Prologue

827 31 7
                                    

"Ang tagal na nating magkaibigan, pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ko matatanggap 'yan Ely, nakikita mo ba ako? Madumi akong babae! 'Kung kani-kanino ako nagpapagalaw! Hindi ka ba nandidiri sa akin?" Naiiyak akong umiling. No, I never saw her that way.

"Gia, I never looked at you that way. Alam mo 'yan!" Marahas siyang napahilamos ng mukha.

"Bakit mo ba ako nagustuhan? Ely, ayoko. Pigilan mo 'yang nararamdaman mo." I felt my heart ache when she said that.

"Bakit Gi? Ayaw mo ba sa akin? Dahil ba bakla ako-"

"Hindi! Kahit kailan hindi ko naisip na maging hadlang ang kasarian mo para magkaron ng tayo, Ely."

"E ano?!" I tried my very best not to shout at her pero mukhang mas nanaig ang nararamdaman ko na inis.

"Kasi ikaw na lang ang meron ako! Ayokong nang dahil sa nararamdaman mo o nararamdaman ko, mawala ka na rin sa akin! Alam mo naman 'yon Ely 'di ba? Oo duwag na 'kung duwag, ayoko lang talaga ba pati ikaw mawala pa sa akin..."

"Sa tingin mo ba, ngayong tinutulak mo ako palayo dahil sa nararamdaman ko, hindi ako mawawala sa'yo?"






tbc.

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon