XV.

15 11 4
                                    

Warning: R-18 ahead!!!

--(*_•_*)--

"Havin bakit ang tahimik mo? May problema ba?" bulong niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa TGS dahil nag-aya ang mga kaibigan ni Sean at para na rin daw makilala nila ako. Kanina pa ako inis na inis sa balimbing na babae sa tabi ni Sean. Kanina pa siyang nakatitig sa akin na gusto niya akong paalisin ngayon. Kapag kinakausap naman siya ng kaibigan niya ay nag-iba ang ugali niya na parang pusang nagpapacute. Napakaplastic.

"Wala lang ako sa mood. Uuwi nalang ako. Magpapasundo ako kay De since kayong magkakaibigan lang naman dapat ang magsaya ngayon" agad niyang tinanggal ang ulo niya sa aking balikat.

"No! If you leave, I'll go with you"

"Huwag na ayoko pa naman na masira ang bonding niyo" hinawakan ko siya sa kamay at saka pinisil iyon. "Nandito na si De. Una na ako"

"Guys we need to leave now. Masama ang pakiramdam ko at may gagawin pa si Havin" doon ko tuloy nakita na taitim na nakatingin sa akin si Ash. I don't care for her feelings.

"Una na kami. Sorry sa abala" saad ko sa mga kaibigan niya.

"No it's okay. Atleast nakilala namin ang boyfriend ng kaibigan namin. Minsan lang kasi siyang magkagusto dahil sa mga libro o notes siya nakapokus" hindi na ako tumingin sa balimbing na babae. Ngumiti na lamang ako sa kanila at lumabas na sa TGS.

"Sa condo ko tayo mag-usap. Kunin mo lahat ng gamit mo bukas tapos magpahatid ka kay De sa condo ko" agad siyang pumunta kung saan nakasakay si De. Hindi ko nalang sila inantay pa at sumampa na sa shot gun seat.

"De sa condo daw ni Sean mo ako ibaba pero dadaan muna tayo sa bahay" tumango lang siya at agad naming tinahak ang daan papunta sa bahay namin. Agad ko namang kinuha lahat ng gamit ko at bumalik ulit sa kotse. "Tara na De. Hatid mo na ako sa condo niya"

"Bakit anong nangyari?" tanong agad ni De sa akin pagkasakay ko.

"Hindi naman sa nagseselos ako pero naiirita lang ako sa mukha ni Ash. Yung kwinekwento ko sa iyo" hindi na kami nagimik pa at sa daan nalang ang atensyon naming dalawa.

"Mag-iingat ka Vin. Kung saktan ka niya, sabihin mo lang sa akin at ako ang makakalaban niya" ngumiti nalang ako sa kanya at agad akong sumakay sa elavator.

Nasa 4th floor ang condo niya dito sa pagmamay-ari daw ng kaibigan ng Dad niya. Inalok rin ako ng Dad niya na kumuha rin ng unit ko dito at siya ang magbabayad pero tinanggihan ko. Ayoko pa naman silang mabahala.

Pagkabukas ng elevator ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at pumunta na sa unit niya. Agad akong huminto sa harap ng Rm. 461.

I put the correct password sa unit niya. Pagkabukas na pagkabukas ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko sa study table na pinagawa pa ni Sean para daw sa akin. Wala akong nakitang anino ni Sean at agad na nagtungo sa kwarto niya.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan niya ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Maya maya pa ay narinig ko ang malalim at malagong na boses ni Sean.

"Pasok" saad niya kaya Agad kong binuksan ko na ang pintuan at pumasok.

Naabutan ko siyang kasalukuyang hinuhubad ang suot niyang damit kaya agad akong napatalikod sa kanya at tila naririgudon sa bilis ang pagpintig ng puso ko dahil sa naabutan kong ginagawa niya.

"B-bakit h-hindi mo naman sinabing n-nagbibihis ka pala" nauutal kong saad sa kanya habang nakatalikod ako.

Agad namang nag init ang pisnge ko dahil sa nakita ko ang katawan niyang hubad kahit mabilis lang iyon. Hindi naman sa boyfriend ko siya ay ganun nalang.

Embrace the Rain | Barkada Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon