"Estetik Low-is! Dumaan dito si Joan kanina hinahanap ka. Himala anak akala ko ba'y si Janina ang tropa mo bakit si Joan ang naghahanap sayo kanina? Change of heart ba anak?" Bakasyon ngayon kaya tambay lang sa bahay ang gawain ko. Second year college na ako sa pasukan at nag-aaral ako ng Architecture sa Unibersidad de San Sebastian .
"Bakit daw po May?" Umaga na at kagigising ko lang, hindi na nga ako nakapaghapunan kagabi sa sobrang antok at pagod ko dahil sa pamamalengke kahapon.
"Ang sabi niya ay kung gusto mo daw bang mamasukan doon sa mga Silvestre tutal naman daw ay bakasyon, para naman daw may pagka-abalahan naman daw kayo ni Nina." Napakunot noo ako at naupo sa upuang kaharap ni Mamay na nagkakape at nag-aalmusal. Kumuha na din ako ng pandesal at nagsimulang kumain.
"Eh bakit naman po? Ang dami namang katulong sa mansion ng mga Silvestre ah? Ano naman pong gagawin namin doon?"
"Mangalakal. mangalakal ka doon anak, Junkshop 'yun eh," sarkastikong sagot sakin ni Mamay habang ngumunguya ng tinapay " malamang mangangatulong ka roon! Itong batang ito oh, kala ko ba'y matalino ka bakit iyan lang ay itatanong mo pa," napangiwi nalang ako sa bunganga ni Mamay.
"Eh kasi nga po ang weird. Ang dami na nilang katulong diba? Tapos ihihire pa nila kami? Or kung kailangan talaga nila ng katulong bakit hindi yung mga nag-aapply talaga na maging katulong yung kunin nila? Hindi po ba weird?"
"Anong weird dun? Eh malay mo nakiusap si Joan sa mga Silvestre para makapasok kayo doon, dahil wala naman kayong ginawa ni Janina kundi ang humilata at magbasa nang magbasa. Atsaka wag ka na mag-inarte anak kasi....." Binitin niya ang sinasabi niya na para bang gusto niya akong magtanong.
"Kasi ano po?" Kuryusong tanong ko kay Mamay na tumayo na at bitbit ang pinagkainan. Tinapik pa niya ako sa balikat bago sagutin ang tanong ko.
"Kasi hindi ka maganda 'nak," tumalikod siya matapos sabihin 'yun at iniwan akong nakanganga. Nanay ko ba talaga yun? Hayst!
"May!" Inis na tawag ko sakanya pero hindi ako nito pinansin, tumawa lang siya nang tumawa at pumuntang sala para manood ng tv. Napailing nalang ako sa kalokohan ng Nanay ko.
Matapos 'kong kumain ay naligo ako't nagpaalam kay Mamay na aalis at pupunta kayla Janina, agad naman ako nitong pinayagan. Sa labas at nakita ko si Benita na hinahabol ni Duday at kitang kita naman sa mukha ng kapatid ko ang pandidiri sa kaibigan. May gusto kasi iyang si Duday kay Benita, hindi ko nga alam kung hindi ba niya napapansin na hindi siya bet ng kapatid ko kundi ang kuya nitong si Dudong na classmate at kaibigan ng kapatid kong si Letlet. Maganda naman si Duday kung tutuusin, maputi ito at medyo singkit ang mata, cute din itong bata pero kahit na ganun ay hindi talaga ito gusto ng kapatid ko dahil may nota rin ang bet niya.
Tig-dadalawang taon lang ang pagitan namin magkakapatid, ako ay mag ni-nineteen na sa susunod na buwan, si Letlet naman ay kakadisyesite lang noong nakaraang buwan at ang bunso naman namin na si Art Benidict o Benita ay naglabing lima naman noon bagong taon.
Si Letlet ay mag-gegrade twelve na sa pasukan at si Benita naman ay mag-gegrade ten."'Te san punta mo?" Napatigil ako sa panonood kela Benito at Duday nang maagaw ni Letlet na kadarating lang ang atensyon ko.
"Ah diyan lang kela Janina," sagot ko sakanya na ikinatango niya. Napansin ko naman ang dala nyang poster. Poster iyon ni Jimin ang bias nya sa K-pop group na BTS, baliw iyan sa BTS kung minsan nga ay nag a-alien language siya na hindi namin maintindihan.
"Ikaw saan ka galing?" Usyuso ko sa kanya.
"Doon kela Dudong 'Te, kinuha ko itong pinasuyo kong poster sa palengke. Nagchat kasi siya kagabi na bibili raw siya ng poster ng Blackpink kaya nagpasabay na ako nito para 'di na ako pupuntang palengke dahil sayang ang pamasahe." Wow nanghinayang sa pamasahe pero di nanghinayang sa pinambiling poster, eh?
YOU ARE READING
Inside Beauty
Teen FictionHow will you define beauty? Is it about the look? Is it about a person's physical appearance? or is it about how pure a person's heart is? ⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Credits to the rightful owner) Source: Pinterest