"Trisha! It's raining, pumasok ka dito!"Napalingon ang isang batang babae sa taong sumigaw mula sa loob ng kanilang bahay. Napangiti ito sa kanya. It was her mom.
She was still eleven years old kaya normal lang na nakikipaglaro pa rin ito sa kapwa niya bata.
"Look at you, basang-basa ka na. Hindi ba't sinabi ko sa'yong huwag kang magpapaulan," sermon sa kanya ng kaniyang ina habang pinupunasan ito.
Magsasalita pa sana siya nang pumasok ang dalawang kaibigan niyang sina Angeline at Danica na kaedad lang nito. May dala-dala silang payong.
"Hi Trish! Hi, Tita!" bati nila sa kanila. Ngumiti naman ang kanyang ina sa kanila at sinenyasang maupo muna. Kapag may trabaho ang mga magulang nila ay dito iniiwan sina Angeline at Danica sa bahay nila Trisha na naging dahilan ng pagkakaibigan nila.
"Maligo ka muna," utos sa kanya ng kanyang ina na agad niya namang sinunod. Narinig niyang kinakausap ng kanyang ina ang dalawa habang kumakain ng cookies.
"Trish, huwag kayong lalabas ng bahay ah. Mag-gro-grocery lang si mommy," saad ng kanyang ina pagkatapos niyang lumabas sa kanyang kwarto. Tumango lamang ang mga bata at pinagpatuloy ang paglalaro.
Tumila na ang ulan nang umalis ang mommy ni Trisha.
"Anong oras na?" tanong ni Danica sa dalawa.
"Hindi ko alam, hindi pa ako marunong tumingin ng oras," sagot naman ng batang si Angeline.
"7:30 pa lang ng umaga, masyado pang maaga para pumasok sa school," sabat naman ni Trisha habang binabasa ang isang libro.
Ga-graduate na sila sa grade school kaya kailangan nilang mag-aral nang mabuti upang makapasa sa entrance exam sa papasukan nilang school.
Habang naglalaro at nagbabasa ay narinig nila ang isang busina ng isang kotse sa labas. Mabilis nilang kinuha ang kanilang mga gamit at lumabas. Nasa labas na ang mommy ni Trisha at handa na silang ihatid sa school.
Kinse minutos lang ang tinagal nang biyahe nila.
"Mag-ingat kayo, makinig palagi kay teacher, okay?" paalala ng mommy ni Trisha. Agad namang tumango ang tatlo at mabilis na bumaba sa kotse.
Nagsitakbuhan ang mga estudyante nang marinig nila ang huni ng bell hudyat na magsisimula na ang klase.
"May surprise recitation daw ngayon," saad ng isang kaklase nila Trisha.
"Huh? Wala namang sinabi si Teacher kahapon," reklamo naman ng isa pa.
"Surprise nga diba."
"Eh, paano mo nalaman kung surprise pala dapat?" sabat naman ng isa pa.
"Nandiyan na si ma'am!" sigaw ng isa nilang kaklase na nasa labas kanina. Agad namang nagsiupo ang mga iba at tumahimik.
Higit isang oras ang inabot ng kanilang recitation bago sila pinalabas ng kanilang guro.
"Nakakamaga ng utak yung question sa'kin kanina!" reklamo ni Angeline at padabog na naupo.
"Mabuti na lang at nasagutan ko yung akin," saad ni Trisha at sinabayan nang tawa. Nakisabay na rin sa pagtawa si Danica para asarin si Angeline na hindi nakasagot ni isa sa tanong ng kanilang guro kanina.
"Ang kulimlim na naman," wika ni Danica habang nakatingala sa kalangitan. Napatingin naman ang dalawa sa makulimlim na langit.
"Parang nahihilo ako," mahinang saad ni Trisha dahilan para mapalingon ang dalawa sa kanya.
"Halika, samahan ka namin papunta sa clinic," nag-aalalang wika ni Angeline. Inalalayan nila si Trisha sa paglalakad. Bubuksan na sana nila ng pintuan ng biglang nawalan ng malay si Trisha.
BINABASA MO ANG
KALYE TRESE
Mystery / ThrillerA street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countless corpses are scattered on this street every morning. As a result, by six o'clock in the afternoon...