Hindi rin ako makinis katulad ng mga babaeng pang-model sa FHM pero hindi rin naman ako magalis, may iilang peklat nga lang dahil sa mga kinamot na pantal gawa ng lamok. For short? Hindi ako kagandahan o baka nga hindi talaga.
In this kind of society we have, 'yung mga katulad ko 'yung mga hindi masyadong napapansin dahil para sa karamihan ang definition ng maganda ay iyong maputi, makinis, matangos ang ilong, sexy at kung ano-ano pa at sa kasamaang palad kahit isa doon ay wala man lang akong nakuha. Hindi ko naman masasabing sobrang kulelat akong tao dahil kahit hindi man ako maganda ay masasabi ko namang medyo pinagpala ako sa IQ.
Aesthetic Louise Demaltran, yeah that's my name and it's ironic how my name is Aesthetic but my appearance is not.
---
"Low-is! Aba ikaw na bata ka wala ka ng ibang ginawa sa buhay mo kundi humilata at tumutok diyan sa selpon mo! Aba'y umunat-unat ka namang lilintian ka."----yan si Mamay Elena, ang bungangera ng San Sebastian. Walang araw ata na hindi ko naririnig ang bunganga niya at ang sermon niya pero kahit ganun mahal ko naman siya.
"Elena! Kunin mo nga itong bigas at ulam, igagrahe ko muna ang jeep. Ano nanaman ang binubunganga mo riyan ke'aga-aga ay umaabot hanggang sa kanto iyang armalite mo"----Ayan naman si Papay Ernesto o mas kilala bilang Estong. Hindi kami masyadong close dahil busy siya sa pamamasada simula pa noong bata ako pero mahal ko rin naman siya katulad ni Mamay.
"Ako na po ang kukuha!" ---- 'yan naman ang bunso kong kapatid na si Benita pero Art Benidict siya 'pag andiyan si Papay takot lang niya majumbag nang malala.
"Ate Louise! Bumangon ka na riyan hinahanap ka ni Ate Janina kanina nang nakasalubong ko siya. May lakad daw kayo ah? Wag mo raw kalimutan." ---- at ayan naman ang sumunod sakin, si Scarlet Paint o mas kilala sa palayaw na Letlet.
Oo tama kayo sa napansin niyo, weird nga ang mga pangalan namin dahil may kinalaman sa Arts lahat. Iyon ay dahil mahilig doon si Papay pero simula nang ipinanganak daw ako ay tumigil na si Papay sa pagpipinta at mas nagfocus nalang sa paghahanap buhay gamit ang jeep namin na ibinigay ng kapatid ni Papay dati sa amin.
Bumangon na ako sa higaan ko at dumeretsyo sa CR para maligo. Paniguradong kukunot nanaman ang noo ni Janina pagnahuli ako sa usapan namin mamaya.
Naliligo na ako at nagsasabon gamit ang sabon ng bayan na walang iba kundi.... SAFEGUARD! kinuskos ko nang maigi ang katawan ko pati ang mga sulok-sulok. Hindi naman porke' hindi ako kagandaan ay 'di na ako marunong ng proper hygiene noh, dapat ay panatiliin ko 'yun syempre 'di ka na nga maganda, mabaho ka pa mas nakakadown naman ata yun.
YOU ARE READING
Inside Beauty
Novela JuvenilHow will you define beauty? Is it about the look? Is it about a person's physical appearance? or is it about how pure a person's heart is? ⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Credits to the rightful owner) Source: Pinterest