A is for an Apple

97 0 0
                                    

BATANGAS March 1994

Nathan P.O.V.

"A!! Apple. B!! Boy. C!! Cat"

-pasigaw na turo sakin ng aking Tita Claire.

"What is A for Nate?"

- sunod niyang tanong.

"E eey po?"

- nagugulumihanan kong tanong. Ewan ko ba kung bakit takot na takot ako sakanya pag tinatawag niya na ako sa ganun pangalan. Hindi kasi ako sanay. Dahil ang tawag sakin ng mga kalaro at pinsan ko ay Tan-tan.

8 years old na ako pero hindi pa din ako nagaaral sa isang eskwelahan. Tinutukso na nga ako ng mga kalaro ko. Inggit na inggit din ako sakanila pag nakikita kong papasok na sila tuwing umaga. Hindi ko masasabing mayaman kame pero may sarili kasi akong tutor. Home schooled ako since daycare. Ewan ko ba kay papa kung bakit hindi pa ako ienroll sa matinong school. Mukhang kaya naman niya ako pagaralin kahit sa exclusive school pa. Ang lage niya lang paliwanag, ay espesyal ako kaya kelangan ko ng mas matutok na guro. Isa dun si Tita Claire.

Tutor ko siya sa Math at English. Parehong subject na ayaw ko. Ayoko din tutor Si Tita Claire dahil may pagkamasunget siya. Natapat pa na Tuwing hapon ang punta niya sa amin dahil yun lang daw ang libre niyang oras. Antok na antok ako sa mga tinuturo niya. Pero pag nakita niya na akong inaantok, bigla.na lang siya nagtataas ng boses tulad ngayon.

"Oo. EY! Nakikinig ka ba Nate? Pang kinder na nga lang ang tanong ko...

- mahaba niyang litanya pero hindi ko na pinakinggan pa ang iba niyang sinasabi dahil narinig ko na si Papa. Nasa gate siya at nasa second floor naman kame. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing darating sya, naririnig ko agad siya. May kausap siya sa cellphone. Parang galit siya sa tono niya. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil malakas pa rin ang boses.ni Tita Claire.

"A is for an apple."

- wala sa sarili kong nabanggit ang sagot kay Tita Claire.

"Good. Pay attention Nate if you want to learn."

-nakaismid pa ding sabi niya.

Hindi nagtagal at umakyat na nga si Papa at tinungo ang aking studyroom. Nagtanguan sila ni Tita Claire. At lumabas uli para makapagusap.

"Kamusta ang lakad mo June?"

"Hindi maganda Claire."

"Kelan mo ba balak pagaralin si Nathan sa totoong eskwelahan?"

"Alam mo naman Claire na nagiingat lang ako. Tayo."

"Mas lalo mo siyang ipapahamak kung hindi mo gagawin normal ang buhay niya."

"Napagusapan na natin yan."

"Mas lalo siyang pagdududahan pag lage lang siya nasa bahay. Hayaan mo siyang kumilos ng akma sa kanyang edad. Handa na siya sa palagay ko."

"Ako ang hindi pa handa Claire, Natatakot ako na makuha din nila si Nathan."

" Hinding hindi yan mangyayari hanggat andito tayo."

Dinig na dinig ko ang usapan nila Tita Claire at Papa. Sino kaya yung sinasabi nilang kukuha sakin? Panakot lang naman nila yun para hindi na ako magagala sa gabi. Tulad ng Puting Van na nagaabang sa mga bata para gawin pampatibay ng daan o tulay na ginagawa yung dugo nila. O yung Bombay na nagsisilid sa sako ng bata. Lahat yan narinig ko na, wag lang ako makalabas kasi takot na takot ako. Pero malake na nga ako sabi ni Tita Claire. Siguro alam nilang nakikinig ako. Puwes hindi na yun tatalab saken. Lalo pa ngayon na dumadami na ang aking mga kaibigan, sa tulong na rin ni Kuya Omeng.

Si Kuya Omeng ay pinsan ko na nasa Highschool na. Masaya siyang kasama lalo na sa galaan, wala syang hinto ng pagpapatawa. Kalilipat lang nila sa Village namin ng nakaraang taon. Buhat ng lumipat sila, isinama niya na ako sa mga lakad niya. Sa mall, sa bayan, sa parke, sa mga abandonadong bahay sa Village para mag ghost hunting, sa ilog at kung saan saan pa. Hindi rin mawawala sa trip namin ang mga barkada niya. Sila Coco, Mariel, Francis at Peter. Nauna pa siyang magkaroon ng mga barkada kesa saken, dahil nga sa hindi ko paglabas ng bahay. Pare- pareho kame na nakatira sa isang village maliban kay Mariel na kaklase ni Kuya Omeng.

Kay Kuya Omeng lang pumapayag si Papa kung gusto ko lumabas. Tiwala siya dito at kahit nga gabihin kami sa daan ay ok lang sa kanya. Paminsan minsan sa bahay na lang nila kame natutulog.

Mabait din naman sila Tita Judith at Tito Paul. Mga magulang ni Kuya Omeng. Pinsan ni Papa si Tita Judith pero hindi naman sila magkamukha hehe. Minsan nga naisip ko magkakamaganak ba talaga kame?

Isa lang kasi ang nakikita kong katangian na pare pareho kame. Matatangkad kame. Si Kuya Omeng nga Nasa 6footer na kahit teenager pa lang at matikas ang kanyang pangangatawan, marahil na rin sa hilig niya sa paglalaro ng basketball.

Paminsan minsan ay tinuturuan niya ako sa court na maglaro, pero lampayatot ako eh, lage lang nila akong dinadamba, lage tuloy ako nagkakasugat. Tawa lang sila ng tawa saken lalo na pag hindi ako makaagaw ng bola.

----------------------------------------------
Note:
Bago lang po ako sa pagsusulat dito sa wattpad. Siguro nga wala pang makakabasa nito. Pero try ko pong magupdate asap. Lalo na kung may makakapansin hehe. Medyo maikli lang po yung umpisa ng story. Saka boring pa. Pero next update may eksena na.

IisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon