XVI.

16 11 1
                                    

["Nak asan ka? Tapos na ba klase mo?"] umiiyak na sambit ni Mom sa telepono.

"Nasa school pa po ako. Bakit po kayo umiiyak Mom? Is there something wrong?"

["Pumunta ka kaagad dito sa hospital nak"]

"Sino po ang nasa hospital Mom?"

["Sabihin ko nalang kapag nandito ka na. Sige nak ingat ka papunta dito"]

Agad niyang ibinaba ang tawag at natulala nalang ako sa kawalan. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung bakit nila ako pinapapunta sa hospital.

"Huy okay ka lang? Kanina ka pa tulala riyan" tawag sa akin ni Lai. Kasama ko siya ngayon sa library dahil pareho kaming vacant namin. Last subject ko na rin naman mamaya at makakauwi na ako.

"May iniisip lang" agad ko namang tinignan ang relo ko at oras na para sa susunod kong sub. "Una na ako. Chat nalang sa GC" agad kong kinuha lahat ng gamit ko at pumunta na sa room namin.

Sakto ring pumasok ang Professor namin. Habang nagklaklase siya ay napapatingin nalang ako sa bintana. Hindi ako mapakali kakaisip sa mga sinabi sa akin Mom. I hope everything is fine pero iba ang kutob ko ngayon. The fact that umiiyak si Mom ngayon ay nagbabadya na hindi ito maganda.

"Next week will be your Battery Examination. If you can't pass you'll be starting again at the bottom. Mas mahigpit na ngayon ang COE. Good luck everyone" pagkatapos na pagkatapos na sabihin ng professor namin iyon ay nagmamadali akong lumabas at tinahak ang papunta sa hospital ngayon.

I saw Sean waiting outside our building. Hindi ko mapigilan ang tumingin ngayon dahil kabadong kabado ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Hey what's wrong Havin?" agad niyang tanong ng makita akong nilagpasan ko lang siya.

"I have important to go. So if you don't have something important to tell, I just go" nagiging cold ako sa kanya dahil nagseselos pa rin ako kay Ash. Palaging sinasabi sa akin ni Favi na palagi silang nagsasama at walang ginagawa itong boyfriend ko. Oo nga hindi niya pinapansin pero dikit na dikit? I don't think so.

"Let's talk about us please. It's not what you think. If you want me to stay away from her, I'll shift to another course"

"Fine. Let's talk but please don't lie. I want an honest answer from you" agad ko siyang hinila papunta sa Paradise lounge. "Bakit parating magkasama kayo?"

"Hindi kami magkasama. Siya ang palaging dumidukit sa akin. I know she likes me but I love you more than what you think"

"Sabi mo kanina magshishift ka kung kinakailangan para lang maiwasan mo siya, gagawin mo ba?"

"Oo para sa iyo. Ayoko na kasing nagseselos ka kay Ash. Ash is Ash and Havin is for San San only. I know I'm possessive of you but kung magshishift lang ako ng course para lang hindi ka magselos at magalit sa akin, I'll-" I kiss on his lips to cut him off. He was stunned but kissed me back.

"Ang daming satsat but don't shift on another course. Ayokong ipagpalit ang dreams mo for me" sabi ko sa kanya pagkatapos ng malalim naming halikan.

"So bati na tayo?" tumango ako sa kanya at niyakap niya rin ako. "Uwi na tayo pero sa condo ka matutulog kasama ko"

"I want to but I have important to go San. Pupunta ako sa hospital kasi tumawag si Mom kanina and I don't know what to do" he brush my hair to calm me. That's what he do whenever I'm nervous and panic.

"Okay I'll drive you there. Tara na sa kotse ko" agad naming tinungo ang parking lot sa kanilang building. Hindi naman kalayuan ang College of Engineering building at ang Building nila.

Embrace the Rain | Barkada Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon