TRISHA
"THIS IS WEIRD! Alas-siyete na ng umaga ngunit hindi pa bukas ang grocery," pagmamaktol ni Angeline.
Napabuntong hininga na lamang ako at iginala ang paningin sa buong lugar. Wala pang masyadong tao sa oras na ito. Wala ring mga sasakyang dumaraan. Ibang-iba talaga ang probinsya kaysa sa siyudad. Kung nasa siyudad kami ngayon, sa mga ganitong oras ay amoy usok ka na dahil sa mga usok ng sasakyan.
"Miss, anong oras magbubukas itong grocery?" hindi na napigilan ni Angeline kaya nagtanong na ito.
"Ah, mamayang alas-otso pa ito magbubukas ma'am. Napaaga naman po ata kayo," sagot ng babae.
"Bago lang po kasi kami rito kaya hindi po namin alam kung anong oras sila magbubukas," nakangiting saad ni Danica sa babae.
Napatingin ako sa babaeng gulat na gulat matapos marinig na bago lamang kami rito. Hindi ko na napigilan at tinanong ko na siya. "May problema po ba, Miss?"
"Ah, w-wala naman. Sige mauuna na ako," sagot niya at mabilis na umalis. Tinignan ko lamang siya hanggang maglaho siya sa paningin ko.
"Weird," rinig kong bulong ni Danica.
"Ano ba yan! Isang oras pa tayong maghihintay," reklamo ni Angeline. "Try muna kaya nating bumalik sa apartment?"
"Girl, katamad maglakad!" sigaw naman sa kanya ni Danica. "Hintayin na lang natin magbukas."
MAKALIPAS ang isang oras ay nagbukas na rin ang grocery. Medyo marami na rin kami ditong naghihintay sa labas. Iisa lang ang grocery sa kalyeng ito, malayo din naman ang plaza dahil nasa apat na kanto pa ang lalakarin papunta roon.
"Sa wakas naman, at nagbukas din," bulong ni Angeline sa tabi ko. Nakisabay kami sa dagsa ng tao papasok ng grocery. "Infairness, malamig na agad dito sa loob."
" Ano uunahin nating bilhin?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Unahin na muna natin yung mga gulay dzaii," saad ni Danica na siya ang nakahawak sa basket.
Pumunta naman kasi sa gulayan na nasa mismong harapan lang namin kanina. Kumuha lang kami ng sakto para sa isang linggo. Sinunod namin ang pagbili ng mga de-lata dahil hindi naman kami mahilig magluto luto.
"Girl, tignan mo rin yung expiration date bago ka kumuha riyan," paalala ko kay Angeline.
"Oo na!" bulong naman niya na sinimulang tignan ang mga expiration date sa de-lata.
Meron kasi minsan na kahit expired na nga binebenta pa.
"Ang bigat naman!" sigaw ni Angeline nang makalabas na kami sa grocery habang hawak-hawak ang mga pinabili namin.
"Girl, iisang plastic bag na nga lang 'yang hawak mo kumpara sa hawak namin ni Trish, nagreklamo ba kami?" sarkastikong tanong ni Dani sa kanya.
"Duh, hindi 'to ganito kabigat kung hindi niyo dito lahat nilagay yung mga de-lata!" muling reklamo ni Angeline.
"Tumigil na kayo, pinagtitinginan na kayo ng mga tao oh," bulong ko sa kanila.
Mabilis namang naglakad si Angeline matapos ko silang awatin. Ganito palagi ang eksena naming tatlo. Mag-aaway sila at ako ang aawat.
Matapos ang ilang minutong lakaran ay nakarating din kami sa apartment. May mga tao dito sa baba ngayon ng bahay, sa tingin ko ay magbabayad sila ng upa.
Nakakapanibago pa rin ang kakaiba nilang tingin sa amin. Hindi ko mawari kung bakit nga ba ganyan sila makatingin sa amin.
"Trish, ang bagal mo maglakad. Nangangalay na kami dito oh," kahit kailan reklamador talaga 'tong taong ito. Mabilis kong binigay kay Angeline ang susi ng pinto.
Inilapag agad namin sa mesa ang mga pinamili namin at pinagkasya lahat sa loob ng ref.
"Girl, pa-open naman ng aircon!" sigaw sa akin ni Danica mula sa kusina. Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na in-open ang aircon.
"Owemji! Nakalimutan nating bumili ng asin!" sigaw ni Angeline habang inilalabas ang mga pinamili namin sa huling plastic bag.
"Ako na ang bibili!" sigaw ko sa kanila. Hindi na ako nag-atubiling hintayin pa silang sumagot. Nagsuot ako ng jacket bago ako lumabas. Mag-aalas-dose na kasi ng tanghali kaya tirik na tirik na ang araw.
Dumiretso ako sa malapit lang na tindahan. Wala pa siguro sa tatlong minuto ang lakarin ang layo ng tindahan.
"Pabili po ng asin," saad ko. Mabilis naman akong nagbayad matapos ibigay ng ale ang asin.
Habang ako'y naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa babaeng kasabay kong maglakad ngayon. Mukha siya aligaga.
Tatanungin ko na sana siya nang biglang may bumangga sa akin. "Aray!"
"Pasensya na," isang baritonong boses ang aking narinig mula sa likuran ko. Magsasalita pa sana ako ng mapansing nakaalis na pala siya. Napatingin naman ako sa babaeng kasama ko kanina nang makitang lumiko na pala ito ng daan.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad nang may naapakan akong isang bagay.
"Huh? Wallet?" tanong ko sa sarili ko. Napatakbo ako bigla pabalik sa tindahan nang makita ang isang lalaking sa tingin ko ay siyang nakabangga sa akin kanina.
"Kuya yung wallet niyo po nahulog niyo!" sigaw ko ngunit hindi man lamang ito lumingon. Sisigaw na sana ako nang marinig ang isang matinis na sigaw sa hindi kalayuan sa akin.
Sa tingin ko'y galing ito sa babaeng kasabay ko kanina. Mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ng babae. May mga nakikisabay na rin sa aking pagtakbo patungo sa isang kanto.
"Miss, ayos ka lang–"
Hindi ako makagalaw.
Naging tahimik ang buong paligid nang magsidatingan ang mga tao.
Dugo.
Puno ng dugo ang eskinitang kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako na ngayon ang nakatayo sa dating kinatatayuan ng babaeng kasabay ko lang kanina na naglalakad.
"Miss, ayos ka lang ba?"
Isang lalaki ang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako ngunit hindi ako makagalaw. Hindi ko maibuka ang aking bibig.
"Miss?!"
Pinapalibutan na ako ng mga tao ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Tumatakbo lamang ako kanina para tignan ang taong sumisigaw kanina ngunit sa lagay ko ngayon, ako na yung taong sumisigaw kanina.
Napatingin ako sa hawak ko. Isang wallet!
Nilibot ng paningin ko ang lugar. Puno ito ng dugo. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang napakaraming dugong ito.
Napasinghap ako nang maalinagan ang isang tao– isang babaeng nakahiga at naliligo sa kanyang sariling dugo. Pamilyar ang kasuotan niya. Nagkalat sa kanyang tabi ang mga bawang.
Hindi ako nagkakamali, siya iyong babaeng nagbabala sa amin kahapon na huwag lumabas.
"H-hindi, hindi siya yan," bulong ko.
Mas lalong dumami ang tao sa eskinita.
"Miss, ayos ka lang ba?" muli ay narinig ko ang mga taong nagtatanong kung ayos lamang ba ako. Unti-unti akong tumango.
"Sa tingin ko'y, nagulat siya sa kanyang nakita," rinig kong saad ng isang babae sa aking likuran.
Lilingon na sana ako ng magsimulang umingay ang paligid. Napatakip ako sa aking tainga nang mas lalong umingay ito. Hindi ko na napigilan pang sumigaw dahil sa labis na lakas nang mga naririnig ko.
May mga ilang natatanong kung ano ang nangyayari sa akin.
Nakatakip lang ang aking kamay sa aking tainga hangang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Sa mga sandaling iyon ay bumalik na sa dati ang aking pandinig hanggang sa sakupin ako ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
KALYE TRESE
Mystery / ThrillerA street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countless corpses are scattered on this street every morning. As a result, by six o'clock in the afternoon...