CHAPTER 7 : CAUGHT HIM

27 7 0
                                    

TRISHA

AFTER TAKING a bath I decided to go out and tell them what really happened. They were just quietly waiting for me on the sofa.

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdamang kumirot ang sugat ko.

"You okay?" rinig kong tanong ni Danica at inalalayan akong umupo. Tumango lamang ako.

"Pwede namang bukas mo na lang ikuwento ang nangyari kung hindi pa ayos ang pakiramdam mo," nag-aalalang saad naman ni Chief Sampayan.

"Ayos lamang po ako," ngumiti ako sa kanya. Narinig ko namang bumuntong hininga si Angeline. Hindi ko na lamang iyon pinansin at sinimulan na ang pagkukwento.

"T-that's imposible," hindi makapaniwalang saad ni Angeline matapos kong ikuwento ang nangyari. "So, you encountered the killer behind the killings in this street?" tanong ni Angeline na hindi makapaniwala sa nangyari. Tumango ako sa kanya.

"Since nagkita na kayo, pwede mong sabihin sa amin kung anong itsura ng killer," nag-aalangang saad ni Chief Sampayan.

"Hindi ko po nakita ang mukha niya, madalim na kanina nang magising ako. At nang sinundan niya ako ay nakasuot na siya ng maskara–" natigil ako sa pagsasalita nang maalala ang isang bagay.

"Why Trish? May masakit ba sayo?" rinig kong nag-aalalang tanong ni Danica.

"Yung k-killer, it was him."

"What about him, Trisha?" tanong ni Chief Sampayan.

Napailing ako. "He's the one who killed Mrs. Salazar," saad ko. Napasinghap si Angeline dahil sa kanyang narinig.

"So it was really him?" Angeline asked. Napakunot ako sa sinabi niya.

"You knew it already?" naguguluhang tanong ko.

"Yes Trisha, our agency already identified that the one who killed Mrs. Salazar is also the one who's behind the killings in this street. Pumunta kami rito upang sabihin sa inyo ang bagay na iyon at para makumpirma mo kung siya nga ba iyon," paliwanag ni Chief Sampayan.

"We think he will follow you when you meet. And now that you've met him, your life is in danger. So you have to leave again and stay away until we catch him," saad ng lalaking katabi ni Chief Sampayan.

"We will run again? For what? Para muli kaming habulin nung killer? Pagod na akong tumakbo, palipat-lipat ng lugar at magsimula muli nang bagong buhay," saad ko.

"Trisha, it's for our safety!" Angeline shouted.

"Trisha, please cooperate with us. You're the only one who can help us in this case. Pagkatapos mong sabihin sa amin kung saan nagtatago ang killer ay maari na kayong umalis kinabukasan," pagmamakaawa ni Chief.

"Fine, sasabihin ko sa inyo kung nasaan siya pero sasama ako." madiing wika ko. Kapag nagkita kaming muli ng killer, I will shot him to death.

"Trish, it's dangerous," nag-aalalang wika ni Danica.

I was about to say something when suddenly, someone's phone is ringing.

"Guerrero, napatawag ka?" tanong ni Chief Sampayan sa kabilang linya. Lumayo muna sa amin si Chief at nakipag-usap sa kausap. "Sige, pupunta na kami riyan."

"What did he say?" tanong nang lalaking gumamot sa sugat ko kanina.

"Namataan daw nang pulisya ang killer sa eskinitang sinasabi ni Trisha," sagot ni Chief. Gulat akong tumingin sa kanya. "Mauuna na kami mga hija, babalik kami bukas para pag-usapan ang pag-alis ninyo."

"Sasama ako," madiing saad ko. Tututol pa sana sina Danica at Angeline nang magsalita si Chief.

"Sasama ka ngunit hindi ka maaring lumabas nang sasakyan, maliwanag ba?" tumango ako sa sinabi niya at mabilis na sinuot ang jacket.

"Chief, hindi pa maayos ang lagay niya! Paano na lang kung may mangyayaring masama muli sa kanya?" ani Angeline.

"Look Angeline, maayos naman na ang kalagayan ko. At hindi naman nila ako papabayaan nila Chief," sagot ko at ngumiti sa kanya. Hindi na sila nagsalita pa nang makalabas na ako sa apartment.

Diretsong binagtas ko ang daan papunta sa kung saan naka-park ang sasakyan nila Chief. Nakita ko ang isang mobile car na nakaparada malapit sa isang tapsilogan. Tumayo ako roon at hinintay sila.

Sunod-sunod ang mga mobile car na dumaan sa kalsada.

Mabilis akong sumakay sa kotse nang makapasok na sila Chief.

"Trisha, sinasabi ko sayo, huwag na huwag lang lalabas sa kotse hangga't hindi kami bumabalik. Naiintindihan mo ba?" paalala ni Chief nang makarating kami sa eskinita kung saan namataan ang killer. Tumango lamang ako sa kanya.

"May baril sa shotgun seat, gagamitin mo lang iyan kapag may nangyaring masama," muli niyang paalala bago sila lumabas ng kotse.

Madaming nakaparadang police mobile car sa daan na ito. May mga nagsasabi naman sa mga residente na huwag lumabas ng kanilang mga bahay dahil delikado ngayon sa labas.

Umupo lamang ako sa loob at pinagmamasdan ang pulis na nagtatakbuhan papasok sa eskinita. Nakaguwardiya ang lahat ng mga pulis sa bawat eskinitang lalabasan ng killer, sinisiguradong hindi makakatakas ang killer.

Mga ilang minuto lamang ang nakalipas, may narinig akong putukan ng mga baril hindi kalayuan sa akin. Sinubukan kong aninagan ang nangyayari sa bandang iyon ngunit bigo ako.

Napatalon ako sa gulat nang may mabigat na bagay ang bumagsak sa harapan ng kotse kung nasaan ako dahilan para mabasag ang salamin nito. Napasigaw ako sa takot nang makita ang isang babaeng naliligo sa sarili niyang dugo habang nakapatong sa harapan ng kotse.

Hindi na siya humihinga. Kahit puno na ng dugo ang kanyang katawan ay mapapansin pa ring ginilitan ito sa leeg.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang may kumatok. Isang pulis.

"Miss ayos ka lang ba?" tanong niya at sinusubukang buksan ang pinto. May mga nagsisidatingan na ring mga pulis upang kunin ang bangkay.

Tumango ako at mabilis na lumabas ng kotse. Nakita kong tumatakbo papalapit si Chief Sampayan.

"Kilala ko siya, ako na ang bahala sa kanya," rinig kong saad niya sa pulis na umalalay sa akin palabas ng kotse. Tumango ito at sumama sa mga pulis na alisin ang bangkay.

"Hija pasensya ka na, kailangan mo nang bumalik sa apartment niyo. Sa tingin ko ay nalaman ng killer na nandito ka ngayon," bumuntong hininga ako at tumango sa kanya.

"Sa tingin ko rin," sagot ko.

"Ipapahatid na lamang kita kay Guerrero," wika niya at tinawag ang isang matabang pulis. Kinausap niya muna ito bago lumingon sa akin.

"Sige na, umuwi ka na."

"Chief, sana mahuli niyo na siya," saad ko bago umalis sa lugar na iyon.

KALYE TRESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon