IV

4 0 0
                                    

"Egsayted na akooooo!" Hyper na sigaw ni Janina, nandito siya ngayon sa bahay hinihintay akong mag-ayos. Hindi muna kami magdadala ng mga gamit ngayon dahil di pa naman kami sure kung stay in ba kami doon o hindi, dahil hindi rin naman daw naitanong ni Tita Joan.

Ang sabi niya ay pumunta nalang daw muna kami roon bago mag alas otso ng umaga kaya, ito ngayon si Janina at ang aga mambulabog dito sa bahay. Six thirty na at tapos na rin naman akong maligo't magbihis, di pa kami umaalis dahil mag-aalmusal muna kami. Naghanda ako ng buns at pansit canton, ito nalang muna dahil di narin naman ako makakapagluto. Tulog pa sila Mamay at mamayang seven pa ang gising nang mga 'yun.

Maganang kumain kami ni Janina at pagkatapos ay agad na kaming pumunta sa mansyon ng mga Silvestre. Nagtricycle na kami para di kami ma-haggard.

Nang makarating kami ay agad na sumalubong saamin sina Señora Florida na halatang bagong ligo lang at Tita Joan na agad kaming nidaluhan.

"Ow my! Andirito na pala kayo. Sige, sige come inside!" Ang hyper talaga niya parang si Mamay, makwela kahit may edad na. Sabagay mas bata tignan si Señora sa edad niya kung titignan ay para lang itong nasa 30's pero panigurado'y nasa 40's na ito.

"Dito kayo magtatrabaho sa Mansyon hanggang matapos ang bakasyon niyo." Halatang halata sakanya ang pagkaexcite na hindi ko naman magets kung para saan. Normal na tao lang naman kami kaya ano naman kayang ikinae-excite ni Señora?

"Si Joan nalang ang magtotour sa inyo mamaya. Tara, pumunta muna tayong dining area kumain muna kayo sabayan niyo kami sa almusal." Nagtatinginan kami ni Janina dahil kakakain lang namin at ng akmang tatanggi na kami nang mabilis na nagsalita ang Señora.

"I don't take 'no' as an answer, remember? So come on, join us pretty ladies." Wala na kaming nagawa ni Janina kundi ang sumang-ayon

Nang makarating kami sa dining area ay parang biglang nakalimutan kong katatapos ko lang kumain. Nanubig yung bagang ko dahil sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.

Bacon,hotdogs,scramble eggs, luncheon meat, sinangag, fried chicken, lemonade at kung ano-ano pa ang nakahain sa lamesa.

Yung totoo, almusal ba talaga to? Graaaaabe ang dami!

"Sige na maupo na kayo diyan, pababa narin naman ang mga anak ko. Ikaw Joan sumabay ka narin kaya samin?" Aya ni Señora kay Tita Joan pero umiling lang ang huli.

"Naku, mamaya nalang po Señora pagkatapos ninyo. Sasabay nalang po ako sa iba pang kasambahay." Nakakaintinding tumango naman si Señora.

Bago umalis si Tita ay pasimple siyang bumulong kay Janina na narinig ko naman.

"Umayos ka Janina kung ayaw mong kurutin ko iyang singit mo," agad na umalis si Tita matapos ang pagbulong sa anak niyang tila kumikislap ang mata sa sobrang tuwa.

"So, how are you two? May mga nobyo na ba kayo?" Isyusong tanong samin ni Señora.

"Naku wala po Señora, wala pa pong nagkakamali dahil baka makurot ni Mama sa singit kung sakali hahahaha," sagot ni Janina na ikinatawa naman ng Señora.

"Ikaw hija? Meron ka ba?" Tanong niya sakin na ikinayuko ko.

"U-uhmm... W-wala rin po Señora," nahihiyang sagot ko.

"Huh? Bakit naman? You're beautiful and I can see that you're a kind and humble person too," matapos niyang sabihin 'yun ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Beautiful? Malabo ata mata ni Señora.

"Naku, hindi naman po ako kagandahan kaya po siguro walang nagtatangka atsaka, wala rin po iyan sa isip ko ngayon mas marami po akong dapat na unahin bago po ang bagay na iyan." Tumango-tango siya sa sagot ko.

Inside BeautyWhere stories live. Discover now