Chapter 2

250 23 5
                                    

Chapter 2

Maaga akong nagising nang marinig ko ang doorbell sa labas. Nakatalikod si Gia sa puwesto ko at mahimbing na natutulog. Balot na balot pa siya ng comforter. Tumayo ako sa pagkakahiga at nag-inat. Napa-hikab din ako dahil medyo bitin pa ang tulog ko. Kumuha ako ng robe dahil naka- nighties lang ako ngayon, parehas kami ni Gia.

Tinali ko ang robe ko at lumabas ng kuwarto. Pipikit-pikit pa akong lumabas ng kuwarto at bumaba para pagbuksan 'yung asungot na doorbell nang doorbell.

"Bigyan mo na kasi kami ng susi ng bahay mo bakla nang hindi na kami nagdodoorbell!" Maingay na salubong ni Fiffy, kumare ko.

"Oo nga sis, alam mo namang dito kami nagbebreakfast, pano 'kung 'di ka magising diyan?! Pano na lang kami? Hahayaan mo bang magutom ang mga dyosa mong friends?" Malungkot na sabi ni Trev, isa ko pang kumare.

"Tangina ka, mas concern ka sa mga bulate mo sa tyan kaysa sa hindi ko paggising?! Wala ba kayong kusina at kusina ko ang palagi niyong dinudumihan?" Binatukan ko nga siya ng malakas. Hinimas naman niya ang ulo niya.

"Masaket ha?! Nagjojoke lang ako e. 'Di ka marunong magjoke? Gagang 'to and for your information! Naglilinis kami ng kusina mo, and another FYI baks, mas masarap kumain kapag may kaagaw sa pagkain!" Sabi niya pabalik sa akin.

"Sugapa ka lang 'te dami mo dahilan." Sabi pa ni Fiffy.

"Aray?! Tangina niyo parang hindi tropa? Anyway, hindi ako masasaktan sa mga sinasabi niyo kasi maganda ako! Ilabas ko pa mga baho niyo!"

"Ingay niyo mga bakla pumasok na lang tayo." Pag-aawat ni Pam sa aming tatlo. Siya ang medyo tahimik sa aming apat. Peace keeper ng sangkabaklaan.

"Hala um-oo na ba ako?" Takang tanong ko sa kanila pero ang mga bakla dedma lang.

Walang pahintulot na nagsipasukan sa loob ng bahay ang tatlo at nilapag ang mga dala nilang pagkain. Kapitbahay ko lang din naman sila, hindi napapagod ang mga bakla sa biyahe kaya tuwing umaga nambubulabog ng kapitbahay nilang nagbebeauty rest.

"Bakla! Wala ka pa palang nahahandang pagkain?!" Rinig sa buong bahay na sigaw ni Fiffy.

"Wala!" Agad kong sinara ang pintuan at lumapit sa kanila. Isa-isa na silang nagkukumilos sa kusina.

"Kakagising mo lang ba?" Tanong ni Pam sa akin. Tumango naman ako at naka-de-kuwatrong umupo sa sofa na nakaharap sa kanila. Mahirap na baka sumilip panty ko pag 'di ako umupo ng ayos.

"Medyo late na kasi ako nakatulog kagabi," sakto namang bumukas ang pintuan sa taas. Sabay-sabay na napatingin ang mga bakla sa lumabas.

"Ay shuta akala ko boylet na," dismayadong sabi ni Trev.

"O ba't nandito 'yang lukaret na 'yan?" Taas kilay na tanong ni Fiffy.

"Pinalayas ka nanaman?" Tanong ni Pam habang nagsusuot ng apron.

"Ingay niyo mga bakla, kita niyong may natutulog." May inis na sabi ni Gia na ikinatawa ko ng mahina.

"Aba 'te malay ba namin na napadpad ka nanaman dito. Edi sana nagbulungan na lang kami 'no?" Nag-iinat na bumaba si Gia mula sa taas at lumapit sa kanila. Sinilip din niya ang mga dala nito.

"Kayo nga nandito nanaman nagreklamo ba ko?" Pangbabara niya sa kanila, tinarayan naman siya ng mga bakla. Napahawak sa dibdib si Fiffy na para bang na-hurt siya.

"Shuta ka talaga!" Sabi na lang ni Trev at nilabas ang mga laman ng paper bag.

"O, ayan. Lumafang ka diyan, magluluto naman si Pam e." Sabi niya at inabot ang tupperware na may lamang pancake. Agad naman akong lumapit sa tabi ni Gia at parehas kaming kumurot sa pancake.

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon