Matapos ang insidente noong nakaraang linggo sa bahay ng mga Silvestre ay ito padin ako sa usual hobby ko-- ang magbasa ng magbasa.
Naalala ko yung nangyari noong nakaraan matapos mabugahan ang panganay na anak ng mga Silvestre na si Fyra ng kapatid nitong si Froylan ay pinaghahabol niya ito at napuno ng tawanan sa loob ng kanilang sala. Matapos nun ay umuwi rin kami agad ni Janina dahil nakakahiya namang tumagal pa kami doon.
"Ate tawag ka ni Mamay, pumunta ka daw munang palengke. Ikaw daw muna ang mamalengke ngayon dahil maglalaba daw siya," sabi sakin ni Letlet pagpasok niya sa kwarto.
"Sige pupunta na."
Matapos kong kunin ang listahan ng bibilhin at ang pera ay agad na akong umalis ng bahay at pumara ng tricycle papalengke. Medyo madami-dami din ang bibilhin ko kaya mukhang aabutin ako nito ng hapon. Ala-una na kasi mag-aalasdos.
Agad akong pumunta sa talipapa para bumili ng manok,baboy at isda para sa stock namin sa bahay. Malakas kasi kami kumain kaya talagang di dapat kami nauubusan ng stock sa ref. Matapos 'kong bumili ng mga karne at isda ay bumili naman ang ng mga gulay, syempre dapat din kumain ng gulay nuh pampahaba to ng buhay eh.
Pechay, Kangkong, Talbos ng kamote, Kalabasa, Patatas, Repolyo at iba pang mga gulay na nasa listahan. Bumili din ako ng itlog, hotdog, kikiam, fishball at mga kutkutin. Di kami magtatayo ng pisbulan, lalamunin lang namin ito.
Mag aalas-kwatro na ng matapos ako sa pamimili at amoy pawis na din ako dahil sa pakikipagsiksikan sa mga tao sa palengke at pagpila sa grocery store.
Bitbit ko ang mga pinamili ko at halos mabali ang mga braso ko sa dami at bigat ng mga dala ko.
Bakit ba naman kasi hindi ako nagpasama kay Letlet o kaya kay Benita!
Halos wala din akong masakyan dahil nagkakanda ubusan ng masasakyan. Hingal at pagod na ako kakapamili tapos ay wala pang masakyan oh! Kamalas ko naman ata ngayon. Gusto ko na mahiga sa papag ko at matulog.
Nasa tabi ako ng kalsada at naghihintay ng masasakyan ng may humintong puting kotse sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may maalala.
Hala! Diba puting sasakyan yung nangunguha ng mga bata? Pero dalaga na ako, counted ba ako? Atsaka Van yung nangunguha diba? Eh kotse naman ito eh. Tatakbo ba ako? Pero mabigat yung mga pinamili ko, iwanan ko nalang kaya? Pero baka sakalin ako ni Mamay pag-iniwan ko to dito. Hala anong gagawin k--.
"Need help, miss?"
Natigil ako sa pakikipagtalo sa sarili ko ng biglang may nagsalita. Sa sobrang pag-iisip sa balak gawin ay di ko namalayang nakababa na pala ang salamin ng kotse at nakadungaw doon ang isang mestizong lalaki.
Ako ba kausap niya?
Lumingon-lingon muna ako sa likod ko at sa kaliwa't kanan ko at wala naman akong nakita. Sino kaya kausap nito?
"Uhmm... Miss, are you alright---miss, okay ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?"
Ang pogi naman magtagalog nito!"Miss?" Napabalik ako sa wisyo ng bigla niya ulit akong tawagin.
"A-ako ba ang kausap mo?" Tanong ko sakanya habang nakaturo sa sarili ko. Aba syempre baka mamaya mapahiya ako diba? Isipin mo ba naman bigla akong kakausapin ng isang Silvestre! Oo, Silvestre! Walang iba kundi si Froylan Silvestre! Shet, totoo ba to o pagod lang? Baka nakalanghap ako ng sariwang putok kanina ng kung sino mang nakasalubong ko sa pakikipagsiksikan sa talipapa!
YOU ARE READING
Inside Beauty
Roman pour AdolescentsHow will you define beauty? Is it about the look? Is it about a person's physical appearance? or is it about how pure a person's heart is? ⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Credits to the rightful owner) Source: Pinterest