Chapter 4

190 25 9
                                    

Chapter 4

Tanaw na tanaw namin mula sa in-occupy namin na sofa sina Trev at Fiffy na giling na giling sa gitna ng dance floor. Dumami na rin ang mga tao at mas maingay kumpara kanina.

"Nag-order pa ako ng isang Jose Cuérvo. Kaya pa ba ng dalawang 'yan?!" Nag-aalalang sabi ni Pam sa tabi ko habang hawak ang isang shot glass. Tumango naman ako at tinungga ang laman ng baso ko.

"Keri pa 'yan! Nagsisimula pa lang ang gabi e." Natatawa kong sabi sa kaniya. Hindi pa naman ako tinatamaan. Medyo malaki rin ang lugar kaya hindi ko mahanap si Gia.

"Mga anong oras kaya pupunta dito si Gia?!" Halos hindi na kami magkarinigan ni Pam sa sobrang ingay. Malisyosa niya akong tinignan na ikinataas ko ng kilay. Anong meron? Nagtatanong lang naman!

"Malay ko sis! Kayo kaya magka-usap kanina." Sabi niya sa akin sabay baling sa ibang direksyon ng tingin. Hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy lang sa pag-inom.

Nilabas ko ang phone ko at pumunta sa instagram. Naka-zoom kina Trev ang cam habang vinivideo ko sila.

"Ayan mga bakla! Sige giling pa kayo!" Malakas na sabi ko, sapat para marinig sa video. Natatawa kong pinost sa story ko ang vid at nagpicture pa ako ng table namin na puno ng alak at pulutan.

"Tag mo kami!" Sabi ni Pam sabay labas ng phone din niya. Tumango naman ako at isa-isa silang tinag.

"Grabe! Kafagod!" Pawis at hingal na sabi nina Trev at Fiffy nang makabalik sa table.

"'Ni hindi 'man lang kami nakalapit 'don sa table na puno ng papi!" Dismayadong wika ni Fiffy sa amin.

"Bakit naman? 'Di gumana alindog niyo?" Pang-aasar ko sa kanila sabay salin sa baso ng Cuérvo at inabot sa kanila. Uminom muna si Trev bago sumagot.

"Hindi 'te! Bago kami makalapit, lumapit na sina Gia tsaka 'yung ibang girls pa sa kanila. Narinig ko pa nga sabi 'nung iba, 'Happy Birthday, Dylan!' tapos hiyawan sila 'nung umupo si Gia sa hita 'nung Dylan ata." Pagpapaliwanag ni Trev sa amin. Tumango naman si Fiffy.

"'Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Gia, nasubunutan ko na 'yon! Pogi pa naman 'yung Dylan! Yummy!" Pagtatantrums pa ni Fiffy.

"Gaga! Kahit naman na kaibigan natin si Gia nagsasabunutan parin naman kayo! Huwag nga kami!" Pagsabat ni Trev dito.

"Excuse me!-"

"Edi dumaan ka 'te!"

"Shutangina ka talaga! Pakyu!"

"Pakyu ka rin! Paunahan na lang maghanap ng lalaki?!" Paghahamon ni Trev.

"Mga lukaret!" Singit ko sa away nilang dalawa.

"Magsi-tigil kayo! Excuse me nga! Iihi ako." Sabay layas ko sa table namin.

Kanina ko pankasi pinipigilan ang ihi ko, ang tagal ba naman kasi bumalik ng dalawa! Ayoko naman iwanan si Pam na mag-isa.

"Ay sorry!" Nataranta kong sabi nang may mabunggo ako 'nung palabas na ako ng banyo. Medyo natumba na rin ako kaya agad niya akong nasambot napakapit tuloy ako sa braso niya.

"Okay lang. Kaya mo ba?" May bahid ng pag-aalala na sabi niya. Napa-angat naman ako ng tingin.

Bumungad sakin ang isang napakapoging nilalang. Singkit ang mga mata niya tapos may matangos na ilong. Isama mo pa ang kissable lips niya at mapupulang pisngi. Visible din ang kaniyang panga at base sa pagkahawak ko sa braso niya, fit siya. Mas matangkad din siya sa akin, walang binatbat ang 5'8 ko na height.

"Okay ka lang?" Pagtawag pansin niya ulit sa akin kaya agad akong napatayo ng ayo. Nakakahiya! Bigla akong tinamaan ng kahihiyan, ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

"S-Sorry ulit! 'Di ko sinasadya hehehe, okay lang ako!" Natatarantang sabi ko sa kaniya. Mabuti na lang at hindi gaanong rinig ang soundtrip sa loob. Nakita ko naman na natawa siya sa pagkataranta ko. Nawala tuloy 'yung mata niya! Parang guhit na lang!

"Huwag ka mataranta, anyway, cr na ako. Ingat ka pabalik sa table niyo." Sabi niya sabay kindat at iniwan na ako sa puwesto ko. Napatili naman ako nang maiwan na akong mag-isa. Nagmamadali tuloy akong bumalik sa upuan namin.

"Lasing ka na 'te?! Grabe pula mo! Kaya mo pa?" Nag-aalalang salubong nina Fiffy sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.

"Okay lang ako," sabi ko sabay pikit.

"Lah? Para kang shunga!" Sabi ni Trev sa akin kaya nahampas ko siya sa braso.

"Aray! Tignan mo para ka nang tanga!" Sabi pa niya kaya hinuli ko ulit siya pero naudlot din dahil dumating na si Gia.

"Andito lang pala kayo! Kanino ko pa kayo hinahanap!" Sabi niya sa amin sabay upo sa tabi ko, since do'n ang may bakante.

Para namang matatanggal na ang mata ni Fiffy sa kaka-irap kay Gia habang umiinom ito.

"Mawala 'yang itim ng mata mo kaka-irap!" Sabi ni Gia nang mapansin niya ito. Inirapan lang ulit siya ni Fiffy.

"Sino ka 'te? 'Bat ka nandito? Ganda ka?" Inis na sabi niya kay Gia na ikinatawa naman namin.

"Emote ka beh? Hindi ko naman kasalanan na doon ako naassign na table!" Pagdedepensa pa ni Gia. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Nakita kong tuwang-tuwa siya sa reaksyon ni Fiffy.

"At saka wala nang girls do'n. Puro boys na, pwede na kayo lumapit." Sabi pa niya rito. Tila nagliwanag naman ang mukha ni Fiffy at agad na hinila si Trev na namamapak ng pulutan.

Iiling-iling naman si Pam na pinanuod ang dalawang umalis ulit.

"Teka mga sis, natawag si Kean." Paalam ni Pam sabay pakita ng screen. Tumango naman kami at umalis na rin siya.

Naiwan kami ni Gia na namamapak ng pagkain. Natitigan ko rin si Gia nang matapatan siya ng ilaw sa mukha. Agad ko siyang hinarap sa akin.

"Bakit-" agad kong pinunasan ang palibot ng labi niya.

"Ang kalat mo kumain. Tsaka ano 'yan kalat kalat 'din lipstick mo." Sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ang palibot ng bibig niya. Napatawa naman siya ng malandi.

"Nakipag laps ka ba?!" Sabi ko sa kaniya na may malditang tono.

"Sikret!" Sabi niya sa akin sabay kiss sa pisngi ko. Ayan! Ganiyan siya, kapag may ginawang kalokohan, palaging naka-kiss sa pisngi ko sabay tawa na parang bata.

"Sinasabi ko sa'yo Gia ha?" Paalala ko sa kaniya at tumango naman siya sabay inom sa baso.

"Oo na. Pero eto trabaho ko Ely, hindi mawawala 'yung ganon." Sabi pa niya sa akin. Bumagsak na lang ang balikat ko as a sign of defeat.

"Bakit kasi ayaw mo na lang magtrabaho sa akin?" Sabi ko sa kaniya, nagpaplano na rin kasi akong magtayo ng sarili kong shop. Umiling-iling naman siya sa narinig niya.

"Ayokong umasa sa'yo Ely. Gusto ko paghihirapan ko 'yung makukuha ko." Sabi pa niya sa akin.

"E hindi ka naman hihilata lang don Gia! Magpapakahirap ka rin naman makakuha ng pera. Tsaka promise! No special treatment sa'yo!" Sabi ko sabay angat ng right hand ko.

"Kilala kita Ely, malilimutan mo rin 'yan tapos ibe-baby mo pa rin ako." Napanguso naman ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Ewan ko ba, nalilimutan ko kasing itrato siya bilang empleyado. I just wanna take care of her.

"Okay fine, pero wala na ba talagang ibang trabaho? I mean hindi naman ako against sa mga nagtatrabaho ng ganito pero kasi nag-aalala lang ako sa'yo..." may halong pag-aalalang sabi ko sa kaniya. Biginigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti.

"'Kung meron lang aside sa offer mo, bakit ako magpapakahirap sa pagbukaka para lang magkapera?" Binigyan niya ako ng halik sa pisngi at hinawakan ang isang pisngi ko.

"Huwag ka mag-aalala, 'kung may ibang offer, go ako agad!" Sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

"Cheka! Sige, tulungan ka namin ng mga bakla."

When it HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon