Chapter 18

284 15 5
                                    

"Sure ka talaga te? Tabi tayo?" Takang tanong ko, agad-agad naman siyang tumango.

"Okay nga lang! Tsaka ano kasi natatakot ako mag isa sa kama kapag wala ako sa bahay." Inaayos niya 'yung mga gamit niya ngayon at gano'n 'din akiz.

"Whychi namern? Takot ka sa multo?"

"Hindi a! Namamahay lang atsaka nasasayangan din talaga ako sa pera na ibabayad mo. Ang laki kaya ng difference kapag 'yung room na may two beds ang kukunin or 'di kaya tag-isa tayo ng room." Mahabang paliwanag niya na ikina-tango ko na lang.

"Ako naman magbabayad..." mahinang bulong ko pero sinamaan lang akiz ng tingin ng bruha.

"Alam ko namang marami kang pera, pero it's better to save it in the future for more important things like emergency!" Kaloka, parang si Nanang lang ang peg!

Nag-ayos na kami ng gamit at dahil pagabi na rin nang dumating kami ni Alyn dito, nagpapa-antok na lang kami ngayon. Parehas kaming nakatingin sa kisame, walang nag-iingay pero rinig ang mga huni ng ibon. Ang bongga dito! No wonder marami ang nag sosoul searching dito sa Batanes, sobrang peaceful. Ang pinagstay-an namin ay isang bungalow type, para lang siyang normal na bahay pero ganitez ang hotel nila at pinaparenta talaga nila sa mga turista na nagbabalak mag-stay.

"Alyn... gising ka pa?" Pambubulabog ko sa katabi ko. Mahina naman siyang natawa.

"Hindi, tulog na." Natawa naman kaming parehas at pagkatapos ay muling natahimik.

"Anong trabaho mo nga ulit?" Muling pambubulabog ko.

"Midwife." Dahan-dahan akong tumango.

"Marami ka na palang nakilalang tao..."

"Hmm, oo pero madalas puro buntis." Napabuntong hininga naman ako.

"Edi mahilig ka pala sa bata?"

"Uhm, sakto lang. Actually sa ngayon ayokong mag-anak, masyadong malaki ang responsibilidad kapag may anak, hindi pa ako handa para 'ron. Siguro sa tamang panahon, ikaw ba? Gusto mo mag-anak?" Mahabang sabi niya na ikina-tigil ko. Biglang pumasok sa isip ko si Gia.

"Dati ayaw ko, like haler? Wiz ko talaga bet ang mga bata, kahit ampon hindi pumasok sa isip ko, pero kapag naiisip ko si Gia... hindi ko alam pero naiimagine ko siya kasama ang mga anak namin." Mahinang sabi ko sa kaniya. Malakas naman siyang napabuntong hininga sabay higa paharap sa akin. Naka-tungkod ang kamay siya sa kama.

"Love na love mo talaga siya 'no?" Na-amaze niyang sabi.

"Halata ba?" Mahina kong tawa na ikinatawa niya rin.

"Medyo lang. Pero alam mo, meron akong naging pasyente dati... tomboy siya as in, naka jersey shorts at tshirt nga lang siya noong nagpunta sa clinic. Ang akala ko, may kasama lang siya na buntis."

"Oh tapos?"

"Siya pala 'yung buntis! Hahahaha hindi ako judgmental ha! Na-amaze ako at the same time napa-isip, baka kasi mamaya unwanted pregnancy pala." Mahina kaming natawa, naimagine ko ang kwento niya.

"E ano pala?" Malaking ngiti niya akong tinignan.

"May girlfriend pala siya! Trans." Napataas ang dala kong kilay sa gulat.

"Truly?!" Amazed kong sabi, sunod-sunod naman ang naging tango niya.

"Satru! Tinanong ko kasi if may kasama ba siya, tapos sabi niya meron, kaya pinapasok niya 'yung babae, ang ganda nga niya e. 'Yung tomboy guwapo rin tignan kaya sure akong maganda kakalabasan ng features ng baby nila." Naimagine ko naman ang sarili ko sa kwento ni Alyn, pero wiz naman shiboli si Gia ha! Ang cute lang. Nakita ko ang tuwa sa face ni Alyn nang kinukwento niya ang mga ayon. It somehow warmed my heart... I'm happy that I get to meet a person like her, masyado kasi siyang innocent and accepting. She does not judge, as much as possible she tries to know the situtions. A great companion... a friend.

May times na nakukumpara ko siya kay Gia, pero alam ko sa sarili ko na mali 'yon. Every person has their own personality, but when it comes to being a companion, parehas sila. I feel so comfortable, I see Gia in her. Which is wrong. I should see Alyn as Alyn, and not Alyn as Gia. Shuta! Napapaenglish na ako sa frustrations. Sa frustrations na ako lang ang nag iintiate, eme.

After a while, we both fell asleep. Kinabukasan ay una akong nagising sa kaniya, I'm facing her back. Gandara! Waley bacne ang bakla, ang ganda ng likod... her skin it glowing along with the sunlight. Sana all! Kahit kasi sexy ako, broad parin ang akin mga balikat at may kaunting muscles. Saglit pa akong natulala dahil nga divuh kakagising ko lang? Tulaley sa umaga, sabog, bangag ganorn! Nang makuntento ako sa pagiging sabog ay agad akong nag-inat with sounds para mas feel, nagising na rin sa tabi ko si Alyn. Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya na nasisilaw pa sa liwanag.

"Goodmorning, te." Bati ko sa kaniya sabay smile ng very very slight dahil alam kong maga ang fez ko pag bagong gising, hindi pedeng ngumiti ng malaki dahil malaki ang ilong ko baka mas lalong lumaki! Masinghot ko pa si Alyn.

"Baho beh," bungad niya sabay taklob at tawa. Na-offend naman ako 'ron kaya napa-upo ako.

"Aba 'te malamang morning breath! Alangan naman mabango hininga ko? E nakatikom bibig ko kapag tulog. Bakit ikaw ba?" Pinilit kong agawin ang kumot sa kaniya kaya natawa kami parehas.

"O kitams?! May panis na laway ka pa girl! Morning breath ka rin! Kasi syempre hindi naman tayo nagrarap kapag tulog! Shuta kez." Sabi ko sa kaniya, trulity nga na biruin ang shenglot, wiz ang bagong gising. Imbey.

"Oo na! Order na tayo food, gutom na ako." Sabi niya sa akin.

"Inuutusan mo ba ako 'te?" Taas kilay kong tanong.

"Oo, bakit?" Sabi niya at tinaas din ang kilay.

"Waley! Gora na akiz." Sabi ko sabay tayo at tawag para sa breakfast. After ng call ay bumalik ako sa tabi ni Alyn.

"Ano te? Bangon-bangon aba mag toothbrush namern." Pamimikon ko sa kaniya ang bruha inirapan lang ako at tumuloy na sa banyo. Natawa naman ako at nang matapos siya ay sumunod ako.

"Nga pala, balik roadtrip ulit tayo mars, magchecheck out tayo after lunch." Sabi ko sa kaniya habang nilalantakan namin ang breakfast na inorder ko. Tumango-tango naman siya bilang sagot kaya nagpatuloy na kami sa kain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon