TRISHA
I WAS ABOUT to enter the car when suddenly, someone is calling my name. It's coming from the building where the mobile car was parked. It's coming from the rooftop.
"TRISHA! WE'VE MET AGAIN! DO YOU STILL REMEMBER MY PROMISE TO YOU?!" he shouted from the rooftop while he has a knife dripping with blood in his right hand . It's a four storey house, if he's thinking that he will gonna jump, he will die immediately.
"You shit! Sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!" sigaw nang isang pulis sa likuran ko. Tama siya, napapaligiran na nila ang buong lugar.
Muli akong napatingin sa taas nang tumawa ito nang malakas. "HINDI AKO SUSUKO HANGGA'T HINDI KO SIYA NAPAPATAY!" sigaw niya habang dinuduro ako.
"Kailangang may pumunta sa taas para mahuli siya, iko-corner natin siya roon. Kapag nanlaban, patayin niyo agad," rinig kong utos ni Chief Sampayan sa mga kasamahan niyang pulis. Pumasok ang nasa sampung pulis sa loob ng bahay at ang ilan naman ay nag-aabang sa harap ng bahay kung sakaling magbabalak na tumalon ang suspek.
"Huwag kayong lalapit! Papatayin ko kayo!" sigaw niya sa taas na animong baliw nang mapalibutan siya ng mga pulis.
"Tatalon siya," saad ko kay Chief Sampayan nang mapansing umaatras ang suspek.
"Wala tayo magagawa roon, hindi pa dumarating ang rescue team para kung sakali sanang tatalon siya ay may sasalo sa kanya," wika ni Chief na sinundan ng malalim na buntong hininga.
Hindi na ako lumingon pa nang may malakas na bagay ang bumagsak sa harapan ng gusali kasabay ng pagkaputol ng mga buto nito. Gulat ang rumehistro sa mga mukha ng ilan dahil sa nasaksihan. Tumalon ang suspek na siyang dahilan nang agaran niyang pagkamatay.
Napatingin ako sa lalaki at lumapit doon. Pipigilan pa sana ako ng mga pulis nang matagal ko na ang suot na maskara nang suspek.
Imbes na magulat ay napangisi ako, I already knew that it was him.
It was Mikaela's dad who just want to avenge his daughters death.
***
ANGELINE
"NO WAY, he's already dead," rinig kong bulong ni Danica habang pinapanood namin ang flash report sa TV dis oras ng gabi.
Kanina pa namin hinihintay si Trisha na umuwi kaya napag-isipan muna namin ni Danica na manood at ito ngayon ang bumungad sa amin.
Base sa balita, tumalon ang killer mula sa apat na palapag na gusali. Hindi raw siya napigilan ng mga pulis. As of Trisha, tumawag siya kanina gamit yung cellphone ni Chief Sampayan since nawala niya yung phone niya noong kinidnap siya ng killer.
"Siguro karma niya na rin yan sa mga kasalanang ginawa niya," saad ko na tinanguan naman ni Danica. Mas gusto ko sanang makulong siya para pagbayaran ang ginawa niyang pagpaslang sa mga residente dito sa Kalye Trese.
"Siguro naman matatahimik na ang Kalye Trese," wika ni Danica na mabilis ko ring sinang-ayunan.
"At matatahimik na rin yung kaluluwa ng mga napaslang niya dahil nakamit na nila ang hustisya," sagot ko naman.
"Babalik na sa dati ang lahat," muling saad ni Danica habang nanonood pa rin ng balita.
"Hindi na sila weird," nagkatinginan kami ni Danica sa sinabi ko at tumawa ng malakas.
Nagambala ang aming panonood ng isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong Kalye Trese.
Magtatanong pa sana ako kung ano iyon nang biglang nawala ang kuryente.
"Dani? Asan yung flashlight?" Tanong ko habang kumakapa sa dilim.
"Nasa kusina ata," saad niya. Sobrang dilim, wala akong makita.
"Heto, nakita ko na!" sigaw ni Danica at binuksan ang flashlight. Kinuha ko naman ito sa kanya at hinanap ang kandila at posporo. Mabilis ko itong sinindihan at ipinatong sa lamesa.
"Kanino galing kaya yung putok ng baril?" saad ko. Sa tingin ko ay yun ang dahilan ng pagkawala ng kuryente. Napalingon ako sa kwarto ko nang marinig kong nag-ri-ring ang cellphone ko. Mabilis akong tumakbo at pumasok sa kwarto.
Napatingin ako sa kung sino ang tumatawag ngunit unknown number ito.
Lumabas muna ako ng kwarto bago ito sinagot.
"Hello? Sino 'to?" tanong ko sa kabilang linya.
"This is Lenard, isa ako sa kasama ni Chief Sampayan na bumisita sa inyo," saad nito na hinihingal na animo'y katatapos lang tumakbo.
"Lenard? Ikaw yung payatot kanina? Where did you get my number?" muli kong tanong.
"Nakuha ko sa phone ni Chief. Listen to me Angeline," hinihingal pa rin siya. "Ang taong tumalon sa gusali ay si Anastacio Galinato, nagkamali kami. Hindi siya ang killer."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Nakatingin naman ngayon sa akin si Danica kung ano ang meron.
"What do you mean his not him? Akala ko ba siya ang killer na pumatay kay Mrs Salazar at sa sunod-sunod na pagpaslang dito sa Kalye Trese?" naguguluhang tanong ko.
"Oo, siya nga ang pumatay kay Mrs Salazar. Ngunit hindi siya ang pumapaslang sa mga tao dito sa Kalye Trese. Hindi siya ang totoong killer," napalunok ako sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako nang muli siya magsalita.
"At si Chief Sampayan," nahihirapang saad niya.
"What about him?" hindi ako mapakali sa mga naririnig ko ngayon.
"H-he's dead."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig. "N-no! You're just kidding, right? Huwag kang magbiro nang ganyan!" sigaw ko sa kanya. Lumapit naman sa akin si Danica nang mapansing umiiyak ako. Mabilis kong ini-loud speaker ang usapan namin para marinig niya.
"I'm not kidding, Angeline. Nagkakagulo na ang lahat dito, everyone is panicking," sagot niya sa kabilang linya ngunit umiling lamang ako.
"Tell me, Lenard. Who killed him?" naghihintay ako nang kanyang sagot ngunit katahimikan lamang ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Lenard?! Who killed him?!" sigaw ko.
"Don't go outside! She will also kill you!"
Isang malakas na putok nang baril ang narinig ko mula sa kabilang linya. Kaba ang bumalot sa buo kong katawan dahil sa narinig.
"Lenard! Who is the real killer?" muli kong tanong ngunit daing lamang ang tugon niya. "Are you okay?! What happened? Are you still there?!"
Narinig kong sumigaw siya mula sa kabilang linya na animo'y namimilipit sa sakit.
"I-it w-was–" naghihintay ako sa kadugtong nang sasabihin niya ngunit hindi na muli pa itong sumagot.
Muli kong tinawag ang pangalan niya ngunit wala nang sumagot pa. Napaupo ako sa sahig at napaiyak.
Papatayin ko na sana ang tawag nang may muling nagsalita sa kabilang linya.
"IT'S NOT YET OVER."
That voice.
It was her.
"YOU STILL HAVE TIME TO RUN. NAGSISIMULA PA LAMANG AKONG MAGLARO," saad nito sa kabilang linya na sinabayan nang malakas na tawa. Napatingin ako kay Danica na gulat na gulat sa mga narinig. Mabilis kong pinatay ang tawag at tumayo sa pagkakaupo.
"A-Angeline, tell me it's not her, right?" naiiyak na tanong sakin ni Danica.
"Of course not, it wasn't her. She can't do that. We just need to save Trisha first," saad ko sa kanya at kinaladkad siya papasok sa kwarto ni Trisha.
I need to find the truth.
***
A/N: Hey readers! Before you proceed to the next chapter, who do you think is the real killer? It's already obvious hahahaha. Comment down your theory!
BINABASA MO ANG
KALYE TRESE
Misterio / SuspensoA street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countless corpses are scattered on this street every morning. As a result, by six o'clock in the afternoon...