XIV.

13 11 1
                                    

Sa mga nakalipas na mga araw ay ni isa ay hindi nagkulang si Sean sa pagmamahal na binibigay niya sa akin. Naging matatag rin ang aming relasyon at naging open relationship kami sa kanyang pamilya.

Hindi ko pa nasasabi kay Mom dahil natatakot akong pagalitan niya ako. Hindi naman sa hindi tanggap ni Mom ang same sex relationship pero hangad niya lang ang makapagtapos ako ng pag-aaral.

Si Kuya Khalid ang parati kong pinagsasabihan kung ano man ang nangyayari sa amin ni Sean. Minsan nga ay pinapagalitan niya ako dahil ito raw ang bukambibig ko parati.

Kuya Khalid have boyfriend also at mas open sila kesa sa amin. Tanggap rin ni Mom at tanggap ko rin ang boyfriend niya.

"Ghourl daydreaming lang kahit gabi na?" napatawa naman ako kay Favi sa kanyang tanong. Nandito kami ngayon sa bahay na binili ng magulang ni Az para sa kanya. Graduation gift niya raw ito sa kanya.

"May iniisip lang Favi. Eh ikaw bakit wala ka pa jowa?" nagtawan naman kaming lahat sa sinabi ko dahil minsan rin ay pikon si Favi but atleast kahit nagsasakitan kami friends pa rin kami sa huli.

"Makatawa si Ruru na parang walang jowa" turo niya kay Ruru.

"Mami Favi mas mabuti pa ang madiligan kesa ang magkaroon ng jowa na sasaktan ka lang sa huli. Mas mabuti na ang masaktan sa kama at magsarap kesa sa masaktan sa pag-ibig, diba Lai?"

"Eh bakit ako nadamay sa usapan? Atleast hindi malabo ang relasyon namin diba De?"

"Well malabo nga pero hindi umaalis ng walang pasabi diba Az?"

"Jusko ano to? Pass the relationship status? Ikaw kasi Favi ang punot dulo nito" nagtawanan na naman kami sa bandang huli.

We spend time like this every saturday. Nakakapagod ring maging college student lalo na nasa upperclassmen kami. Sa Arellano University kasi may dalawang branch ng Univ. ang upperclassmen at regular students.

Lahat ng students na nasa upperclassmen were all Dean's Lister at palaging nasa main branch lahat ang buildings while the regular students ay nasa sub-branch ng school.

"Hey! It's already 9. Magsisimba pa tayo bukas. Tulog na ang iba, tayo nalang ang hinde" umupo naman si De sa aking tabi. His face was pale.

"Are you okay? May masakit ba?"

"Eto" turo niya sa kanyang dibdib. "Masakit dito Vin. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nasa iba. Kasalanan ko rin naman kung bakit kami ganito" nakita kong umiiyak siya. I hugged him tight.

"De lahat tayo ay nagkakamali but we need it to make it right. Hindi pa huli ang lahat De. Choose the right path kung ano talaga ang ikakabuti ng relasyon niyo" he wipe his tears using his fingers.

"Thanks Vin" tumayo na kami at saka pumunta na sa kanya-kanya naming silid dito sa bahay ni Az.

——(*_•_*)——

"Vin where did you go last night? Tumatawag ako sa phone mo pero hindi mo sinasagot. I'm worried about you" sabi niya pagkalabas namin ng simbahan. Nakita niya ako kanina pero hindi ko muna siya pinansin.

"I was about to text you na nandoon kami sa bahay nila Az pero hinablot ni Favi ang phone ko at agad na pinatay. Time of friends muna daw. Wala naman akong magawa" I shrug. He just give me a smack kiss before he let me go to my friends.

"Ang lalandi. Sa harap pa ng simbahan. Bakit hindi nalang kayo magpakasal niyan" sabi ni Lai habang hinihintay nila ako.

"Bunganga mo napakajudgemental. Kakagaling lang sa simbahan Lai" sabi ko naman at nagtawanan nalang.

Embrace the Rain | Barkada Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon