Chapter 17

210 11 4
                                    

"Gusto kong hanapin si Gia..." mahinang pag-amin ko sa mga bakla, nandito rin si Alyn nakatambay. Binenta na rin niya 'yung bahay na niregalo sa kaniya 'nung ex jowabels niya, pero ang gaga lumipat lang sa katapat ng bahay ko.

"Ha? Teka ano ulit 'yon parang nabingi ako?" Pag-epal ni Fiffy.

"Tanga gusto raw niyang hanapin si Gia." Walang gana na sabi ni Trev, gulat ko naman silang tinignan.

"Wow! Concern na concern kayo ha? Ramdam ko." Sabay irap.

"Bakit kasi ngayon lang beb? It's been 6 months." Ika ni Pam. Nagkibit-balikat naman ako.

"Hindi ko alam, I just feel like finding her. Alam niyo naman kwento ng buhay niya 'di ba? I'm her only family. And besides, if it's about us... we haven't really closed our story yet." Tinignan naman nila akong apat, si Alyn palipat-lipat lang ng tingin sa amin, 'kung sino ang magsalita ay doon siya nakatingin.

"Wow 'te ibig sabihin naasa ka parin hanggang ngayon?" Cheka ni Trev.

"Hindi ko alam... atsaka 'kung meron bakit angal ka? Sabunutan kita sa patilla e kanina ka pa!" May inis 'kong sabi pero tinawanan lang nila ako.

"Edi go 'neng, find her." Pinagmasdan ko naman ang mga bakla, natahimik lang sila.

"I smell something fishy pero wiz kipay huh." Bumaling ako ng tingin kay Alyn bilang assurance at nakita kong natawa siya ng mahina sabay pakyu sakin, aba! Atichona na 'rin mana sakin. Nanliit naman ang mga mata kong tinuro silang tatlo.

"Alam niyo 'kung nasaan si Gia 'no?!" Mala investigator kong pagbintang sa kaniya. Walang alinlangan silang tumango.

"Bakit 'di niyo ako ininform?!" May inis na sabi ko.

"Wiz ka naman nagtanong mhie, malay ba namin na gusto mo pa siyang makita." Umirap naman si Fiffy sa akin.

"Anyway, wiz na ako mag-iinarte, 'kung alam niyo 'kung nasaan siya edi mas good 'di ba? Puntahan natin siya!" Agad na tumayo ang tatlo. Si Trev ay naka-pameywang na iniangat ang hintuturo.

"No, no, no! Ikaw lang ang maghahanap. Wititit ka namin tutulungan." Lito ko naman silang tinignan.

"Huh? Gaga kayo? Pano ko hahanapin 'kung hindi kayo kasama?" Tinaasan ko sila ng kilay pero ang mga bakla abot batok na ata ang kilay sa sobrang angat.

"Ikaw, mag-isa ka na pupunta." Sabi ni Pam.

"What? Joke time ba 'to? Baka dinodog show niyo lang akiz!" Wiz makapaniwala 'kong tanong.

"Wit! Nagpromise kami kay Gia na hindi namin siya ituturo 'kung nasaan siya. Pero dahil nagtanong ka na, sasabihin namin sayo ang address but... wititit ka namin sasamahan." Pag-eexplain ni Fiffy na sinang ayunan ng tatlo.

"Kahit isa sa inyo? Ikaw Trev?" Umiling si Trev with matching wagayway ng point finger.

"Pam?" Iling.

"Fiffy?"

"Wit!" Malakas akong bumuntong hininga.

"E sino sasama sa akin?" Frustrated ko na tanong.

"Si Alyn!" Cheka ng mga bakla sabay turo kay Alyn. Nanlaking mata sa gulat na tumingin si Alyn sa amin.

"Ako?" Naguguluhang tanong ni Alyn.

"Oo ikaw! Tutal parehas niyong hindi alam, and para makita mo na rin si mareng Gia in person te." Malambing na sabi ni Trev.

"Ah..."

"Gaga kayo? Baka mamaya may work si Gia?" Nahihiya kong sabi na agad niyang ikinailing.

"Hindi, okay lang, nagresign na ako sa work last week." Pag-inform niya.

"Ayon! Good timing to sis, magliwaliw ka na rin." Sabi ni Fiffy kay Alyn, malawak na ngiti ang binigay niya sa mga bakla.

"Teka nga, mga desisyon ka e 'no? San ba 'yon?" Pag-iintriga ko.

"Batanes." Sabay-sabay nilang sabi.

"Batanes?!" Ulit ko pa.

"Yes!"


•••

"Sensya ka na bhie ha? Napa-join ka pa tuloy sa kagagahan ng mga juding ng wala sa oras." Malamya kong sabi kay Alyn habang iniisa-isang ipasok ang mga gamit namin sa kotse. Mahina naman siyang tumawa at marahang hinaplos ang likod ko.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun! At saka, nagbabalak na rin ako dati na mag-batanes, wala lang talaga akong kasama." Nangunot naman ang noo ko at naglakad na kami papunta sa may passenger seat. Pinagbuksan ko naman siya ng pintuan at pinapasok sa loob sabay ikot ni bakla papunta sa driver's seat.

"E si James? Hindi ka sinamahan ni James?" Si James 'yung ex boylet niyang brutality. Agad naman siyang umiling at inayos ang seatbelt.

"Hindi e, ayaw niya. Kapag gano'n na nag-aaya ako sa kaniya marami siyang dinadahilan, kesyo busy daw siya, may inaasikaso, ganito-ganiyan..." Iiling-iling naman akong sumagot at inistart ang kotse.

"Ayan ha? Ang dami palang red flag niyan bakit hindi mo pinapansin? Super color blind ka siguro 'te." Mahina naman siyang tumawa sabay sandal sa bintana.

"Siguro nga... siguro dahil mas lamang sa isipan ko 'yung dahilan na nagmamahalan kami kaya kahit anong gawin niyang pananakit sakin, hindi ko magawang lumayo." Napa-pout naman ako. Grabe pala magmahal 'tong si Alyn, all in!

"Hay, siguro nga gano'n." Natahimik na kaming dalawa hanggang sa marating namin ang airport.

Nakatulog si Alyn sa tabi ko, medyo natraffic kami pero buti na lang naka-abot pa kami sa flight. Hay! Wiz ko talaga bet ang biglaang mga gala, ngayon ko lang narealize na wala 'man lang kaming na-accomodate na tourist guide, buti na lang naka check-in kami sa hotel.




"Shuta ka 'te bakit isang bed lang kinuha mo?" Nafufrustrate kong sabi kay Alyn, kamot ulo naman siyang tumingin sa akin.

"Ang mahal kasi e..." umirap naman ako sa kaniya at nameywang.

"'Te okay lang 'yun! Ako naman magbabayad." Sumimangot naman siya at dumiretso sa kama.

"Mag-aaksaya ka lang ng pera sis, okay na 'to! Wala rin namang malisya tsaka hindi naman ako malikot matulog. Bumuntong hininga akong lumapit sa kaniya at umupo sa kama.

"Ano pa ba ang magagawa natin? Basta ako sa right side."

"Hmm... okay! Kahit saan naman nakakatulog ako."

"Sige na nga, sa ilalim ka na lang ng kama." Agad naman niya akong binato ng unan.

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon