FIVE YEARS LATER
Masayang nagtatakbuhan ang mga bata sa daan. Bumalik sa dati ang lahat pagkalipas nang mga ilang buwan limang taon na ang nakalilipas. Nawala na ang takot sa mga mukha ng mga residente ng Kalye Trese.
Sinasabi nilang malas ang lugar na ito, ngunit ngayon, sunod-sunod na ang pag-unlad nila rito.
Nagsigilid sa daan ang mga bata nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan na daraan.
Siya ang may-ari nang bagong eskwelahan na ipinatayo sa kalye. Isa itong pribadong paaralan. Nagmamay-ari rin ito ng isang computer shop dito.
"Ma'am, may appointment pa po kayo kay Doctor Francine Garcia," saad nang babae. Assistant niya ito.
Tumango lamang siya at pinaderetso ang sasakyan papunta sa isang hospital.
Maririnig ang kanyang mga yapak mula sa koridor. Pumasok ang babae sa isang opisina at bumungad sa kanya ang nakangiting babae na nasa mid 40's na.
"Angeline! Nice to see you again!" nakipag beso ang doktor sa kanya. Ngumiti ito nang malapad at umupo. "Ang laki nang pinagbago mo."
"Medyo na-stress lang ako sa trabaho," natatawang saad ni Angeline.
"Ikaw ba namang magpatayo nang napakalawak na eskwelahan, sino ba namang hindi ma-i-stress?" nagtawanan ang dalawa.
"How is she?" tanong ni Angeline para ibahin ang usapan nila.
"Do you want to see her?" balik na tanong naman ng Doktor. Tumango si Angeline at sumama sa doktor palabas.
Pumasok sila sa isang silid. May mga nagbago rito. Mas nadagdagan ang mga frames na nakasabit sa dingding ng kwarto.
"Akala ko hindi mo na ako bibisitahin," lumingon ang masayang mukha ni Trisha kay Angeline habang nagpipinta ito.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Angeline nang makita kung gaano kasaya ang mukha nang dati niyang kaibigan.
"Maiwan ko muna kayo," paalam nang doktor at naghintay sa labas.
Naupo si Angeline sa tabi ni Trisha at tumingin sa pinipinturahan nito.
"How are you?" basag ni Angeline sa katahimikan nila.
"I can still here their cries," mapait itong ngumiti habang nagpipinta.
"Who?"
"Danica and the rest. They're still asking for help," nakapalumbabang sagot nito.
"Trish, gagaling ka, okay?"
"I know, pero hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ng mga pamilya ng mga taong pinatay ko. I took the lives of their loved ones, kaya deserve kong maging ganito," saad niya.
"Trish, you know that I've already forgiven you. Mapapatawad ka rin nila sa tamang panahon," wika ko at ngumiti sa kanya.
"Alam mo ba, na-miss kong tawagin mo ako ng Trish," natatawang saad nito.
Mabilis ding natapos ang visiting hours. Umalis din kaagad si Angeline.
Napabuntong hininga si Trisha habang nakatanaw sa mga kapwa niya pasyente sa labas. Simula noong napunta siya rito ay hindi niya pa nasubukang lumabas. Palagi lang itong nakatanaw sa bintana.
Pinahintulutan nga siya nang pulis na rito na siya gagamutin ngunit hindi naman siya pinayagang makalabas.
Nasa isang kwarto lang siya sa loob nang limang taon. Si Doc Francine at ang mga nurse lamang ang nakakapasok sa kanyang silid.
Isang buwan na rin siyang hindi binibisita nang kanyang mga magulang dahil may business sila sa ibang bansa.
Maayos naman ang pamamalakad nila rito sa asylum sapagkat pinapayagan siyang magburda, magbasa ng mga libro at magpinta para gawing libangan niya.
Gabi na nang isang babae ang pumasok sa silid nito upang maghatid ng kanyang pagkain. Hindi ito ang babaeng naghahatid sa kanya ng gamot at pagkain. Tila bago lamang siya dito.
"Bago ka lamang ba–"
Hindi na natapos pa ni Trisha ang kanyang sasabihin nang masilayan ang mukha ng babae.
May mga pilat sa kanyang noo at pisngi.
"M-Mika," tukoy ni Trisha sa pangalan ng babae. Nakangiting lumapit sa kanya ang babae. Ipinatong niya ang dalang tray ng pagkain sa maliit na mesa.
"Naalala mo pa pala ako," natatawang saad ng babae.
"B-Buhay ka," hindi makapaniwalang wika ni Trisha. Tumawang muli ang babae at naupo sa harap ni Trisha.
"May nagligtas sa akin. Pumunta ako rito para itakas ka."
Gulat na tumingin si Trisha sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maraming pagkakamaling ginawa ang tatay ko sayo. Pinatay niya ang tunay mong ina. Alam kong sinubukan mo na akong paslangin noon ngunit nakilala ko siya," nakangiti ito habang nagkukwento.
"Sinong siya?" naguguluhang tanong ni Trisha.
"Nakilala ko ang taong nagligtas sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. Kung hindi mo ako hinulog sa gusali noon, siguro patay na ako. Binuhay niya akong muli, Trisha. Dadalhin kita sa kanya. Matutulungan ka niya," nakangiting paliwanag nito at humawak sa kamay niya.
"Sino siya?"
"Tinatawag namin siyang Deus."
Sa kalagitnaan ng gabi ay dalawang pasyente ang tumakas sa asylum. Sinubukan nilang hanapin ang mga ito ngunit nabigo sila.
"Sasama ako."
BINABASA MO ANG
KALYE TRESE
Mystery / ThrillerA street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countless corpses are scattered on this street every morning. As a result, by six o'clock in the afternoon...