ANGELINE
NAGMAMADALI AKONG pumasok sa kwarto ni Trisha matapos ang tawag kanina. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga nangyayari ngayon. Kailangan namin ng kasagutan.
Habang hinahalughog namin ni Danica ang mga gamit ni Trisha dito sa kanyang kwarto ay napansin kong may kung anong kahon ang nasa kasuluk-sulukan sa ilalim ng kanyang kama.
Inabot ko ito gamit ang stick ng walis. Isa itong itim na kahon. Naramdaman kong lumapit sa akin si Danica at tumingin sa kahon na hawak ko.
"What is that?" tanong nito. Nagkibit-balikat lamang ako at ipinatong ang kahon sa kama. Binuksan ko ang kahon at tumingin sa laman nitong puro notebook.
"I think it was her diaries," saad ko at inilabas ang limang notebook.
Inisa-isa naming binuklat at binasa ni Danica ang mga notebook ngunit walang impormasyon na makapagsasabi kung bakit nagkaganoon si Trisha.
"May envelope," rinig kong wika ni Danica habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook. Lumingon ako sa hawak niyang isang brown envelope.
"Saan mo nakuha?" tanong ko.
"Sa loob lang din ng kahon," sagot niya at binuksan ang envelope.
Hawak niya ngayon ang isang lumang papel. Tumabi ako sa kanya at binasa ang nakasaad doon.
"Isa itong DNA test nina Mrs Salazar at–" nahinto sa pagsasalita si Danica kaya naman mabilis kong binasa ang nakasulat.
Napasinghap ako sa nabasa.
"I-It's 99.99999 percent," mahinang bulong ko.
Sina Mrs Salazar ay Trisha ay mag-ina.
"Paano nangyari iyon?" naguguluhang tanong ni Danica habang nakatitig pa rin sa hawak niyang papel.
"Matagal nating hindi alam na may tinatago pa lang ganito si Trisha," nakatulalang wika ko habang inaalala ang mga pangyayari noon. Kung paano siya alagaan ni Mrs Salazar si Trisha. Kung paano nagbago ang ugali ni Trisha noong namatay ang Ginang.
"W-Wait, there's a flash drive here," saad ni Danica. Mabilis kong kinuha ang laptop na nasa mesa at isinalpak ang flash drive.
"There's only one file here," saad ko nang mabuksan ang laptop.
"Open it," utos ni Danica na mabilis kong sinunod. Nanginginig ang kamay kong pinindot ang file. Isang video ang laman nito.
"03-24-14," basa ko sa file name ng video.
"It's like a date," bulong ni Danica na sinang-ayunan ko rin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na pinindot ang video.
"Hi! It's March 24 today and I will be filming my first ever vlog here at the stockroom!"
Masaya ang bata habang sinasabi ang mga katagang iyon. She was familiar.
"It's Trisha," wika ni Danica.
Yeah, it was her. The eleven years old Trisha. There's no sparks on her eyes. It's like she didn't slept for days.
BINABASA MO ANG
KALYE TRESE
Tajemnica / ThrillerA street that if you look at it is just simple. There are people hanging out, gambling and so on. But at night, there are inexplicable events. Countless corpses are scattered on this street every morning. As a result, by six o'clock in the afternoon...