Chapter 6

217 26 18
                                    

Chapter 6

"Saan ka pupunta bhie?" Pansin ko kay Gia nang makita kong nagdadahan-dahan siyang kumilos. Parang ayaw niya atang malaman ko na aalis siya?

"A-Ah, wala! Diyan lang sa labas magpapahangin lang." Agad kong hinagod ng tingin ang suot niya. It's not like her, she's wearing a baby pink floral dress that doesn't hug her curves. Very mahinhin lang.

"Talaga?" Taas kilay kong sabi sa kaniya at umiwas na ng tingin. "Sige, ingat ka." That's the only thing I could say. Ano ba pa ba dapat? Na huwag siya magpapagabi? Na umuwi siya ng maaga kasi magluluto ako para sa kaniya? Na mag-iintay ako sa pag-uwi niya? Na sana wala siyang ka-date... Ha? Bakit ko naisip 'yon? Ay nako! Bahala siya!

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang matunog na halik sa pisngi.

"Sabay tayo kain mamayang hapunan, hintayin mo ko ha?" Kunwaring napilitan akong um-oo kaya umalis na siya at naiwan akong mag-isa na nunuod ng documentary.

Hindi ko naman maiwasang ma-destruct sa pinapanuod ko. Nagana ang utak ko, nag-iisip ng 'kung ano-ano. Bakit?! Napapraning na ang bakla.

Pero hindi nga, paano 'kung may tinatagong jowa si Gia kaya palagi siyang naalis? Pero hindi naman super lagi mga thrice a week lang? Gaga more than one is palagi! Emz.

Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang mga bakla para pumunta rito sa bahay. Wala pang isang oras ay dumating na sila. May mga dalang pagkain at... alak?

"'Te alam namin ang nararamdaman mo, iinom na natin 'yern!" Chika ni Trev at nagsipasok na sila.

"Gaga anong nararamdaman? Na-miss ko lang kayo."

"Tangina mo 'te, kahit tangayin na kami ng afam sa ibang bansa hindi mo kami ma-mimiss kilala ka namin!" Ani Fiffy. Inirapan ko na lang sila dahil wala akong ma-back fire.

"O asan si poklai?" Tanong ni Pam habang inaayos ang mga dala nila. Napasimangot naman ako nang maalala ko si Gia.

"Malay ko 'ron. Daming secret 'di nagsheshare." Sabay irap. Naramdaman ko namang siniko ako ni Trev.

"Napaghahalataan." Sabi niya sabay ngiti ng mapang-asar. Tinignan ko naman siya.

"Pinagsasabi mong puta ka?" Nagkibit balikat lang siya pero nandon parin 'yung panh-asar niyang mukha.

"Bakit ko nga ulit kayo pinapunta? Lumayas na nga ulit kayo! Mas nabubwiset ako sa pagmumukha niyo." Inis kong sabi sa kanila. Nagtawanan naman ang mga bakla.

"'Te kumalma ka. Crush lang 'yan." Sabi ni Fiffy na ikina-nuot ng noo ko.

"Chrue! Inom na!"

"Ang aga pa! Four pa lang mga bruha kayo." Sabi ko sa kanila nang ilapag na nila ang alak sa may coffee table sa harap ng T.V.

"Walang maaga-maaga pang broken hearted 'te at saka vitamins namin 'to huwag kang mahadera. Iinom mo na 'yan."

"E sabay pa raw kami ni Gia maghapunan."

"E ano naman? Edi huwag ka maghapunan! Paramdam mo naman na nagtatampo ka, tangahin ka 'rin e 'no? 'Di na uso ang pagiging murpok dzai, matatalo ka!" Pikon na sabi ni Fiffy. Sumimangot na lang ako at inabot ang basong binibigay niya sa akin.





"Hindi ko lang naman maintindihan mga bakla bakit siya nag sisecret sa akin?" Gulong tinignan ng mga bakla ang lasing na si Ely.

"'Te baka nag-ooverthink ka lang, and besides hindi naman kailangan lahat ng bagay na nangyayari kay Gia, ikukwento niya sa'yo and ganon ka rin. May privacy na tinatawag bakla, in case na nalimutan mo." Panenermon ni Fiffy kay Ely.

"Hindi! Bakit naman dati kinukwento niya sa akin lahat?! Maski nga 'yung nangyayari sa kanila ng mga nakakabooking niya!" Gewang-gewang na sagot ni Ely.

"Take note of the word dati dzai! Dati na! Ibig sabihin iba na ngayon, mashonda ka na, jusko ngayon ka pa umarte ng ganiyan?" Pagpatol ni Fiffy.

"Alam mo 'te napakapatola mo, lasing na 'yan nakikipag sagutan ka pa riyan," panggagatong ni Pam.

"Sachrue, mukha kang timang, umoo ka na lang, hindi naman maalala ni wata 'yan tomorrow." Pagsang-ayon ni Trev. Inirapan naman ni Fiffy ang dalawa.

"Ah basta! May tinatago ang bruhang 'yon! Sure ako! Kasi last time ako pinaglaba ng lukaret mga te amoy lalaki. Amoy perfume ng lalaki." Nagtawanan naman ang mga bakla sa mga kwento ni Ely.

"O, anong ginawa mo?" Nagkibit balikat lang si Ely.

"Edi kinompronta ko, sabi ko, 'Ano 'to?! Niloloko mo ba ako?! Nagtataksil ka?! Walanghiya ka!' ganon." Pipikit-pikit na sagot ni Ely. Natawa naman ang mga bakla dahil alam nilang hindi totoo ang sinasabi nito. Alam naman nilang matabil talaga ang bibig ng kaibigan pero hindi nito kayang ilabas ang tunay na nararamdaman. Sure silang mga gustong lang ni Ely na mangyari ang mga 'yon pero hindi talaga siya nangyari.

"O ano nang gagawin mo 'te?" Panggagatong ni Trev.

"Edi ikiki-"

"I'm home! O mga beks nandito pala kayo?" Bungad sa kanila ni Gia na kakarating lang. Tinitigan ng mga bakla ang bagong dating. Katulad ng sinabi ni Ely sa kanila, hindi ito ang usual na mga damitan ni Gia. Masyadong pa-girl, parang may something.

"San ka galing bruha ka?" Tanong ni Trev kay Gia. Nagkibit balikat lang si Gia.

"Diyan lang," pa-mysterious na sabi nito. Inirapan naman niya ng mga bakla.

"Shuta pa-virgin sugatan! May secret ka 'no?" Usisa ni Pam. Para namang naging balisa si Gia at lumapit sa kanila.

"Secret! Teka napano 'yan?" Sabay turo kay Ely na nakabulagta sa sofa.

"Orlogs na ang betla, naparami ng inom." Sabi ni Fiffy.

"Kayo talaga! Sabay sana kaming maghahapunan niyan!" Pagalit na sabi ni Gia.

"Siya nag-aya!" Pag-entra ni Fiffy.

"Pumayag naman kayo!"

"Te bakit ba anong pake mo 'kung malasing 'yang lokaret na 'yan?" Ani ni Fiffy.

"Gaga syempre may pake ako riyan! May problema ba siya?" Nagtinginan naman ang mga bakla. Mga manhid! Ani ng mga ito sa kani-kanilang isipan.

"Wala naman 'te. Baka stressed lang sa business niya." Sabi na lang ni Trev. Lumapit naman si Gia kay Ely at inayos ang buhok nito.

"May uwi pa naman akong take-out, gusto niyo ba kumain muna bago umalis?" Agad na nagtanguan ang mga bakla.

"Tulungan niyo muna akong iakyat 'to sa kuwarto."


"Sige na mhie, gorabels na kami. Salamat sa food tapos pasabi kay Ely na thanks din sa pa-vitamins. Nadagdagan nanaman ang life span ko" Paalam nina Trev kay Gia. Tumango naman si Gia at nag-alisan na ang tatlo.

Naghugas muna ng mga pinagkainan si Gia bago pumanhik sa kuwarto para tignan si Ely. Mahimbing ang tulog nito sa sariling kama. Kumuha siya ng palanggana at nilagyan ng maligamgam na tubig. Lumapit siya kay Ely at pinunasan ang katawan nito. Hinubaran na rin niya ng damit si Ely dahil amoy alak ito.

"Hmm," daing ni Ely nang i-usog siya ni Gia. Bumuntong hininga na lang si Gia at pinagpatuloy ang ginagawa. Ilang minuto pa habang kaniyang pinupunasan si Ely ay dahan-dahan itong nagmulat. Mapupungay ang mga mata nitong sinalubong ang kaniyang titig.

"Gia..." tawag nito sa dalaga.

"Hmm?" Malambing na tugon ni Gia.

"Huwag ka na umalis... please." Hindi alam ni Gia ngunit may 'kung anong nahulog sa kaniyang sikmura ng marinig iyon. Nakatitig parin si Ely sa kaniya. Unti-unti, inilapat niyo ang kamay sa pisngi ng dalaga at maingat itong inilapit sa kaniyang mukha hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon